Chapter 3

49 4 1
                                        

Mabilis na lumipas ang mga araw...

Nagpapakatatag kami. Kahit minsan nagaaway dahil sa selos at pride. Nagkakabati naman kami kaagad kase mahal na mahal ko siya kaya ako lagi ang nagpapakumbaba. Di naman big deal sakin na ako yung magsorry sakanya kaya okay lang na ganon lagi yung set-up.

Bakasyon na. Hindi man kami nagkikita araw araw magkausap naman kami lagi sa cellphone. Kaya parang magkasama pa din kami. Now, its our 2nd monthsary going strong. And niyaya niya akong mag SM kaya um-oo ako.

Nagkita kami tapos pagkakita niya sakin kinuha niya agad bag ko. (⌒▽⌒) yieee. Kilig O(≧∇≦)O alam nyo yun yung wala man akong sinasabing bitbitin nya pero kinuha niya pa din sakin tas binitbit niya. Hindi niya ko pinagastos nung araw na yun. First nilibre niya ko sa Greenwhich um-order ako ng lasagna then magbabayad na sana ko pero nag insist siya na siya na yung magbabayad para saming dalawa. Oha oha!! o(^▽^)o Tapos sa sinehan nanood kami ng Kung Fu Panda 3 (>y<) Hahaha. Para kaming mga bata kase cartoons pinanood namin. Pero ang ganda naman kasi talaga ng story niya. And habang nanonood kami, siya naka AWHH sakin (♥ω♥*) or (Akbay with holding hands) yay! (≧∇≦)/ alam mo yun yung maiisip mo nalang na yung dating crush mo nasa sayo na ngayon. ('∀') sobrang nakakakilig talaga.

Napansin niyang di ako mapakali sa inuupuan ko.

"Nilalamig kaba?" Sabi ni Jey.

"O-o eh, pero okay lang. Keri pa naman" pagsisinungaling ko kahit yung totoo maninigas na ko sa lamig. o(╥﹏╥)o

Nanahimik siya tas nagulat ako nung yakapin nya ko. Kaya yumakap na lang din ako sakanya. ヽ(*≧ω≦)ノ walang palya talagang magpakilig tong lalaking to.

Madami pa kaming nagawa after nung mga yun. And after ng araw na yun. Masasabi ko na yun ang BEST DATE EVER\(^▽^@)ノ

After nun, di na kami nagkikita kasi bakasyon na. Puro chat and texts na lang. Nakakawalang gana na din kasi paulit ulit na. Pero mahal ko eh di ako mapapagod para sa kanya. Hanggang sa tumagal ng 1 month nagiging cold siya. As in cold talaga parang refrigirator na hindi nadefrost ng isang Taon (T_T) wala syang gana kapag kausap niya ko. Parang nawalan siya ng sense of humor? Nawalan ng kakulitan. Sobrang namiss ko yung dating Jey na bago ko matulog may "I love you and sweet dreams" yung pagkagising ko may "Kain kana ah. Okay lang sakin kahit tumaba ka mahal na mahal pa din kita" pero ngayon Wala na. Puro nyt. Ge. Morning. Ganyan na lang. ಥ_ಥ Nung first day namin mag Grade 10 hindi kami nagpansinan. Ngitian oo. Pero usap hindi. Hanggang sa nagchat siya sakin. Its Friday that night. Nagchat siya sakin.

"Isha, may sasabihin ako sayo😞" sabi niya. Dun palang nafeel ko na dito na ba? Dito na ba matatapos ang lahat? Pero ayaw ko naman magisip ng negative kaya I played it cool.

"Ano?" Very cold kong reply.

"Nawawalan na tayo ng sparks I mean walang wala na talaga." At boom! Di ko na namaintain yung play it cool na sinasabi ko kanina. Nawawalan ng sparks? I mean alam ko yun nafefeel ko yun. Kaya nga gumagawa ako ng paraan para mabalik yung dati. Nagiging mas sweet ako. Laging may long messages pero kahit kailan di niya naman siguro pinahalagahan. I know di pa siya officially na nakikipaghiwalay pero parang yun na yun eh. Ang sakit grabe.

"So anong ibig mong sabihin?" Maangmaangan ko na sagot. Trying to hide yung sakit na nararamdaman ko.

"Haysss" yun lang. Yun lang yung sinabi niya. Then nag offline siya. Dun na ako nainis kasi nagoffline siya ng hindi sinasagot yung tanong ko.

"Ano nga?"

"May gusto ka na bang iba?"

"Nagbakasyon lang Jey nawala na? Bat ganon? Ang unfair mo naman."

"Tangina Jey wag mo sabihing sasayangin mo yung 5 buwan."

"Walang ganyanan Jey!"

" Jey ano bang ibig mong sabihin sa sinabi mo? Nakikipagbreak ka na ba? Sasayangin mo ba yung 5 months? Wala na ba talaga di mo na ba ko mahal? Wala na ba tong pag asa Sana sagutin mo to Ang unfair naman kasi Jey eh nagbakasyon lang. Anyare? Kala ko ba magtatagal pa tayo? Walang ganyanan Jey. masakit eh ayokong masaktan mahal na mahal kita eh. wag naman sanang sumuko wala na ba talaga kahit konti?"

Lumipas yung Saturday na hindi siya nag online sa Facebook. Tinatawagan ko siya nakaoff yung phone. Nung araw na yun parang wala ko sa sarili. Di ako masyado nakikipag interact. Nasa loob lang ako ng bahay. Lutang ako. Wala kong ibang inisip kung hindi siya. Natulog ako ng maaga. Kaya maaga din ako nagising nung Sunday.

6:48 AM

Nagreply siya sa wakas..

"Isha, kaya nga sinasabi ko yun para hindi ka masaktan kasi ayaw ko nang paasahin kita kasi pag pinapaasa kita nasasaktan din ako" sabi niya.

Nagsasound trip ako nung time na yun. As if on cue tumugtog yung "Pagsuko" by Jireh Lim.

🎵🎼Maaari ba muna natin tong pagusapan sa dami rami na ng ating pinagdaanan🎵🎼

"Nakikipagbreak ka na ba Jey? Kasi kahit ano namang gawin mo eh. Masasaktan ako." Sabi ko.

🎵 Ngayon mo pa ba maiisipang isuko ang lahat ng ating pinagsamahan.🎵

"Ewan d ko masabi haysss"

🎼 Masikip sa damdamin hinigop ng hangin ang lakas, pinanghihinaan ng wagas. Pwede bang pag isipan huwag ka munang lumiban baka sakali na Ito ay masalba pa 🎼

"Ansakit Jey. First time to" sabi ko. Nagsimula ng tumulo yung mga luha ko. Pinilit kong punsanasan pero tuloy tuloy talaga sa pagpatak. Sumasabay pa sa lecheng kanta!

"Kahit pinapaasa nalang kita?gugustuhin mo pa rin ba yon" Ansakit ╥﹏╥ so pinapaasa nalang pala talaga niya ko.

"Di ko na gusto yun." Sabi ko. Ang sakit talaga.

"Oh d mo pala gusto yun eh ginagawa koto para d na kita paasahin." Ouch.

"Sabihin mo nalang." Para matapos na to.

🎶 Lumalamig ang Gabi, Hindi na tulad ng dati. 🎶

Still BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon