PROLOGUE
Sa bayan ng Maikot
may isang magasawang naglalakbay sa gubat para magani ng pananim..
habang namimitas ng repolyo si anna, si nando naman ay nililinis
ang alagang baka.may narinig silang ''unga ng sanggol''
agad naman nilang hinanap ito at sa may damuhan malapit sa puno ng akasya,nakakita sila ng isang malaanghel na bata, kulay asul ang mga mata nito na para bang nagpapangiti sa kung sino man ang titingin dito, nakahiga ito sa may dahon habang nababalutan ito ng dahon ng saging.
agad na natuwa ang magasawa,dahil kahit papano ay matutupad na nila ang kanilang kahilingang
magkaanak..ngunit bago iyon
hinanap muna nila ang mga magulang nito sa sulok ng gubat,ngunit wala silang nahanapang magasawang santo domingo ay napagdesisyunang ampunin ang bata.
at pangalanan itong mykaella santo domingoisang taon ang lumipas.
napagalaman ng magasawa na may kakaiba sa kanilang anak..
napansin nila nung mga araw na yun na kapag umiiyak ang bata..nakikisabay ang kalangitan at pati ang paligid
ngunit hindi nila iyon pinansin....
hanggang sa lumipas ang 2 taon..
papunta ang pamilya sa gubat upang umani ng mga pananim..ngunit ikinalungkot nila dahil nalanta ang mga ito...
at laking ikinagulat ng magasawa ng makita nila nung hinawakan ni ella
ang isang lantang pananim,muli itong bumunga...
halos magduda na sila sa kung ano ba talaga ang meron sa batang si ella..
napagkasunduan nila na dapat nilang proteksyunan ang bata, dahil sa taglay nitong kakayahan, maaaring may sumantala dito.
Habang lumilipas ang panahon,madaming kakayahang naipapakita ni ella tulad nalang ng
pagpapagalaw sa mga bagay,
paggawa ng apoy
pagkontrol ng tubig,lupa at hanginat higit sa lahat ang pagiilaw ng pula, asul, at berde sa kanyang kamay
Pula sa tuwing nasusugatan at nasasaktan siya
Asul, sa tuwing nalulungkot at nagkakasakit siya
at Berde sa tuwing pagagalingin niya ang isang sugat o karamdaman
isang araw ,habang nagsasaya ang pamilya, may lumapit sa kanilang isang matanda, nakasuot ng kulay puting daster at nakatsinelas
madami itong porselas at mga singsing, ang kabilang mata nito ay parang bulag dahil sa itsura nitong kulay puti na maliit na lamang ang itim na bilog sa gitna, habang ang kabilang mata ay normal na itim lamang."may kailangan po ba kayo nanay?"
hindi sila pinansin ng matanda ,ngunit hinawakan na lamang ito si Ella sa kamay.
napansin niya ang paghipnotismo ng matanda sa kanyang mga magulang na tila ba naging istatwa ang mga ito.
umilaw ang mga mata ng matanda
walang ibang naramdaman si Ella kundi ang takot"huwag kang matakot princesa,ako'y isang kakampi"
hindi man sigurado ngunit sinunod ni Ella ang sinabi ng matanda, na huwag matakot
"kapag narating mo ang ikalabing walong taon ...magaganap ang nakatadhana para sa iyo...
magiging ganap kang princessa ng mga bersula,,ang bersula ay isang kaharian kung saan naninirahan ng payapa ang mga bersulania
o ang mga diwata...nahahati ang mga lahi ng diwata sa dalawa...ang itim at ang puti.....at sa puti naman ...ibat ibang klase ang mga kulay mga diwata ang asul para sa tubig at hangin,ang pula sa apoy,ang berde para sa lupa,halaman at hayop,ikaw lamang ang natatanging nagtataglay ng lahat ng iyon at ang pinakanatatanging nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan na wala ang lahat ng diwata"at may inilabas ang matanda na kwintas,hugis perlas ito ngunit berde ang kulay nito
ginising ng matanda ang magasawa
at inutusan niya ang mga ito."isuot niyo ito sa kanya...upang maiwasan niya ang kapahamakan...anak siya ng isang mortal at ng isang imortal...ang mga diwatang itim....ay hinahanap na siya sa ngayon"
isinuot mg magasawa ang kwintas at mg isinuot nila ito kay Ella ,ito at umilaw
"sino po ba kayo?"
kasabay sa katanungang iyon ay ang pagtulo ng luha ni Ella.
"sino po ba talaga ako?"
ngumiti ang matanda
"anak bakit ka umiiyak?"
lumingon si ella sa langang magulang na kung makikita sa kaaila na para bang walang nangyari.
muling lumingon si Ella sa kinaroroonan ng matanda ngunit wala na ito.
Kay bilis nitong maglaho,lumingon siya sa kanyang ina at ngumiti
"wala po ma ,mamimiss ko po kasi kayo."
niyakap siya ng kanyang amat ina
pero iniisip niya, kailangan niyang malaman kung sino siya at anong meron sa buong pagkatao niya.
tumingin siya sa puno ng akasya kung saan daw siya natagpuan ng kanyang mga magulang.
nakita niya ang matanda doon, at ito ay ngumiti sa kanya bago ito naglaho kasabay ng mga dahon na nagliliparan
-next chapter ahead
thank you for reading! vote if you like it and comment if you want to share something :) godbless---------------------
BINABASA MO ANG
Immortal Powers Of A Mortal
عاطفية"Harapin mo ang nakatakda sa iyo, bago pa mahuli ang lahat" Isang Misteryosong babae na nagtataglay ng mga ibat ibang kakayahan na wala ang normal na tao. Paano na lamang kung dumating ang araw na kailangan niyang tanggapin ang nakatadhana sa kanya...