🎼 May pag asa pa ba? Kung susuko kana? Larawan mo ba'y lulukutin ko na? 🎼
"Nakikipagbreak ka na ba?" Straight to the point kong sabi.
"Oo😭 kasi pag sinasaktan kita, nasasaktan din ako." Hindi ko na pinigilan yung luha ko. Umiyak na ko ng umiyak. Sobra sobrang sakit. Minahal ko siya ng sobra.
🎶 Sa hirap at ginahawa, tayo ay nagsama🎶
"Sige na Jey. Magbreak na tayo. Para wala ng masaktan. Thank you sa 5 buwan. Naging masaya naman tayo diba? Sana wag mo kakalimutan yung nga panahon na yon. Malaya ka na Jey. Basta lagi kang kakain sa tamang oras ah? Wag mo pabayaan sarili mo. Saka mag Aral ka ng mabuti. Tayo. Mag Aral tayo ng mabuti. Maraming salamat sa 5months. Lagi mong tatandaan mahal na mahal pa din kita. Pag may problema ka andito lang ako. I love you so much. Saka pag magmamahal ka ulit wag mo na papaiyakin ah. Sige. Thank you nalang sa 5buwan. Mahal na mahal kita." Sabi ko kahit parang lumalabo na yung mga tinatype ko dahil sa luha sa mga mata ko.
🎼Dadamin mo tila'y napagod na.🎼
"Thank you din sa 5months"
🎵🎼 Ikaw at ako ay alaala nalang kung, susuko kana 🎼🎵
Ang mismong araw na nagbreak kami ay yung kaarawan din ni Nic. Kaya kahit mabigat sa loob ko. Nagpunta kami ni Lae sa subdivision nila kung saan din tumitira si Jey. Hoping na makita ko siya para maka pag usap kami. Since birthday naman ni Nic nagsaya kami. Kumain. Nagkwentuhan. Nagkayayaan kami na magikot ikot. Nauuna ako sa paglalakad. Kasunod ko si Lae. At nasa dulo naman sila Cassy, Liam at Nic.
"Isha! Si Jey!" Sigaw ni Liam. Kaya napatingin ako. Sa di malamang dahilan. Bigla kong kinabahan. Kaya dumeretso ko ng lakad.
Di naniniwala si Lae kaya naman umatras siya at totoo nga andon nga s Jey. Kinabahan ako. Kung kanina pinagdadasal ko na magkita kami ngayon masasabi ko na sana di ko nalang siya nakita, kase pagkabalik namin sa mismong lugar na yon di ko maiwasan na tignan siya. Nasa loob pala siya ng isang computer shop at naglo LOL. Nasaktan ako kase yung araw na nagpipighati ako sa sakit na idinulot niya sakin. Eh yun pala, siya andoon sa computer shop nagpapakasaya mag laro ng LoL. Ang sakit. Kasi di ko inaasahan yung pangyayaring yun. Inisip ko na lang, na siguro sagabal ako sakanya. Na ayaw nya na may magulong nagtetext okaya tumatawag para lang kamustahin siya. Siguro nga nagsawa na siya. Kaya kahit masama ang loob ko pinilit kong wag ipahalata sa mga kaibigan ko na nasasaktan ako.
And dun na nga natapos ang lahat. Iniyak ko ng iniyak lahat ng sakit na naramdaman ko nung araw na yun. Sinabi ko sa sarili ko na kailangan bukas hindi ako ganito. Kinabukasan. Wala kaming pansinan. Ni hindi ko siya matingnan dahil masasaktan lang ako. Di ko siya tiningnan kasi maaalala ko lahat. Dati akala ko swerte pag kaklase ko siya. He's my classmate again. Ngayong Grade 10 and sa tabi ko siya nakaupo. Kung kami pa siguro masaya dahil magkatabi kami. Pero hindi eh. Nagbreak kami. Kaya super duper awkward. At pinagdasal ko na sana hindi na talaga kami magkaklase. How can I move on kung nasa tabi ko lang siya! At araw araw ko syang nakikita! Ang hirap ang hirap hirap talaga. (╯︵╰,)
1 buwan na ngayon mula nung maghiwalay kami 1 buwan na nung huli kaming mag usap. Pero di parin ako makamove on.
Sa tuwing may kausap siyang iba gusto ko magselos pero naaalala ko wala na palang "kami". Natatakot ako, napapagod ako, naiiyak ako, pero wala na sigurong mas titindi pa sa pakiramdam na nasasaktan na naman ako. Dahil sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba. Parang nadudurog yung puso ko.
Naiisip ko na lng minsan bakit ang unfair ng tadhana. Bakit niya pa kami pinagtagpo kung di kami para sa isa't-isa diba? Ano? Para masaktan lang tayo ganon? Ang unfair. Sobrang unfair. Kung sino mahal mo yun yung di ka mahal. At kung sino nagmamahal sayo yun yung di mo kayong mahalin. Bwisit na tadhana yan eh. Di ba pwedeng pag mahal mo mahal ka rin? Para wala ng problema dito sa mundong ibabaw.
Pero siguro ganon talaga. May dadating talaga siguro satin hindi lang para saktan tayo. Kundi para na din bigyan tayo ng leksyon at karanasan.
Minahal niya ko pero mas minahal ko siya. Siguro ang natutunan ko sa relasyon namin ay yung....
Dapat pag nag mahal ka, mahal lang hindi yung mahal na mahal. Para pag nasaktan ka, masakit lang hindi masakit na masakit.
Now, Jey is finally happy and moved on.
Habang ako ito,
Still Broken.

BINABASA MO ANG
Still Broken
Short StoryAlam niyo ba yung feeling na siya masayang masaya na at ikaw heto, nagmomove on pa din.