Chapter 7: Bloody Candles

120 3 0
                                    

Chapter 7:

Bloody Candles

 ********

Taylor's POV 

Nandito kami ngayon sa campus at papalabas na ng school papunta sa bahay nila Trish.

Bago pa kami tuluyang makalabas may tumawag naman sa akin.

Di ko na lamang ito pinansin sapagkat kilala ko kung sino yung tatawag.

Sino pa ba?

Si Drew.

Na nakikipagbalikan sa akin at humihingi ng tawad.

Galit pa din ako sa kanya dahil sa nangyari at dahil din sa manloloko siya.

Nilandi nga siya ni Amanda pero nagpalandi din siya nung mga panahon na kami pa.

Oo, nakita ko sila na naghahalikan sa likod ng hagdan nung uwian na at eto pa.

Ang sabi niya ay aksidente lamang daw iyon.

The Heck!

Ako pa ang lolokohin niya.

Geez..

Snabera ako ngayon di ko siya pinansin at nilampasan siya.

Nakita ko naman na may mga lalaking palapit sa akin at nginitian ko sila.

"Hi Taylor! ang ganda mo naman"

"Pwede ba kita maging Girlfriend Taylor?"

"Hatid na kita beautiful"

"Pwede ba magpakilala?"

Nginitan ko sila at ...

"Gagawa pa kasi kami nang project e"Sabay turo ko kala Sara na naghihintay sa gate na nakasimangot na "Sa susunod na lang" Sabay ngiti ulit

Narinig ko naman silang naghiyawan at tuwang tuwa habang si Drew ay laglag ang panga sa nakita. Alam ko na nagsisisi siya ngayon Bwisit siya!

Oo Matapos namin mag break nung Last month nag ayos ayos na ako ng sarili ko at naging sikat ako dito sa school minsan pinagkakaguluhan ako pag naglalakad ako.

Pagdating ko sa Gate..

"Ang tagal tagal mo naman!" Sabi ni Sara na nakasimangot.

"Paano kasi lumandi pa doon, pinagseselos ata si Drew" Sabi ni trish habang tumatawa at sinamaan ko siya ng tingin nakita niya iyon agad siyang nanahimik.

At ayun nga nandito na kami sa kotse nila Trish at papunta sa kanilang mansyon. 

Ang nagdridrive naman ay ang kanilang driver at si Trish naman ay nasa front seat katabi ng driver.

Tumingin naman ako sa relo ko at 5:47 PM na medyo mag gagabi na nga at napatingin ako sa mga kasama ako na bagsak na at natutulog na.

Medyo mahaba haba din ang byahe kasi malayo nga ang bahay nila.

Maski ako din ay nakatulog.

*********

"Taylor gumising ka na andito na tayo sa bahay nila trish" Sabi ni Aaron na kagrupo ka din habang niyuyugyog ako na nakahilata pa dito sa likod.

"Tatayo na ko, saglit lang" sabi ko naman.

Bumaba na nga kami at tiningnan ko ang bahay nila Trish. Malaki ito at maganda.

The Twisted TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon