I S H A:
Pagkauwi ko hinanap ko agad ang aking cellphone at saka mabilis na binuksan ang facebook account ko at saka ko siya in add.
Accept or Decline?
After maybe 30 minutes, he accepted my friend request! (♥ω♥*) grabe kilig ko! Nag chat ako sakanya.
Me: Hi.
Him: Hello.
Me: Diba ikaw yung transferee?
Him: Oo, pano mo nalaman?
Me: Kaklase mo ko. Di mo lang siguro ako napansin.*Riiiing* *Riiiing*
Tinawagan ko siya akala ko idedecline niya pero sinagot niya. Nag-usap kami ng matagal. Yung ang init na ng cellphone ko na mapapaso na yung tenga ko. Tapos ngalay na yung kamay ko. Pero nagtyatyaga ako makausap lang siya ♥(✿ฺ'∀'✿ฺ)ノ
Nagiging closer kami hindi na kami naiilang sa isa't-isa.
Umaga. Maaga ako pumasok sa school kasi gagawa pa ko ng assignment na di ko natapos nang biglang may bumato sakin ng plastic bottle na may lamang tubig sa ulo ko. At alam kong si Jey yun. Kasi siya yung nakita kong mabilis na tumatakbo palabas ng pintuan.
"JEEEEEEEEY! Yari ka sakin! Pag nahuli kitaaaaaaa!" Sigaw ko sa tumatakbo na si Jey.
At hinabol ko na siya. At para kaming mga bata na nagtatatakbo sa corridor. At pinagtitinginan na kami ng ibang grade levels. Kahit nakakahiya tinuloy ko paghabol sa kanya para lang makaganti. Sa wakaas, nahabol ko siya sa may hagdan at ibinato ko pabalik sa kanya yung plastic bottle na may lamang tubig. Sapul! Headshot!
"ISHA TAKBOOOO! YARI KA SAKIN!" Sigaw ni Jey habang tumatakbo na ko pabalik ng classroom. Dere-deretso ako at pumasok ako sa room at hinarang ang pintuan para hindi siya makapasok pero pagkakita ko sa mga tao na nasa room na yon. Nagtaka ako kase puro grade 8. MALI AKO NG ROOM NA NAPASUKAN. NAKAKAHIYA. Lumabas ako na hiyang hiya dahil iba yung room na napasukan ko. At nung kinwento ko sakanya, parehas na lang kaming napahagalpak sa tawa na mga pinaggagagawa namin.
Tulad ng sabi ko kanina mas naging close kami nagkukuwentuhan na kami. Di na ko nahihiya sa kanya. Nalaman kong madami kaming similarities. Parehas kaming panganay. At balang araw parehas namin gustong maging Chef.
Lumipas ang mga buwan. Di na kami masyado naguusap. Mas dumadami ang friends niya mas nakakalimutan niya ko. (T_T) At nalaman ko nalang isang araw sa ibang kaklase ko na, he's in a relationship with Hira. Hindi namin kaklase. Nasaktan ako. Hindi ko lang maisip na meron syang kasamang ibang babae. Meron siyang kausap na ibang babae. Ang sakit lang isipin. Alam kong wala ako sa lugar para magselos o kung ano pa man because I am just his friend. I'm not his girlfriend. Kaya narealize ko dapat kong dumistansya muna. Di ko siya pinapansin kasi syempre baka sabihin ng iba na may girlfriend na nilalapitan ko pa diba?
And then after 3weeks I guess? They broke up. Hindi ko alam kung anong reason. And then nagbalik siya. Namansin na ulit siya. Lalo akong nagkagusto sa kanya. Wala ng araw na di kami nag uusap mapa personal. Chat. Text. Call. Lagi kaming magkausap. Dun siguro nagsimula yung feelings ko, naiinlove na ata ako sa kanya. Yung feeling ko mahal ko na siya.
Dumating yung time na parehas na siguro kami ng nararamdaman. He fell in love with me. Niligawan niya ko. After 4 months I said yes. Naging happy kami. Araw araw kilig to the highest level. Hanggang sa di namin napapansin yung mga araw 1 buwan na pala.
Nagchat ako sakanya ng sakto 12:00am
Me: Hello Jey! Alam mo naman siguro kung anong meron ngayon diba? 1 buwan na pala mula nung sinagot kita?! Akalain mo Yun? nakatagal ka sa ugali ko na.. Sobrang Matampuhin Sobrang Selosa Sobrang Possessive at Sobrang Kulit Naalala ko tuloy, First Day palang ng class nakita kita! Crush na nga agad kita non eh ewan ko kung bakit Hahaha nalaman ko grade 9 ka pala! Ansaya ko non tas pinagdasal ko na kaklase kita Hahaha ang Baliw ko no? pero atlis nagkatotoo naging kaklase nga kita! haha inabangan ko na ikaw na yung magpapakilala tas pinakinggan ko mabuti pangalan mo "Jey Rosales" tinandaan ko sabay pagkauwi ko hinanap ko agad fb account mo! Hahaha in-add kita. Tapos chinat nga kita kaagad non eh ansaya ko nung nagreply ka tas nakausap pa kita 30 mins! alam mo yung feeling na nakausap mo crush mo! Ang saya lang 1 month na pala no? Simula ng naging tayo! Sorry sa mga kabaliwan ko. Sa pagtatampo ko. Sa pagseselos ko! ganon lang talaga ko. Sana matagalan mo pa ugali ko sa mga susunod na buwan Malay mo magtagal pa tayo higit pa sa inaakala naten (sana) Kahit maraming kumokontra Kahit maraming sagabal KAHIT MARAMING NAGSASABING "WALANG FOREVER" saten Hahayaan ko nalang sila Basta lagi mong tatandaan Jey MAHAL NA MAHAL KITA! Kahit PANDAK ka! Mahal na mahal kita. Happy 1st Monthsary! At sana madami pang monthsary ang kasunod Neto.Yun lang ILY! Take Care always!
Him: Happy 1st Monthsary Isha ang sakit naman nung kahit pandak ako hahaha parang napakabilis ng oras no akalain mo monthsary agad natin promise ko sayo magiging loyal ako sayo kahit may mga babae akong makita hahaha sorry kasi naghaharot ako ahhh hayaan mo sa sobrang liit ng puso ko ikaw lang ang nagkasya dito kaya sana wag kana magselos lagi hahaha mas gusto kita kesa sa kanila kahit sabihin man nilang mas maganda sila keysa sayo ikaw lang ang pipiliin ko. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at wala kang kapantay kahit sino man itapat sayo. Nagulat ako nung umabot ng 4 months ung panliligaw ko ngayon lang nangyari sakin yun! Sana nga totoo ung sinasabi mong wala kang ibang lalake kase kung meron nakuu... Lagi mong tatandaan Isha mahal na mahal kita happy monthsary I LOVE YOU❤
Sobrang kinilig ako nung mabasa ko yung message niya sakin. Sana nga mag tagal pa kami. Dahil konti lang nakakaranas neto yung dapat sa panaginip lang mangyayari pero nangyari sa totoong buhay. Mahal ako ng crush ko. At mas mahal na mahal ko siya (∩_∩) Binigyan niya ko ng sandamakmak na Ferrero Rocher as a gift sa monthsary namin ako naman binigyan ko siya ng couple shirt (/^▽^)/ Its color Violet. Naka lagay don "Hands off my guy" saakin. Tapos sakanaya "Hands off my girl"
Mabilis na lumipas mga araw.....
BINABASA MO ANG
Still Broken
Historia CortaAlam niyo ba yung feeling na siya masayang masaya na at ikaw heto, nagmomove on pa din.