Siyudad ng Maynila

1K 31 0
                                        

Unang Kabanata

Pinalaki nila Ana si Ella na malayo sa mga mapanghusgang tao, o sa syudad
nagaaral siya sa isang pampublikong paaralan sa baryo maikot
marami nang nahumaling sa taglay nitong malaanghel na mukha
ngunit ni isa sa mga iyon ay wala siyang nakatuluyan at nagustuhan

habang naglalakad si Ella upang pumunta sa gubat para maglibang
inutusan niya ang himpapawid na umulan at ito naman ay sumunod sa kanya,alam na ni Ella ang tungkol sa kanyang kakaibang kakayahan.....

"ella!!! ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wag na wag mong gagamitin ang kapangyarihanmo sa labas ng bahay!pano nalang kung may nakakita saiyo!"

galit na isinigaw ng kanyang ina ng makita siya nito,nasa may likuran si Nando dala dala nito ang alagang baka nito. Nabigla si Ella sa biglaang pagdating ng kanyang mga magulang.

"pasensya na po ma..."

tinigil ni Ella ang pagulan
agad namang nilapitan ni nando at ni anna si ella upang yakapin dahil unti unting tumulo ang luha nito

"anak naman...wag mo ng gagawin yun ha?!"

"ma...habang buhay na lang po ba ako magiging isang ganto??"

nagpatuloy na ag nagbabadyang luha sa mga asul na mata ni Ella

"anak....hanggang sa kaya mo pang kontrolin ang kapangyarihan mo.magiging maayos tayo..."

hanggang sa tutungtong na si ella sa kolehiyo at kailangan niyang lumuwas ng maynila

nung una ay ayaw siyang payagan ng kaniyang mga magulang dahil.manila iyon, maingay,magulo,madaming tao at higit sa lahat, hindi siya sanay sa ganung kapaligiran, pero dahil gusto nilang mapabuti ang anak,pumayag din ang mga ito

sa isang kondisyon,hindi niya pwedeng gamitin ang kapangyarihan niya ng lantaran at bawal niya itong gamitin sa masama na agad namang sinangayunan ng dalaga

mabait,responsable,matino at tapat si Ella kaya ganun nalang kung magtiwala sa kanya ang kanyang mga magulang

hanggang sa sumakay na ng bus si Ella na papuntang maynila at dun siya titira sa kapatid ng kanyang ina na si Erina Santibañes o Eri .

ng makasakay na si Ella sa bus, sumilip siya sa bintana at nagpaalam na sa kanyang mga magulang, ang ama niyang niyayakap ang inang maluha luha sa paglisan ng anak

"paalam po ma,pa, magiingat po kayo,babalik po ako!"

--TERMINAL--

pagbaba ng bus, agad na sinalubong siya sa terminal ng tiyahin na si Eri
nagitla si Ella ng may biglang yumakap sa kanya

"ah...ikaw ba yan ella?napakagandang bata! o siya tara na at pumunta na tayo sa bahay..."

maganda,maputi at mukhang batang bata pa ang kanyang tiyahin.
halata sa pananamit nito at itsura na mayaman ito,sa tawag lang sila naguusap, at dahil nakita na nila ang isat isa sa personal, sobrang saya ni Ella sa pagkikita nila ng kanyang tiya na ang turing nadin sa kanya ay parang tunay na anak. Biyuda ang kanyang tiyahin dahil namatay ang asawa nito sa banggaan.
alam na din ni Eri ang tungkol sa pagampon ng magasawa kay Ella,
ngunit ang hindi nito alam ay ang tungkol sa misteryong kapangyarihang itinatago nito.

Kinabukasan

nagpaenroll na si ella sa isang pribadong kolehiyo kung saan siya pagaaralin ng kanyang tiyahin, si Eri ang bahala sa lahat ng kanyang gastusin sa eskwelahan, ang tangi niya lang na dapat gawin ay ang magaral ng mabuti.

"oh panu ba yan ella....bukas na bukas...unang araw mo na sa paaralang iyon"

bigkas ng tiyahin habang nasa hapag kainan sila,madaming putahe ang inihain ng kanyang tiya, na siya din naman ikinatuwa ngunit ikinahiya ni Ella

"tita, hindi po ba nangbubully mga tao dun sa David Greene University? tsaka tita pwede naman po ako sa pampublikong paaralan, nakakhiya naman po, sa mamahaling eskwelahan pa po.."

natawa si Eri sa sinabi ng pamangkin, halata dito ang guys at anv pagkasimple

"alam mo nak, mas makalidad sa eskwelahan na yan, at isa pa, magthank you ka nalang imbis na mahiya ka"

sabi ni Eri habang nakangiti kay Ella

"salamat po tita"

natatakot si ella unang beses niyang magaral sa isang siyudad,natatakot siya sa haharapin niyang hamon sa pagaral sa kakaibang lugar at di niya nakasanayang kapaligiran, hindi siya ignorante na walang alam, hindi lang siya sanay, kaya ganun nalang ang nadarama.

inayos na ni Ella ang kanyang higaan para matulog, ngunit bago siya humiga, naramdaman niyang may malamig na hangin na dumaan sa batok niya na tipong hinalikan ito, tumingin siya sa pintuan ng terrace , wala siyang nakitang iba kundi ang kurtinang nadadala ng hangin.

tumayo siya para isara ang bintana ngunit may naaninag siyang tipong dumaan sa harap ng gate nila.

inisip niyang baka naman minamaligno na siya, ngunit hindi takot ang nararamdaman niya, ngunit parang kaligtasan..

Thank you for reading! hang up and be ready for the next chapter of Ella's Magical life

Vote/Comment


Immortal Powers Of A MortalMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon