Sixteen

8.9K 170 1
                                    

"Ikaw ang kinuha ko para sa account ng Young's." Misag said.

Tumango ako.

"Nagtrabaho ka samin, kaya alam kong magagawa mo."

Tumango ulit ako. Ayaw ko syang kausap. Lahat na lang kasi ng sinasabi ko nahahanapan nya ng butas sa kaberdehan!.

"Ang tahimik mo. Sa kama ka lang ba talaga maingay?" Nakangising sabi nya. See? Wala pa nga akong sinasabi nahahanapan nya na ng kamanyakan.

"Suntukin kita e!" Iniumang ko sa kanya ang folder na hawak ko at akmang ihahampas iyon sa kanya.

Dumating ang araw ng presentation ko. My whole team is shaking because of nervousness. Bagay na minsan lang mangyari. Paanong hindi? Siguradong malilintikan kami kay Misag kapag pumalpak ito. Ang taas ng expectation nya paano ay kompanya nila ang kumuha samin.

Pagpasok ko ng conference room ay naroon ang nanay at tatay ni Misag. Tumaas agad ang kilay ng nanay nya sakin na hindi ko na pinansin. Alam ko naman na hanggang ngayon ay mainit ang dugo nya sakin. Lalo pa ngayon at kasama nya si Trisha.

"The campaign will revolved around a girl. Helpless, brokenhearted." I proudly present. My whole team conceptualize the commercial and Misag gladly approve it.

Masyang masaya ako. So far, this is my most favorite campaign. Kailangan na lang namin ng approval ng pamilya nya para masimulan na namin ang commercial.

"She was left by her boyfriend, then suddenly.. napadpad sya sa Young's. When a girl is depressed, she eats and eats. So she order anything she could." Nagtawanan ang iba sa sinabi ko. For sure they relate themselves. Everyone gets their heart broken before for sure.

"She occupy one of the tables inside the Young's. And when she tries the famous Chocolate Mousè.." i smile. Sinadya kong ibitin, para bigyan ng emosyon ang konsepto.

It's weird yes. Most of the restaurants are popular because of their main course. But Young's is popular because of their dessert. The Chocolate Mousè to be specific.

"She realize, there's more to life than her broken heart. There's so much more to enjoy so dont waste your time in crying. At malay mo.. baka nasa tabi lang si Mister Right. Naghihintay na masaktan ka, para masalo ka nya."

Nagpalakpakan silang lahat. All of them were nodding and seems like my campaign was approve.

Nagtatalon ang team ko sa labas ng conference room. They just sign the contract all the way. We close two hundred million peso deal. What's not to celebrate about that?.

I enter the comfort room and retouch. Nag uusap usap na sila tungkol sa celebration. Pinag-iisipan ko pa kung sasama ako.

I still as i see Misag's mom enter the comfort room. I look myself at the mirror and focus in putting lipstick in my lip.

"Nice idea." She said. Natigilan ako at hinarap ito.

"Thankyou."

"Thankyou too." She smile at me for the first time. Automatically, i smile back. There's just this warmth in my heart.

"No need to thank me ma'am. That's my job--"

"For bringing back the glint in his eyes." She wash her hands. I was froze once again. What does she mean by that? "For five months, i never seen Misag smile again.."

"Hindi naman po talaga palangiti si Misag." Katwiran ko.

"Not, when he's with you." She cuts in. "Noon ko lang sya nakita na ganoon kasaya. His mouth my not speak well, he's not good in words. But his eyes speaks it well. Mahal ka ni Misag. And im so sorry because im one of the reasons why the two of you broke up." Malungkot na ngumiti sya sakin. Hindi ko alam kung paano ako magrereact.

"Hindi po kayo kasama sa dahilan ng paghihiwalay namin." Ngumiti ako sa kanya. "May mga bagay lang talaga na hindi natin kontrolado. Parang katotohanan na nakikita nya sakin si Serafina kaya naipagkakamali nya ang pagmamahal sa Lust."

"Hindi kita pipilitin kung yan ang paniniwala mo." Hinaplos nya ang braso ko. "Pero sana ay makita mo na hindi ka nya hahabulin dito para lang sa libog." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

Paglabas ko ng banyo ay hindi pa rin ako makapagsalita. Imagine Ernesta Young speaking vulgar words like that. Kawalan kaya yon ng breeding para sa kanya.

"We'll celebrate later. Sama ka?" Sumabay sakin sa paglalakad si Misag. Napasimangot ako. Ayaw ko nga syang nakakausap! Bumibilis kasi ang tibok ng puso ko.

"May date ako." Sabi ko para tigilan nya na ako.

"Okay." Nangunot ang noo ko ng may lungkot akong marinig sa boses nya. Kasabay noon ang pagkuha nya sa kamay ko at nilagay don ang isang tangkay ng rainbow rose. Kagaya iyon ng mga ibinigay nya sakin noon. Tapos ay iniwan nya na ako.

Tulala lang akong nakatinin sa rose na yon hanggang sa uwian na.

Sumimangot na naman ako ng makita ang sasakyan ni Zaldy sa tabi ng kotse ko.. Nakaupo sya sa hood noon at nakangisi sakin.

Can this get any worse?.

"Talaga bang babakuran mo na ako?"

"Bakit hindi? Bumalik na daw ang ex boyfriend mo."

"Alam ba ni Ma Yza 'to?" Tanong lo na ang nanay nya ang tinutukou. Nagwawala na talaga ako.

"Alam ni Pa Yto." Sabi nya na ang tinutukoy ay ang tatay ko.

"Boo, umuwi ka na! I can handle it. Ayaw ko ng body guard."

"Sabihin mo yan kung sana ay hindi ka nagpakita sakin ng broken hearted. Baka mamaya umiyak ka na naman! Parang awa mo na, ang pangit mo!" Sarkastikong sabi nya.

"Boo!" I hissed!

"Sari?" Sabay kaming napabaling kay Misag. Namilog ang mga mata ko. Nilingon ko si Boo at nakangisi ito. Lumapit samin si Misag, biglang inagaw sakin ni Boo ang bulaklak. "May problema ba?"

"Magkakaproblema tayo!" Biglang sabi ni Boo.

"Boo!" Saway ko. Ngumisi lang sya.

"Ayaw kong nagbibigay ka ng kung anu ano kay Boo." Inakbayan nya ako. Sumunod ang mata ni Misag sa ginawa nya. Ihinagis ni Zaldy ang bulaklak kay Misag at bumaksak iyon sa paa nito. "Seloso ako!" Tapos ay iginiya na ako nito papasok sa loob ng sasakyan!

"Boo!"

On The Fuck TrainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon