Chapter 2

94 5 0
                                    

Chapter 2 

 SAM

Pagkatapos niya akong bilhan ng snacks umalis agad siya. Mwhahaha. Na badtrip yata.

  

Pinabili ko kasi siya ng mga pagkain tulad ng sandwich, piatos, nova, drinks ect. tapos sinabihan ko din siya na wag hihingi sakin kasi parusa niya yun. Hahaha. Eto ako ngayon busog na busog. >:D

Pakatapos kong lumantak ng pagkadami dami. Haha chos. Pumunta na ako sa locker ko para kunin yung libro ko. Kanina ko pa hinahanap si Allison. -,- Eto ako ngayon naglalakad mag-isa papunta sa classroom namin at mag-aattend ng 3rd period. huhu. XD

C L A S S R O O M

Papunta na ako sa kinauupuan ko ng mahagip ng mata ko si Allison na kontentong nag so-soundtrip sa likuran.

Tinanggal ko yung earphones niya at nagsalita. "Saan ka galing?" calmado kong tanong sakanya. 

"Sa cafeteria?" sagot naman niya.

"Eh bakit parang di ka sigurado." tanong ko ulit. 

"Ahh. Ehh." 

"Oh ano di ka makasagot." mataray kong tanong.

"Hah. Nakakasagot naman ako ha." pagdedepensiya niya.

  

"Nakakasagot ka nga. Kaso ahh at ehh lang." sagot ko.

"Tss. Hindi kaya." depensa na naman niya.

"Sagutin mo na kasi yung tanong ko." pilit kong tanong.

"Sa cafeteria nga ako galing. Ba't ba ang kulit mo." inis niyang sagot

  

"Cafeteria daw." sabay upo ko sa upuan ko malamang. XD

Pagkatapos ng paguusap namin hindi na ako umimik. -___-" Tiningnan ko nalang si Kenneth sa gilid.

Nakayuko siya sa desk niya na para bang natutulog nang bigla siyang lumingon sa left side niya kung nasan ako.

Ngayon kitang kita ko na yung mukha niya. Meron siyang red lips, matangos na ilong, flawless at maputi ang mukha niya. Parang gusto ko tuloy hawakan ng bigla nalang siyang nagsalita.

"Will you stop staring at me." sabi niya ng hindi nagbubukas yung mata.

"I'm not staring at you." i lied, kasi habang sinasabi ko yun nakatitig parin ako sakanya.

"Talaga lang ha." sagot niya sabay mulat ng kanyang mga mata.

Hindi ko naalis agad yung tingin sakanya. Tapos bigla siyang umayos ng upo.

"Akala ko ba hindi ka nakatitig." he said then smirked.

"Ahh. Ehh." natataranta kong sagot.

Bigla naman niya nilapit yung mukha niya sa mukha ko na parang 2 inches nalang ang layo. Nakatingin lang siya sa mata ko then he said.

"Oh magsisinungaling ka pa eh huling-huli na kita." sabi niya in a calm voice habang nakatitig sa mata ko. Bigla nalang siyang tumawa ng malakas at inilayo niya na yung mukha niya sa mukha ko.

"Kung nakita mo lang yung itsura mo kanina para kang ewan." sabi niya habang tumatawa.

I blushed then said "Tss alam mo ang sama mo." tapos bigla ko siyang binatukan

"Aray!" tapos bigla nalang nag-iba  yung expression ng mukha niya. Bigla nalang naging serious. "Bakit mo ako binatukan?!" halos pasigaw niyang tanong. Napatingin tuloy yung mga classmate namin sa amin at may narinig akong mga bulung bulungan.

"Pano niya nagawa yun?"

"Akala ko pa naman mabait yan."

"Masama pala ugali niyan eh."

Grabe naman tong mga to. Para dun lang kung ano ano na agad ang pinag sasabi sa akin. Tiningnan ko siya with teary eyed and said. "So-sorry." tapos tumakbo ako palabas ng room.

Ayaw ko kasi ng napapahiya ako. Hindi nga ako socialite person eh. Ako yung tipong shy type kaya ganyan nalang yung naging reaction ko. OA ko no?

Malapit na ako sa likod ng school ng biglang may humigit ng braso ko dahilan para mapahinto ako. Nilingon ko siya pero pagkalingon ko nagulat ako sa nakita ko.

- - - - - - - - - -

A/n: Sorry kung bitin. Haha :D

His Dual Side // SUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon