*Mari's POV*"Hello po! Ako po si Mari Pusang Pagala-gala but you can call me Mari if you want. I'm already 18 years old, maganda, mabait, matalino, sweet na kasama at palaging may kasamang kaibigan—" natigil lang ako sa pagsasalita nang magsalita ang guro namin sa English.
"Hoy Miss Pusang Pagala-gala! Sino na namang kausap mo diyan!" pasigaw na sabi ng guro na parang binagsakan ng bato sa noo.
"Yung notebook ko po na si Dora." pagsagot ko sa tanong niya sabay pakita si Dora na drowing sa may kuwaderno ko. Nakatingin kasi si Dora sa akin at pangiti ngiti.
"Notebook?! Anak ka ng pusa! Nababaliw na ata 'to." Sabi ng guro namin na pasigaw hanggang bumaba ang tono ng pananalita niya pero dinig ko parin yung sinabi niya kahit nasa huli akong upuan sa may gitna. Parang nainis ako nang sabihin niyang anak raw ako ng pusa? Aba, hindi makatarungan yung sinabi niya sa akin. Kaya bago pa siya makapagsalita ulit sa pagdidiscuss sa aralin naming boring ngayong araw, nagsalita ako.
"Aba ma'am, hindi naman po makatarungan yung sinabi mo sa aking anak ako ng pusa? Tao kaya yung mga magulang ko!" Pagalit na sabi ko.
Huminto naman yung guro sa paglalakad at liningon ako.
"Baka nga po yung mga magulang mo ang pusa dahil sabi ng kaibigan ko, kung sino ang nagsasalita sa akin na hindi maganda, siya raw ang karapat dapat na sabihan iyon." kunot noo kong tinitigan siya.
"Miss Mari! Get out of my class... Now!" pagalit na sabi ng guro namin.
"Aba ma'am dapat nga po, ikaw ang lumabas dahil silid-aralan namin ito at pag mamay-ari itong paaralan ng gobyerno kaya wala kang karapatan sabihin iyan sa akin." sagot ko.
"Isa..." pagbibilang ng guro. Ay baka magbibilang pa bago siya lumabas.
"dalawa..." pagpapatuloy ko.
Hindi na nagsalita ang guro at masama na talaga ang tingin niya sa akin.
"Ma'am, tatlo na po ang sunod. Hindi mo ba alam? Kawawa ka naman ma'am.Huwag kayong mag alala, kahit guro na kayo, tuturuan kitang magbilang." nakangiti kong sabi sa kanya. Ano ba naman siya. Nakapagtapos siya na hindi marunong magbilang? Kawawa naman ang sasabihin ng mga tao sa kanya.
"Get out!" pasigaw na sabi niya. Dahil masama talaga siyang tao para sa akin, lumabas na ako dala ang mga gamit ko. Pero nang nasa pintuan na ako, sinabi ko ito lahat sa mga kaklase ko.
"I SHALL RETURN." Babalik naman talaga ako mamaya dito eh. Hindi pa kaya tapos ang klase. First subject palang naman eh. Hihintayin ko nalang na matapos ang klase ng pangit na gurong iyon.
"Hahahaha! I love you na Mari" dinig na sabi ng isa kong kaklase. May naririnig rin akong usapan ng iba ko pang kaklase.
"Grabe talaga si Mari. Laftrip sa buhay. Nawala tuloy yung antok ko."
"Lumipad na naman ang utak nun."
"Baka nga kinuha na ng mga zombies sa plants vs. zombies at kinain."
*chismis... chismis... na dinig ng ipis*
OMAYGAD! *Gasp*
Wala na akong utak? Kinain na ng zombies? Huhuhu pero bakit buhay pa ako? Don't tell me, zombie na ako? Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay nang mapayapa. Huhuhu.
Naglalakad ngayon ako sa corridor ng school habang kausap ko si Dora.
"Ikaw kasi Dora eh, ano ba ang nginingiti ngiti mo diyan? Dahil sayo, napahamak tuloy ako sa pangit na guro na iyon."
Dora: "Baliw ba ang babaeng iyan?"
O MAHAGABAT NA TINOLA!
Nagsasalita si Dora? Teka lang ha, baka nagkakamali lang ako ng dinig. Isa pa nga.
"Dora, nagsasalita ka?"
Dora: "Baliw na talaga siya. Hahaha"
MARYOSEP MARIMAR!
Binitiwan ko ang kuwaderno ko at nalaglag ito sa sahig at may nakita akong dalawang babaeng nakatingin sa akin sa kaliwa ko. Nasa gitna kasi ako ng corridor.
"Mga ate! Narinig niyo ba iyon? Nagsasalita si Dora!" yinugyog ko pa sila isa isa para makinig sila sa sasabihin ko.
"Huh? Sino si Dora? Don't touch me nga! Oh my. You're so panget, remove your filthy hands off me!" sabi ng isa sa mga babae at sabay sabay nilang tinanggal ang mga kamay ko na nakalagay sa isa sa mga balikat nila.
Huh? Ako panget? Ang ganda ko kaya! Kaya nga maraming aso ang nagkakagusto sa akin tuwing dadaan ako sa isang eskinita na walang tao.
Gusto niyo malaman yung itsura ko? Huwag na nga, baka magkagusto kayo sa akin at matombugsh ang mga babae diyan. Pero dahil nga mabait ako, sasabihin ko na sa inyo.
Yung buhok ko, parang sinabugan ng bulkan ang ayos, may braise sa ngipin kong jambog(malaki), may mga designs pa nga na nakadikit sa kanila eh. Yung nagpapabaho sa bibig ng tao? Iyon yun. Wala naman akong pimples pero may mga hayop ako sa buhok. Oh diba, ang ganda ko? Huwag na kayong kumontra, iyan ang sabi sa internet tungkol sa personal identification through apps.
"Grabe naman kayo, si Dora the Explorer! Nagsalita siya kanina na sigurado ako na nadinig niyo!"Paliwanag ko. Mas dukha ba sila sa akin at si Dora hindi nila kilala?
Umalis nalang ang dalawang babaeng kinausap ko na hindi ako sinagot sa tanong ko. Pero may sinabi sila bago sila mawala sa paningin ko.
"Mental na talaga ang kailangan ng babaeng iyon."
Ha? Mental? Anong mental? Nakakain ba iyan? Kung hindi, huwag na.
Nakarating ako sa Canteen habang tinitingnan si Dora, baka magsalita siya ulit, at least, alam at nadinig ko. Nagulat naman ako sa kinatatayuan ko ngayon. Paano ako nakarating rito?
UMAYGAD!
Hehehe. May kapangyarihan na pala akong magteleport. Ang saya! Hihihi! :-)
Since nasa canteen naman ako, bumili na ako ng paborito kong inumin: Ang "Maka-tea." Sabi kasi sa internet, pampaputi raw ito kaya sinubukan ko. Pero alam niyo ba, totoo ang sinabi doon dahil ako'y nangingitim na. Oh diba, ang saya!
While on the way to the upuan in the unan, may nakabanggaan akong lalake. Nahulog pa nga iyong mga hawak niyang libro eh. Pupulutin ko na sana ang kanyang nahulog na mga gamit nang sabay pa kaming yumuko. Pagtingala ko sa kanyang mukha...
"Ahhhhhh! Sunog, sunog! Wewowewo BOOM!"
"Miss, tumahimik ka nga! Ang ingay ingay mo. Ano bang sunog ang pinagsasabi mo diyan!?" Pagalit na tanong ng lalaki.
"Iyong mukha ko, umiinit! MOMMY! DADDY!... MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO!... huhuhu" hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos sa mga mahal ko sa buhay. Ano ba kasi ang sanhi kaya umiinit ang mukha ko? Wala naman akong nakikitang nasusunog eh.
Hindi kaya...
nabuhusan ako ng petroloyo sa mukha nang hindi ko namamalayan at umapoy nalang basta basta? huhuhu-
*PAK*
"Aray ha! Ano bang problema mong pakla ka ha!" Itulak man ako sa sahig gamit ang kamay niya. Halos mahalik ko na nga ang sahig eh.
Aba't ang lintek, hind ako sinagot. Bastos rin ang isang iyon. Kinakausap pa, umalis agad. Pero bago siya tumayo, may sinabi siya, "Baliw ka talagang babae ka!"
Huhuhu! Bakit lahat nalang ng tao sinasabihan akong baliw. Sa tingin ko nga, sila ang baliw eh. Pero alam niyo ba, sobrang guwapo ang lalaking iyon. Uwahhh! What to do? What to do? Tawagin ko kaya ang Wonder Pets? Diba tinutulungan nila ang may mga problema? Hehehe. Magandang ideya.
Kaya magsisimula na akong maghanap ng maraming phone directory para tawagan sila.