Secret J

922 16 4
                                    


    Dumiretso ko sa bahay ni Cleng pagtapos ko ng takbuhan sa ospital si Aragon.

Napansin kong parang may nakaparadang pamilyar na sasakyan sa tapat ng gate nya.

Habang papalapit ako sa sasakyan, nakita kong parang Kay....

Kay Bryan nga to.
Dali dali akong pumasok sa nakabukas na gate at agad agad na dumiretso sa front door..

Naririnig kong nagsasalita si Bryan at nakikiusap, hanggang sa sumilip ako at nakita kong magkayakap na silang dalawa.

Like.. What the F! Ano yun? Anong meron? Akong ngyari?

Papasok na Sana ko ng biglang naglapat Ang labi nilang dalawa.

Oooookk...
Ang awkward...
Ano bang ngyayari sa mundo?

Imbes na dumiretso sa loob, Dahan dahan ang ginagawa kong paghakbang patalikod at nag-umpisa ng lumayo at maglakad na paalis..

So... San ako pupunta ng ganito kaaga?
Uuwi nalang ako tutal busy naman si Cleng at Wala akong planong tumambay pa ngayon.

Habang naglalakad- lakad ako, naisip kong tignan yung files ni Aragon sa phone nya at hanapin kung san ang playlist niya..

Talaga nga naman nangangain ng tanga pag IPhone ang cp na kakalikutin mo na..

Na punta ko sa files nya, at Napansin kong may 3 albums dun na nakalagay.

Yung isa may title na "My Precious One", yung isa naman "tropa" at yung isa "She's my J".

In open ko muna yung album nya na Puro pics. Nya kasama mga kabarkada niya. Hoping na baka may ibang mukha akong makita na pwedeng maging manager nameng Shunga.

Natawa ko sa naisip kong yun pero habang binabrowse ko yung files niya, Wala naman akong mukhang hindi kilala dun.

Halos lahat sila nakita ko na at nakilala ko na.

Hindi na din ako magtataka na may pagmumukha yung pinsan ko ditong feeling Prinsipe.

Nakita ko din na may picture sya kasama si Bryan. Dated a year ago.

So, tropa nga sila..
Pare-parehong mga panget..
Pati mga ugali ang yayabang..

In-out ko na dahil may pictures pa kong nakita na may mga halos luwa na ang kaluluwang kasama nila sa picture.

Like Hello..
Naka-panty ka na nga lang, nakakandong kapa..
Naka-bra na nga lang, nakayapos pa yung lalake.
Nahiya pa ng konte at mejo nasa taas ng bra yung kamay...

PSH.. Mga malalandi..

Anyway, bakit ba ko naiinis?
Alam ko namang likas na siyang malandi tska dapat Wala na kong pake pa dun.. Diba? Diba?

Binuksan ko nalang yung isang album at nakita ko ang isang babaeng parang nasa mid-30's niya..

Eto ba ang mama niya?
Ang ganda ganda naman..
Bakit hindi niya kamukha?
Pero, parang nakita ko na siya..
San nga ba yun..

Familiar ang mukha niya kaso di ko lang talaga maalala..

Hays...
Ang bata ko pa ulyanin ko na...

Ang ganda talaga niya..
May picture pa silang dalawa ng mama niya..
Parang girlfriend lang niya halos kung titignan..

Browse ako ng browse na halos Wala naman na kong ibang pwedeng makita..

Bubuksan ko nalang yung last album niya..

"Ayy Ano ba naman to. Bakit may code?!" Halos pasigaw na banggit ko kaya napalingon saken yung mga taong dumadaan.

Naisipan kong maglakad lakad pa hanggang sa napunta ko sa isang park. Along the road..

Mangilan ngilan nalang din yung mga taong dumadaan at mukhang peaceful naman yung park kase walang ganong tao kaya naupo muna ko sa isang bench..

Inis na nilingon ko yung phone na hawak ko at nagtry ng mga nos. Na pupwedeng maging combination...

For the nth time, Wala pa din ngyayari. Di ko naman alam birthday niya, di ko alam Anniversary nila..

Try ko kaya yung birthday ko..
Hoping lang ba? Malay mo pumasok.

Agad kong tinap yung birthday ko at nakakapagtaka ng biglang pumasok pero bago ko pa makita yung laman ng album, may biglang humablot nito, at Dali daling kumabog yung dibdib ko..

Oh syetay!!
IPhone yun.
Patay ako sa may-ari nun..

"Snat~~~" biglang tinakpan ng lapastangang snatcher na to yung bibig ko..

Pero ang lambot, ang bango ng kamay niya at bakit parang ang bango niya..

Tapos...
Tapos familiar pa yung Amoy niya..

"Sisigaw ka pa ng snatcher samantalang ikaw nga yung nagtakbo ng cp ko.."
Pabulong na Sabi saken ng snatcher na to..

Pero may kaboses din siya..
At pareho pa ng pabango, Tapos.. Ano daw?

Ansabe niya?
Cp niya daw to?

Palagay nito saken magnanakaw.. Abay Loko pala to eh.

Naningkit bigla yung mga mata ko at sinipa ko siya patalikod kaya tinamaan ang kayang baba..

Agad siyang napabitaw saken, at naghihiyaw habang tumatalon talon sa sakit na Naramdaman niya...

"Nakakailan ka na saking babae ka. Kapag ako hindi na nakapaglandi sa mga babae ko, ikaw ang malalagot saken at ikaw ang itatali ko sa Kama ko."

Pasigaw at halos parang lalamunin na niya ko ng buong buo sa sobrang sama ng tingin niya saken..

Agad akong napalunok ng ilang ulit bago pabulong na sumagot.

"Eh pano kase... Ang bastos mo ha.. Sorry na.. Binigla mo kase ko eh. Kala ko snatcher ka eh. Kase hello...iPhone kaya Yan. Di nga ko makaipon pambili ng iPhone  para saken Tapos iisnatch pa.. Tsaka.. Ano... Sorry talaga ha.. Binigla mo ko eh.."

Lalong lumalim yung tinging ipinupukol niya saken, kaya Dahan dahan akong napaatras. Mas nanaisin ko pang tumakas dahan dahan kaysa maitali sa Kama niya .

Inis!! Ang manyak niya talaga!!!

Sa pag-atras ko, may bato akong natapakan at biglang natapilok dahilan para muntik na kong bumagsak sa lupa at mabunggo ng rumaragasang sasakyan kung hindi niya lamang ako nahawakan sa baywang at kinabig payakap sa kanya.

Lalong bumilis yung tibok ng puso ko sa kaba. Muntik na.. Konti nalang..

"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?  Muntik ka ng masagasaan.. Mag- ingat ka naman." Halos habol hininga niyang sambit saken habang lalong humigpit ang yakap niya saken.

Hindi ako makaimik.
Hindi ako makapagsalita at halos pati parang paghinga ko Ay napigilan ko na..

Bakit siya ganito..
Bakit siya ganito kung mag-alala..

"Please mag-iingat ka.. Pano kung Wala ako Lagi sa tabi mo.. Baka napano ka na.
Baka mapahamak ka nanaman. Ingat ka jixel.. Ingat ka" humiwalay na siya sa pag yakap saken at tinitigan ako ng mataimtim..

"Hatid na kita.. Wag ka na Sana tumanggi pa.. Please jix.. Please J.."

My Kuya, My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon