Third person's POV
"Bilisan niyo dyan mga bata at aalis na tayo!"
"Wait lang po, appa~!"
"Ay feeling tatay lang? Ganern?" Na sapuk naman sa ulo si Kwan ni Seungcheol.
"Engot, tatay naman na talaga ako noh!" Tugon ni Cheol. Inirapan naman siya ni Kwan saka umalis na ito.
"Cheol, pakibihisan nga si Seunghyun!" Sigaw ni Jihoon galing sa taas.
"Wait lang, Jihoonie, inaayusan ko pa si Jiwon!" Sabi ni Cheol.
"Ako na magaayos kay Jiwon pumunta ka na dun, hyung. Baka sumabog pa ulo ng asawa mo." Pabirong sabi ni Mingyu. Tumango lang si Cheol at umakyat na para puntahan ang isa niya pang anak.
"Seunghyun!" Tawag ni Cheol. Nakarinig naman siya ng mga kalabog ng paa saka bumungad sa kanya ang kanyang anak na hindi pa bihis.
"Yes, appa!"
"Halika na at bibihisan na kita." Sabi ni Cheol habang si Seunghyun nakasabit sa binte ng tatay niya.
•~•~•~•~•~•
"Hyung nasaan na yung asawa mo ang tagal niya naman!" Sabi ni Kwan na kanina pa naiinip sa paghihintay.
"Wait lang ah! Pupuntahan ko na!" Sabi ni Cheol saka ulit pumasok sa bahay nila.
Tinignan niya ang sala at kusina, wala. Which means nasa kwarto eto.
Umakyat siya sa hagdan at diretsong pumunta sa kwarto nila ng asawa niya.
"Jihoonie~" Tawag neto. Wala.
"Jihoonie?" Wala pa rin.
Nakaramdam na siya ng kaba. Parang dati lang, yung nagkulong si Jihoon sa kwarto niya at... alam niyo na yun.
Nakita niya naman yung cr na nasa kwarto nila naka bukas ang ilaw. Pinuntahan niya ito at kinatok. Nakita niya naman na nakabukas nang onti ang pinto ng cr kaya dahan dahan siyang pumasok dito.
"Jihoonie?" Nilibot niya ang paningin niya sa cr at nahagilap ng mga mata niya ang isang lalaki na nasa sink.
Pinuntahan niya ito dahil sa pagaalala. "Jihoonie, okay ka lang?" Pagaalalang tanong ni Cheol sa asawa niya.