Tonight

573 18 0
                                    


Tuluyan na ngang na hulog ang loob ko sakanya..

Aminin ko man, o Hindi, presensya nya lang laging hinahanap ko sa school man o trabaho..

Lalo pag weekends, Hindi sya nagpaparamdam..

Ni pangungulit sa text, pag-punta sa bahay Wala..

Madalas ko di syang Hindi makita sa school this past few weeks..

Well, I don't mind asking any of his friends kahit si Kuya Prince na alam kong close niya. Mahirap na mabuko yung feelings na tinatago ko sakanya..

Sa Bar, minsan lang din sya kung pumasok.. Buti nga Hindi tinatanggal ng may-ari, palibhasa.. Barkada niya..

Minsan pag magkasama kame, kung Hindi ko nakakalimutan itanong, pinipilit ko lang na pigilan yung sarili kong alamin kung bakit Madalas syang wala. Baka masabihan pa kong pakelamera..

Meron din one time na sobrang kinilig ako dahil apat na araw syang walang paramdam at pakita sa kung saan asan Tapos bigla syang pumasok sa School..

Friday yun.. Kasipag nga namang estudyante..

Imbes na magtampo ko, dahil, Wala din naman akong karapatan, nangibabaw saken yung kilig dahil sobrang attractive niya sa paningin ko that time.. At.. May Dala syang tsokolate... Haha

Yun yung araw na naging mala- ninja na ko sa sobrang kilig, at halos mangisay ngisay na ko dahil feeling ko nuknukan ako ng ganda ning nhumiti sya saken at yun din ying araw na may sinabi si Cleng na torpe daw..

Eeeenk. Sino naman Torpe? Ako ba?

Pero kinulit ko sya Hanggang sa magpunta kame sa bar. Mag-antay nalang daw ako may darating daw na gwapo..


Enkk.
Anong koneksyon ng torpe sa gwapo?

Gwapo? Napasimangot ako dun. Kase ang gwapo lang sa paningin ko Ay si Aragon tas mukhang Hindi pa yata sya yun..


Around 9:30 na bago mag-start yung shift ko, may special daw na kakanta. Ewan ko ba kung kaninong idea Yan.

Kung dati requested songs yung sa shift ko ngayon Ganun pa din pero, kumukuha sila sa audience ng kakanta..

Dedication something blah blah daw.. Ahhh ewan..

"See you tomorrow Guys and enjoy your night. Well, we have a guest.. Kakantahan daw niya yung liligawan niya baka sakali mapasagot agad niya. haha. Anyway, Mr., the stage is yours. Let's give him a big round of applause" parang nag- speech lang si Cleng. Di naman niya ginagawa Yan noon.. Nasa mood ata tumawa pa.

Ang set-up is, lights off sa stage, may curtain and dun kumakanta yung guest. At the end of his song, dun lang sya lalabas habang nag-sspeach sa kinakantahan niya...

Pakulo talaga ng may-ari dito. Tsk..

"When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace

Now that I'm strong I have figured out
How this world turns cold
And it breaks through my soul and I know
I'll find deep inside me
I can be the one

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven"

Umpisa palang ng pagkanta, familiar n saken yung boses niya. Nagniningning ang aking mga mata, e kase favorite ko yun e.....

Tuloy- Tuloy lang yung tugtog pero yung kumakanta huminto na..

Binuksan na yung ilaw at Wala namang lumabas dun sa stage..

"Hmmm.. Wala akong ibang maisip na kanta," Sabi ng guest namen. Familiar talaga boses niya eh..

Lingon ako ng lingon baka sakaling makita ko yung itsura ng guest namen. Pero Wala akong makita.

"At alam ko na favorite mo yun..." Pagpapatuloy niya.. OMG.. Nakakakilig naman... Pero bakit parang malapit lang yung nagsasalita although naka-mic, mukha pa ding malapit.

"Lingunin mo naman ako..." Nagtawanan naman yung mga audience at nakatingin sila sa likod ko. Wow.. Baka nasa likod ko yung guest namen..

" 'Cause you're my
You're mine
My true love
My whole heart
Please don't throw that away

'Cause I'm here for you
Please don't walk away and
Please tell me you'll stay
Yeah
Waohohaoh
Stay
Woaohoh
Waohohoh

Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know I'll be ok
Though my skies are turning grey"

Napanganga ako Paglingon ko sa likod ko..

Hindi kaya namamalikmata lang ako? Kinurot ko sya sa pisngi pero hindi man lang natinag sa pagkanta..

Kinurot ko sarili ko pero napa-ouch lang ako at dun sya huminto sa pagkanta habang tumatawa..


Nakatanga lang ako sa kanya habang sya nakatingin lang din saken at nakangiti.

"Yan na nga ba sinasabi ko eh.. Gwapong- gwapo ka saken.. Abutin mo na kaya to oh.." Sabi niya habang d mawaksi yung ngiti..




"Oy jix. Abutin mo na tong flowers oh.. Napapahiya ako.." Nakasimangot na niyang Sabi...



"Uuuuyyyyyyyyy" rinig kong asaran ng mga tao sa likod ko..



Dun lang ako parang natauhan.

"Aahmmm.. Thank you... Para saken ba to?" Alanganin kong inabot yung flowers baka pagtripan nanaman ako.


"Hahaha.. Hindi. Para Yan sa waiter teka tawagin ko saglit."



Napasimangot naman ako at pulang-pula na sa kahihiyan..


"Hahaha.. Sayo Yan jix.. Kaw naman di mabiro...." About tengang ngiti ang ibinibigay nya saken..


Biglang huminto yung tugtog ng kanya. Holy cow! Ako na pala kakanta dun..


Teka pano ba---

"OK. So, nasaksihan naten ang pagtatapat ng isang torpe sa kanyang iniirog. Hahaha.. By the way, tonight, Puro guest ang kakanta sa stage.. Have a good night guys! Let's rock!"


"What? Why?" Halos pabulong na tanong ko..



"Let's have our first and official date..

Tonight.."






My Kuya, My loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon