David Greene University

1K 30 6
                                    

Kabanata 2

Hinatid si Ella ng driver nila Eri patungo sa eskwelahan na papasukan ni Ella , and David Greene University.
Sinabi sa kanya ng tiyahin na siguradong mageenjoy siya din dahil may mga gwapo doon,ngunit hindi naman siya interesado sa mga yun.

Nakasilip si Ella sa bintana,tinitignan ang taas ng mga buildings, at kung ano ano pang wala sa baryo Maikot,
hindi namalayan ni Ella na nasa tapat na pala sil ng eskwelahan, nagdadalawang isip kung bababa ba siya o hindi,

"maam nandito na po tayo"

sabi sakanya ni manong espe ang driver,

"saglit lang po manong,dito po muna ako sa loob"

pinagmasdan ni Ella ang mga istudyanteng naglalakad papasok ng unibersidad, malilinis, magaganda at gwapo ang mga estudyante,halata sa mga ito na mayayaman sila, lahat sila may mga kaibigan, lalo siyang napanghinaan ng loob, hindi siya ganun kafriendly para magkaroon agad ng kaibigan, ng iniikot ni ella ang kanyang mata, napatingin siya sa isang magandang babae na nakasuot ng green na longsleeve,mahaba ang buhok nito, ang ipinagtataka niya ay nakatingin ito sa pwesto niya at ngiting ngiti.

"alam mo ma'am, hindi mo magagawa kung ano ang dapat at gusto mong gawin kung pangungunahan ka ng takot"

napatingin si Ella sa driver, nakatingin lang ito sa may labas,
tama nga ito. Ngumiti si Ella sa driver at nagpasalamat, saka lumabas ng sasakyan.

pagkababa niya ng sasakyan
agad na may sumalubong sa kanyang babae,yung nakatayo kanina na ngiting ngiti.

"you must be Ella? hi!! tita Eri said na dito ka daw magaaral so..Hi! I'm Liza Rivera,daugther of tita Eri's bestfriend,I can be your friend here Ella"

sabi nito na ngiting ngiti at nakakapit sa braso nito, tumagal tagal ay
agad na nagkapalagayan sila ng loob dahil mabait ito at isa pa comportable si Ella na kasama ito, alam na ni Ella ang tungkol kay Liza, at ganun din si Liza , maliban sa kapangyarihan ni Ella.

pumasok na sila sa eskwelahan at nilibot ni Liza si Ella sa unibersidad
wala pa namang mga klase dahil unang araw pa lamang at orientation lang ang nagaganap,

"ahh so ganun pala yun? ei asan na yung mga tunay mong magulang?''

tanong ni Liza habang nginunguya ang kinakaing fries

''ewan ko din ei.."

pagkatapos nilang kumain ay umalis na sila para pumunta sa may field, habang naglalakad,
napansin ni Ella ang lalaking nakaupo na nakikipaghalikan sa babae,pikit na pikit yung lalaki at hawak pa nito ang isang legs ng babaeng hinahalikan na kaikli ikli ng paldang suot.

"Kabastusan nitong mga to, tamo sI ate kinulangan sa tela, gipit teh?"

napatingin si Ella kay Liza pagkasabi niya nun

''ahhmm..ang alam ko no pda dito...''

natawa si Liza kay Ella habang nakatingin dun sa naghahalikan, hinila niya si Ella palayo papunta sa loob ng soccer field.

''sus masanay ka na diyan kay rence laging ganyan yan,halos lahat ng magagandang babae dito natuka na niyan kung nagkakaaids lang ang halik malamang possitive na yan"

napakunot nalang ang noo ni ella sa sinabi ni Liza, maganda si Liza edi ibig sabihin..

"huh ...edi pati ikaw nahalikan na niya..maganda ka naman liza ah"

sabi niya kay liza na natuwa naman sa sinabi niya, at binatukan pa siya

"sus...salamat...pero mas maganda kasaakin..uhhh oo nahalikan na niya ako.kaya kung ako sayo...ingat...baka ikaw isunod nyan"

bigla naman ngumiti si ella,kaya napatawa sa kanya si Liza

"wag mong sabihing hinahangad mo?"

ngayon si Liza naman ang binatukan ni Ella

"hindi, ang alam ko lang, hindi niya magagawa sakin yun"

......

hanggang sa lumipas ang mga araw na sobra na ang pagiging malapit ni 
Ella at ni Liza sa isat isa ,ng isang araw...habang naglalakad papuntang library, napansin ni Ella ang babaeng nasa may gilid at nakayuko nakita ni ella na umiiyak si Liza..agad niya itong pinuntahan at niyakap

"Liza!! anong nangyari?,bakit ka umiiyak?"

tanong ni Ella habang tinatahan ang kaibigan

"si-si daniel.....nakita ko siyang nakikipaghalikan sa iba..."

kapatid na ang turing niya kay Liza, kaya kapag nakikita niyang malingkot ito ,nalulungkot nadin siya,

"pati ba naman yung hayop na yun, iniidolo si rence?halika!"

at hinila niya si Liza

"san?! ituro mo....dapat silang turuan ng leksyon!!,lagot sakin yung unggoy nayun,alam mo dapat di mo sila hinayaan, since mukha silang basura at ugaling basura, dapat tinapunan mo sila ng basura! ako na mismo gagawa para sayo"

lalong napahagulgol sa iyak si Liza
ngunit ng tumigil na sila.sa may likod ng basketball court, tinakpan ni ella ang bibig ni Liza at sinabihan ito na tumigil siya sa pagiiyak .
at nakita na nila ang mga ito na kalahati na lamang ang mga suot
naghahalikan ang mga ito....nagtago si Ella at Liza sa isang sulok....napailing na lamang si Ella sa mga ginagawa ng mga ito

nagconcentrate si ella...
nakita niya yung basurahan banda kalapit ng mga ito. napangiti si Ella at sinenyasan niya si Liza na takpan ang kanyang mata, ginawa naman ito ng dalaga,ngunit ang hindi nito alam ,nakasilip padin ito.

unti unting pinagalaw ni Ella.ang Basurahan, nung una, medyo hindi gumagalaw ngunit unti unti ay napapagalaw niya na, napangiti siya at tinaas niya na ang kanyang kamay upang paliparin ito papunta dun sa naghahalikan..

lahat ng laman ng basura ay nabuhos sa dalaws, ang babae at maiyak iyak na dahil sa baho at ang lalaki ay manginignginig sa pagtatakang pano napunta ang basurahan sa kanila

"m...may...may multooooo!!!!"

nagsitakbuhan yung dalawang naghahalikan habang takot na takot
nakangiti naman nun si ella at si liza naman...gulat na gulat sa nasaksihan

"e-ella!! i knew it! hindi ako nagkamali sa nakita ko! yung..yung ano... dati yung 
napagalaw ,mo yung eraser ng tinignan mo lang!!"

nagulat naman si ella , nakita ng kaibigan niya ang mga nangyari

"diba sabi ko takpan mo mata mo??"

napangiti na lang si Liza na parang nagsasabing Sorry at dun napailing na lang si Ella, wla na din naman siyang magagawa, nakita na ni Liza yung nangyari at isa pa, mapagkakatiwalaan naman ito.

hanggang sa kinuwento niya ang lahat tungkol sa kanya
at sinabihan nitong wag babanggitin kahit kanino..
mapapagkatiwalaan si liza kaya ganun nalang kung pagkatiwalaan siya ni ella

ngunit ang hindi nila alam, may isang lalaki na nakatayo sa may gilid ng punong katabi kung saan sila nagkukuwentuhan, at kung saan narinig nito lahat ng sinabi ni Ella kay Liza..

Thanks for Reading!
hope you enjoyed this chapter
Get ready for the next chapter

Vote/Comment


Immortal Powers Of A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon