Text

2.8K 41 0
                                    

Napahinto ako sa masayang pagtawa't pagtakbo ko ng maalala ko yung ginawa ng panget na yun.

Argggg!!!!

Nakakainis. Mamaya Badbreath pa yun pero hindi eh.

Amoy Mint yung hininga niya. Waaahh.. Naiinis talaga ko. Makakaganti din ako sakanya. Hayss..

Muntik na pero malapit yun sa lips so first kiss ko yun.. First Kiss yun.. Ayts! Badtrippp na ko :( Makauwi na nga lang ng maaga..

----

"Aga mo yata Umuwi" tatay ko yan. Napaka baet nyan pag may kailangan. Kailangan sabihin tungkol sa "kuya" ko Tss..


"Wala na daw po kameng gagawin"

" Ay anak, may balita na ko sa Kuya mo."

"Talaga? Edi Maganda. Akyat na Po ako sa Taas Tay."

Ayaw ko namang maging bastos kaso buong buhay niya puro nalang yung una nyang anak inaalala niya.

Minsan napapaisip ako, kung talaga bang anak ako ni tatay kase ganyan sya parati. Makikipag- usap lang saken ng maayos tungkol sa nawawala nyang anak.

Psh. Kainis. Paano ko makakapunta sa gig ko mamaya kung nandito sya.

*VIBRATES*

From: BM Rex:

(Uy! May Gig tayo mamaya huh. Wag mo kalimutan)

To: BM Rex:

(Oo na. Tatakas ako mamaya. Alam mo na.) Sabay hagis ng phone ko sa kama. Baka may pasok yan si tatay mamaya para makapag hanap-buhay naman. Nanaman.

Hindi nya alam na kumakanta ko sa isang High Class na Bar. Pandagdag ko lang sa sarili kong gastusin. ayokong manghingi sakanya. Wala lang. Baka kulang pa para sa paghahanap sa "KUYA" ko.

*VIBRATES*

From: unknown

"See yah Later Sweety. I Miss your Sweet Voice"

Ayan nanaman yang ng tetext na yan. Lagi nalang kahit ilan weeks na kong di pumupunta sa Bar text pa din siya ng Text tapos pag rereplyan ko naman at tatawagan,ayun, hindi ko na agad makontak.

Masyado na ba kong maganda para magkaron ng Stalker?! wew. Stalker .. Tapos Panget?! huhuhu .. kaawa awang buhay..

May 6 na oras pa naman ako bago yung gig ko. nakakaloka, Stress na ko masyado..

----


"Uy! Buti naman sumipot kana. Aba ilang linggo kang walang paramdam ha?"

"Oo nga eh. Balik school nanaman tsaka marami lang ginagawa."


"Oh tara na, after 10 Mins. start na tayo!"


"Kamusta ka?" tanong ng bestfriend kong si Clara.

Nagwowork din sya dito as singer. Shifting kame sa sched. She's better than me. Ganda ng talent nyan. Talentada yan ehh.

Bigla naman akong napangiti sa tanong niya. Alam niya kase yung storya ng buhay ko kahit hindi lahat eh, sinabi ko.

May sikreto pa din akong tinatago kaya kahit paano nakokonsensya ako.

"Ok lang ako. Though alam mo naman sistema sa bahay dba? Uwi ka na Ba? Ingat ka ha. Text mo ko pag-uwi mo Bezt" She smiles at me then wave her hand. Hay..

My Kuya, My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon