Chapter 7

61 2 0
                                    

Chapter 7

SAM

Pagpasok na pagpasok ko si Allison agad ang hinanap ko. Iyong babaitang yon. Pano niya kaya nalaman na kasama ko si Ken kahapon? Tinakasan ko nga siya eh. HEHE. Mag so-sorry na rin pala ako. *wide smile*

30 mins later

>___

Nasan na ba yung babaeng yun. Na ikot ko na ang buong school pero hindi ko parin siya makita. Saan nag-sususuot yun? Buti nalang talaga maaga akong pumasok kung hindi na-late na ako ng klase namin.

Pagpasok na pagpasok ko sa room namin wala parin yung babaeng yun. Nasan ba yun?

"Looking for someone?" sabi ng isang pamilyar na boses sa likuran ko.

"Yea. I'm looking for Allison. Have you seen her?" pagtatanong ko.

"Nope. Nandito naman ako. Bakit siya pa yung hinahanap mo?" 

With that instant akong napatingin sa direksyon niya. "Anong konek?" 

"Aish! Nevermind." 

"Okay."

Look at him para siyang timang. Kahapon lang mabait siya tapos ngayon biglang masungit. Tranferee ba talaga to? Sa pagkakaalam ko kasi ang tranferies mababait pero ito ibang klase. Iba ang ugali.

"Ang bilis mong mag-iba ha?" tanong ko. Hindi na ako nakapagpigil.

"What do you mean?" takang tanong niya.

"I mean kahapon lang ang bait bait mo tapos ngayon? ... Iba na?" 

"People change." walang ganang sagot nito.

"People change? Bakit nasaktan ka ba? Sa pagkakaalam ko kasi yung mga nasasaktan lang ang nag-babago. Wala naman akong ginawa sayo ha."

"Yun lang ang akala mo. Oo wala kang ginawa pero-- Never mind." sabi niya sabay upo.

Gusto ko pa sana siyang tanungin kaso wag nalang. Masyado na akong nagiging chismosa tsaka nandyan na din naman yung teacher namin kaya.....

Mag-iisip nalang ako. Kasi totoo naman diba? Wala akong ginawa sakanya kanina. Nakakainis lang na ayaw niyang sabihin sa akin eh involve naman ako. Aish! Tama na nga 'to.

fast forward 

"Sam" tawag niya sa akin

"What?"

"Tara na sa lunch" sabi niya sabay alis sa harapan ko.

Palabas na sana siya ng magsalita ako "Nag-yayaya ka ba talaga?" inis na tanong ko

"Oo bakit hindi ba halata? Tsk." 

Ugh! Kita mo to siya pa ang may ganang mainis. "Eh bakit ka nang-iiwan?" inis na tanong ko

"Kasalanan ko bang mabagal ka. I hate slow pokes." 

"Mabagal? Bangag ka ba? Ikaw tong biglaang nag-yayaya tapos iiwan mo ako? Sinong hindi maiinis?"

"Una sa lahat masyado akong gwapo para maghintay ng tulad mo, pangalawa ikaw lang ang close ko dito kaya no choice ako, pangatlo alam ko bang maiinis ka? Last but not the least ang gwapo ko." then he smirked

"So ano pinapahiwatig mo? Na hindi ako maganda? And excuse me, kelan pa tayo naging close? Tss. Syempre maiinis ako sino bang hindi ha? Ikaw gwapo? Ang lakas ng hangin!" inis na sabi ko with matching actions pa yan ha. Yung para kang tinatangay ng hangin sa sobrang presko niya.

"Bakit may sinabi ba ako sa appearance mo? Wala diba. Oo gwapo ako at proud na proud ko dun. Sinong hindi maiinis? Sila." sabay turo niya sa classmates namin sa labas ng room na parang may hinihintay.

"Oh naman pala eh. Hindi pala sila maiinis edi sumama ka na sakanila! Bakit ako pa yung niyaya mo kung marami naman palang nag-kakandarapa dyan sa "ka-gwapuhan" mo!" 

"Eh sa ikaw ang gusto kong kasama eh!" inis na sigaw niya.

"Hi-- Anong sabi mo? Paki-ulit nga?" 

"Ang sabi ko-- Aish tara na nga!" sabi niya sabay hila sa akin palabas ng room.

"Ho-hoy saan mo ba ako dadalhin?" sabi ko sakanya kasi naman po nakalabas na kami ng campus hindi parin niya ako binibitawan akala ko kasi sa cafeteria.

"Wag ka na ngang magtanong."

"Eh saan ba kasi? Para tatanungin ka lang eh. Masama na bang magtanong ngayon?" sabi ko sabay hatak ng kamay ko pero mas lalo niya lang hinigpitan yung hawak niya.

"Aray naman!"

Bigla nalang siyang napahinto sa paglalakad at tiningnan yung kamay ko. Tss. Namumula tuloy.

"Ayos ka lang ba?" sabi niya sabay tingin sa kamay ko.

"Sa tingin mo ayos lang ako? Kita mong namumula oh." pagtataray ko.

"Kaya nga kita tinatanong diba? Tss. Tara na nga. Malapit na tayo." sabi niya sabay lakad.

Tingnan mo iyon siya na may kasalanan siya pa 'tong maiinis. Pambihira. "Iniiwan mo na naman ako!" sigaw ko.

Tumigil naman siya sa paglalakad at lumingon "Ang bagal mo kasi." sabi niya habang nakatayo pa doon tila hinihintay ako kaya naglakad na ako papunta sakanya.

 "Ikaw kaya 'tong nang-iiwan tapos--" 

"Wag ka nalang magsalita pwede? Putak ka ng putak para kang manok."

"Aba't-- mmmmmph!

Hindi ko na naman natuloy yung sasabihin ko dahil tinakpan niya yung bibig ko.

"Sabi ng tumahimik ka na diba? Subukan mong magsalita pagkatanggal ko nitong kamay ko sa bibig mo hahalikan talaga kita." sabi niya sabay tanggal ng kamay niya sa bibig ko at hinatak na naman ako.

Hindi na ako umimik. Kung sakali baka siya pa maging first kiss ko no. Tsk. WAG NALANG! This time hindi na mahigpit yung pagkakahawak niya. Sakto nalang siya kungbaga hindi maluwang hindi rin masikip.

Dinala ako ng mokong na 'to sa isang restaurant. To think naka uniform kami at formal masyado 'tong place. Nakakahiya tuloy pumasok.

"Tara na." sabi niya nang mapansin niyang hindi ako pumasok sa loob.

"Ayoko."

"What?! I dragged you all the way here para kumain tayo tapos hindi ka papasok dito?" inis na sabi niya.

"Eh sino ba kasing nagsabi sayo na isama mo ako dito?! Diba wala? Sinabi ko ba sayo na isama ako?! Diba hindi?!" sigaw ko sakanya pabalik.

"Look kakain lang naman tayo ano bang problema mo doon?" tanong niya.

"Wala ka na doon." sabi ko sabay lakad palayo.

"Ano bang problema?" tanong niya sabay tingin sa mga mata ko. OMFG!

"Uh. Eh. Ehmm." sh*t hindi ako makasagot.

"Ano na?" sabi niya habang nakatitig parin sa mga mata ko.

"W-wala nga kasi." sabi ko sabay iwas ng tingin. I can feel my cheeks burning.

"Yun naman pala eh. Tara na." sabi niya sabay hila ulit sa akin papasok pero hindi parin ako natitinag.

"Wag na nga lang kasi jan." pagpupumilit ko.

"Saan mo ba gusto?" tanong niya

"Hmmm.  Dun oh." sabay turo ko sa nag-titinda ng kung ano-ano sa daan.

"Ayoko diyan hindi. Marurumi dyan eh. Tara na nga, kanina pa ako nagugutom." sabi niya sabay hila sa akin papasok.

"Eh sino--"

"Tumahimik ka na!" inis na sabi nito.

Wala na akong nagawa dahil full force na niya akong hinila papasok. -___-" HEEEEELP!  XD

----

Bitkat: Sorry kung lame. Bawi ako.

His Dual Side // SUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon