I S H A:
"Isha gising! Oy gising!" Naramdaman kong may tumatapik sakin at parang may sinasabi pero inaantok pa ko kaya di ko muna pinansin at bumalik muna ako sa pagtulog.
"Isha! Tumayo ka na dyan! Malalate ka sa school! First day pa naman!" Sigaw sakin ng nanay ko.
"ANOOOOOOOOO? FIRST DAY? MA! ANONG ORAS NA? LATE NA BA KO?" Gulat na gulat akong napabangon nung malaman kong papasok na pala ko ng school. Nagmadali akong pumasok sa banyo para maka handa na sa pagpasok.
"Hays. Pasukan nanaman. Tapos na ang bakasyon. Tapos na ang pahinga. Aral na ulit. Wala ng TV. Projects na ulit. Wala ng facebook. Notebook na ulit. Wala ng twitter. Teacher na ulit." Bulong ko sa sarili ko.
Pero masaya din naman ako kasi makikita ko na ulit sila Cassy, Nic, Liam at lalong lalo na yung dalawang bespren ko na sila Lae at Jen! Wohoooo! Excited na ko.
Kasama ko sila Lae at Jen ng matanaw namin na papasok na ng school sila Cassy, Nic, at Liam.
"CASSYYYYYYY! NIIIIIIC! LIAAAAAAM!!!" Sigaw ko sakanila at agad naman silang napalingon samin. Tumakbo kaming tatlo papunta sa kanilang tatlo.
"Namiss ko kayong lahat sobra" sabi ni Liam.
"Yes nemeeeen! Ako din. sana magkakaklase tayo!" sabi ko.
"Oo nga naman." sabi ni Jen.
"Tara hanap tayo ng transferee na pogi!" Sabi ko.
"Kaw nalang!" sabi ni Lae.
"Napaka Kj talaga nito ni Lae kahit kailan." Bulong ko nalang sa sarili ko.
Tumitingin ako sa paligid ng makita ko siya, ngayon ko lang Siya nakita sa school namin kaya malamang transferee siya. Sobrang sobrang sobrang pogi OMHAYGHAD! Di siya ganon katangkad pero may dating. Yung napaka tangos niyang ilong, na wala man lang pimple grabe! Yung mapula niyang mga labi, na di ka magsasawang tignan. Yung ngiti niyang pag nakita mo baka malaglag panty mo. Yung mukha niyang napakakinis na wala man lang kahit isang pimple. Yung balat niyang napakaputi na akala mo babae. At yung mata niya! Yung chinito niyang mga mata, yung kapag tinitigan ka pede ka nang matuna! Kahit nakasalamin siya hindi mo talaga matatago ang kagwapuhan niya. Natulala ako ng mga ilang seconds sa kanya ng biglang may bumatok sakin...
"Hoy! Ano ba yan kulang na lang tumulo laway mo sa tinitingnan mo ah? Sino ba yan?" Sabi ni Jen.
Baliw to ah? Batukan ba naman ako? Di ko sinagot ang tanong niya. Sa orientation magkakatabi kaming anim. In announce ang sectioning. Unfortunately di kami magkakasama. Kami lang ni Lae ang magkasama. Sila Jen, Cassy, Nic, at Liam nahiwalay samin. Malungkot pero okay lang kesa naman ako lang mag isang nahiwalay diba. Pero sumaya talaga ko ng sobra sobra dahil nalaman ko na si Kuyang Pogi Classmate ko pala! ヽ(*≧ω≦)ノ
Grabeeeee no? Andami ko ng nasabi hindi pa pala ko nagpapakilala. Okay lang yan. Hindi kase lahat dapat minamadali. (^.^) Drama ko, haysss eto na nga. I'm Isha Paguia. I'm 15y/o now. Maganda. Sexy. Matalino. Hahaha joke Maganda langヽ(^。^)丿
Sa classroom isa isa kaming nagpakilala pero wala na kong pakialam sa iba dahil sa kanya lang nakatuon ang pansin ko. Hanggang siya na yung next.
"Introduce yourself" sabi ng teacher kay kuyang sobrang pogi.
"Hello Everyone I'm Jey Rosales, I'm 15 y/o" sabi ni kuyang pogi ay Jey pala! And 15 din siya!! OMG magkaedad kami! (≧∇≦)/Pagkatapos ng pangyayaring yun di na ako nakinig sa pinagsasasabi ng adviser namin tungkol sa rules, regulations at kung ano ano pa na walang kwenta para saakin kasi kahit pakinggan ko di naman ako sumusunod. Bad ko no? Di lang ako pati din naman friends ko.
*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!!*
Tunog ng bell!!!!! Grabe sa wakas! o((*^▽^*))o
"Lae tara puntahan na natin sila Jen sa canteen baka nagiintay na yun don." Sabi ko. Sabay hila kay Lae papuntang canteen dahil excited na excited na akong ikwento sa kanila yung new crush ko.
"JEEEEEEEN!"
"Ano?! Makasigaw naman to? May sunog bes? May sunog?" Sabi niya in a very sarcastic tone.
"Walang sunog. Kukuwento ko lang sainyo yung new crush ko! Si Jey! Kaklase namin siya transferee. Grabeeeee sobrang gwapo. Akin lang siya. (★^O^★) Crush na crush ko na talaga siya super!" Sabi ko."Kala mo naman aagawin namin yun sayo." sabi ni Nic.
"Syempre sinasabi ko lang."
Matapos ang walang haggang introduce yourself uwian na. Excited na excited akong umuwi.
Pagkauwi ko hinanap ko agad ang aking cellphone at saka mabilis na binuksan ang facebook account ko at saka ko siya in add.
Accept or Decline?

BINABASA MO ANG
Still Broken
Short StoryAlam niyo ba yung feeling na siya masayang masaya na at ikaw heto, nagmomove on pa din.