Chapter 1: The Beginning

277 12 2
                                    

Chapter 1

The Beginning 

--------

"KRRRRRIIIIINGGGGG!" 

"KRRRRRIIIIINGGGGG!" 

"KRRRRRIIIIINGGGGG!" 

"KRRRRRIIIIINGGGGG!" 

Paulit ulit na tunog ng Alarm Clock.

Umagang-umaga Nagising si Taylor sa alarm clock niya nagunat muna siya bago patayin yung alarm clock na kanina pa tunog ng tunog.

"YAWNN !" Paghihikab niya

"knock" "knock" knock"

May kumakatok sa pinto niya binuksan niya ito na papikit pikit pa ang mata.

"Taylor, nakahanda na yung pagkain mo sa baba" ang kanyang Auntie Rose.

"Opo, Tita" sagot ni Taylor na walang gana.

Pababa na sana yung Auntie Rose niya ng bigla itong humarap sa kanya at sinabi na

"Taylor, bilisan mo pala malalate ka na papuntang school" sabi ng tiyahin nya na dumerecho na bumaba

Bigla naman nagising si Taylor nun at dali dali naghanda papuntang school halos makalimutan niya na unang araw pala ng pasukan nila at ngayon ay 4th year high school na siya

Inaalagaan siya ng kanyang Auntie Rose niya at siya na din nag tutostos ng mga pangangailangan nitosapagkat wala din namang anak ito,

Matapos ng malagim na nagyari tungkol sa ina ni Taylor at hindi nila alam kung saan na napunta ang tatay nito.

Si Taylor naman  palagi itong umiiyak at tila ba lagi naalala yung nakita niya daw sa kisame na di niya masabi sabi sa tiya niya na kung ano nga ba talaga ito.

 At hangang ngayon wala pang alam ang tiya magda tungkol sa sinapit ng ina nito.

Pero nang patagal ng patagal nagbago na si Taylor at naging masayahing bata na at mukang nakalimutan na niya yung mga bagay na nangyari noon.

Nagayos na muna si Taylor ng sarili bago ito bumaba.

Nagsuklay siya at tinitingnan ang kanyang sarili sa salamin at muli naalala niya ang kanyang kakambal na si Tyler na nasa probinsya nila.

At bumaba na siya upang kumain.

Nakita naman niya ang yaya Belenn niya sa kusina

"Asan si Tiya Rose, yaya?" Tanong ni Taylor sa kanyang yaya na naghuhugas ng mga pinggan.

"Iha, kakaalis lang ng tiyahin mo.." sagot ni yaya Belenn.habang naghuhugas ng mga pinggan.

"Saan po siya nagpunta?" Pagtataka ni Taylor.

"Pumasok na iha, Nagtrabaho na kasama niya yung tiyo mo"  

"Si Tiyo Rey po??, nandito na po siya??"

"Oo, iha kakauwi lang kagabi"

"Ha? Kagabi po??? " Gulat na tanong nito. 

"Oo, Tulog ka na nun e" 

"Ahhhh. kaya po pala sige yaya kain na po muna ako at malalate na po ako e"

Tila natuwa ito sa narinig dahil sa pag-uwi ng Tito niya dahil sa tuwing pag-uwi nito may dala itong mga regalo para sa kanya,.

Lumabas saglit si Yaya Belenn at ....

naiwan mag-isa si Taylor na kumakain...

Taylor's POV

"Burrrrp !" Nabusog ako sa niluto ni Yaya Belenn na adobo ang sarap.

Oo nga pala nasan na si yaya, di pa siya bumabalik ah. Maunna na nga ako .

Kinuha ko na yung bag ko na nasa kwarto ko at dali dali pumunta sa pinto palabas

Papalaas na sana ako ng...

"Pssssst"

Alam ko ako lang ang mag-isa sa bahay at nakaramdam ako bigla ng kaba.

"Psssst"

"Pssssst" 

Naka dalawang beses na.

Paglingon ko, wala naman as in wala.

Pero may narinig akong ingay mula sa banyo.

Pumunta naman ako dun at -----

Totoo nga yung sinasabi nila kapag nakakita ka ng multo, hindi ka na makakasigaw at makatakbo.

isang babae na nakatingin sakin na nakaputi at wasak ang bibig na nakatingin sakin---

Nakasabit kasi siya sa taas baliktad .. Bali nakatayo siya doon sa kisame ng c.r at ang ulo niya ay nasa tapat na ng mukha ko.

Pumikit ako at nagdasal..

"I believe in God" "I believe in God" Paulit ulit kong sinabi at pagdilat ko --

Nawala na siya.

Kinabahan ako sa akin nakita at tumakbo papalabas Tila nakita ko na yung multong ito noon, ngunit di ko maalala.

Paglabas ko nakita ko si Yaya Belenn na nagtatapon ng basura.

At bigla dumating yung service ko.

"Yaya Belenn!!, paki lock yung gate byebye~." papaalam ko sa kanya at sumakay na ko sa service.

Bagama't di ko kinaya yung nakita ko habang umaandar yung sasakyan papalayo kay Yaya Belenn.

Si Yaya Belenn.

Wala siyang ulo. 

=======

Author's Note:

Medyo magulo yung story ngayon pero lahat ng mga katanungan nyo ay masasagot sa ending nito. medyo mahaba pa to. kaya kapit kapit din pag may time >:D

Alam niyo pag nakakita kayo ng taong walang ulo sa paningin niyo.

sabihan niyo agad ito at ipasunog ang suot niyang damit dahil sabi ng matatanda may nakasunod dito na masamang espirito.

Kaya kapag nangyari sa inyo ito sabihin agad-agad. 

The Twisted TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon