Aria

699 20 0
                                    

kabanata 5

*"layuan mo ang anak ko!! layuan mo siya!! anak!! Aria!!!!!!"*

napabangon ng higa si Ella dahil sa panaginip na yun pawis na pawis siya, pinunasan niya ang kanyang pawis at huminga siya ng malalim.

biglang kumidlat, napatingin siya sa labas at isinara ang pintuan sa terrace
lumabas siya ng kwarto at bumaba upang pumunta sa kusina para uminom ng tubig,
kumuha siya ng tubig sa isang pitsel

"sino si Aria?? sino din  kaya yung mga nakita ko sa panaginip ko?"

tanong niya sa sarili niya
naalala niya yung nasa panaginip niya habang nakikipaglaban siya sa isang babaeng nakaitim..

tumalsik siya at nasugatan sa braso dahil sa pagtama nito sa matulis na sanga ng isang puno, nilapitan siya ng isang lalaki na ani mo isang diwata na napapalibutan ng  itim

"ikaw....ikaw ang prinsesa ng bersula.."

hinawakan siya nito sa may braso
at may isang kulay itim na pumasok sa katawan niya at sumigaw ang isang babae na nakatali gamit ang isang maalakristal na tali

"layuan mo ang anak ko!! layuan mo siya!! anak!! ariaa!!"

at dun na natapos yung panaginip niya naalala niya na nasugatan siya dun sa panaginip niya sinubukan niya namang tignan ito,nabitawan niya ang basong hawak niya
,kaya nagdulot ito ng ingay

nagising sina Eri at ang mga katulong
narinig ni Ella ang pagbaa ng kamiyang tiyahin sa hagdan na naggising sa kanyang diwa

"Ella?! anong nangyari??anu yung nabasag?"

napansin ni eri yung bubug sa sahig

"diyos ko ella!! ayos ka lang?nasaktan ka ba? anong nangyari?

manang!!palinis po ng nabasag"

utos ni eri dun sa katulong habang nagaalala kay ella

"tita....yung braso k-ko po..."-ella

nagulat din si Eri sa nakita niya

"Ella?!! san nanggaling to?? bakit may sugat ka sa braso!!?"

nagaalalang tanong ni Eri
habang si Ella naman...
nakatulala sa sugat

kinuwentoniya sa tita niya ang napanaginipan niya ngunit....
hindi ito naniwala
at sinabi lang sa kanyang baka daw kung san lang ni Ella nakuha iyon...

pumasok na ng kwarto si Ella
inisip niyang mabuti, kung ano ba talaga yung panaginip nayun
hindi niya maitindihan ,
ni hindi niya maaninag ang mga mukha ng mga ito
at isa pa ano ang kulay itim na pumasok sa katawan niya

hinawakan naman ni ella ang sugat sa braso niya at pinagaling ito
umilaw ng kulay asul ang kamay niya
at napagaling naman niya ito..hindi siya makatulog
kaya pumunta muna siya sa terrace 

ng kwarto niya at nagpahangin
napansin niyang
madaling araw pa lang pala
tinignan niya ang orasan sa loob 
alas 3 pa lang ng umaga
kaya malamig...

hindi napalagay si Ella dahil pakiramdam niya may nagmamasid sa kanya
naghanap siya sa paligid kung sino iyon

napansin niya ang lalaking
nakaitim at nakahoody sa may ilalim ng puno..
nakatayo ito...
at nakasandal sa puno na animo parang tumatambay lang...
hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa madilim at natatabunan siya ng anino ng puno...

pero nararamdaman niyang nakatingin ito sa kanya
inisip niya nalang na guni guni iyon
ngunit kumurap siya at nakita parin iya ito..kaya naman kumurap ulit siya at pinunasan ang mata saka lang ito nawala..

sino nga ba ang lalaking iyon??
ordinaryong tambay lang kaya ito??
ngunit bakit sa ganung oras.  
at bakit kasing bilis ng bula ito kung mawala?

kilala niya kaya si Ella??

Thanks for reading!

please read the next
chapter

Vote /Comment

Immortal Powers Of A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon