Sa telepono, may tumatawag
Sa telepono, sagutin natin
Sa telepono, may tumatawag
May humihingi ng tulong(may humihingi ng tulong)
May humihingi ng tulo-
"Hello?" sagot ko na walang kabuhay buhay. Ayos ring tone ko 'no?
[HOY! BABAE! YUNG UTANG-]
Nagulat ako sa sigaw na narinig ko. nahulog tuloy yung phone ko. Sino ba kasi yung tumawag na sasabihin na may utang daw ako? ah, baka yung kapitbahay namin na inutangan ko.
Pinulot ko yung nahulog kong phone, tapos ini on ulit. Grabe, 3:00 am pa lang. Tulog pa yung mga tao, sisingilin agad ako? Hay, tao nga naman. Buti nalang di ako tao. Hehehe!
So yun nga, gumising na ako nang bonggang bongga, nagluto, kumain, toothbrush, ligo, then punta na ako sa school. Grabe, ang aga pa. 6:00 am pa lang.
Nasa dyip na ako ngayon, nag aabot ng 20 sa kobrador ng sasakyan.
"Yung bente, saan po bababa?" bigla na lang sabi ng kobrador. Di ako lumingon. Sino ba kasi yung kausap niya? Nevermind.
Maya maya, may kumulubit sa aking bakla. Puno kasi yung nasakyan ko. Kaya nakikisiksik nalang ako. Sabi ng bakla, "Ateng! Ano ba naman iyan? Bakit ba ang bingi mo? Tawag ka ng kobrador! anubanaman iyan!"
Lumingon naman ako sa kobrador sabay sabi niya, "saan bababa yung bente?"
Huh? Tanga ba siya? Bakit sa akin tinatanong kung saan bababa yung bente at tungunu! naglalakad yung bente!
"Ul*l! Naglalakad yung bente!" Sabi ko sa kanya. Saan ka ba nakakita ng bente na naglalakad?
Bigla ko nalang narinig yung bulungan ng mga nakasakay sa dyip sabay tawa.
"Hahahah"
"Ang tanga talaga niya!"
" Sa tingin ko, takas yang babaeng yan sa mental."
"Oo mare! tama ata yung sinabi mo. Hahaha"
"Hahaha!"
Kawawa yung kobrador. Pahiya siya. Pero bakit kaya sinabi nilang babae yung kobrador? Di kaya bakla siya? May pagka eww rin pala siya. Dapat hindi nalang ako sumakay dito.
Nakarating na rin ako sa Special Academy. Ang school daw na ito ay maraming mga prodigy na estudyante na nag aaral dito. Kaya tinawag na Special Academy. Pero may kumakalat dito na chismis na kapag gabi na raw ay maraming nagpapakita na mga di kanais nais dito like aswang etc. Grrr. Scary.
Lunch time na. After ko mag lunch, nagkaroon kami ng eleksyon para sa Eco- Friendly Officers sa aming silid-aralan. Nahalal ako na Chairwoman sa Paper and Plastic Conservation dahil mukhang plastil daw yung mukha ko. Grr. Buti nalang sanay na ako sa mga ganyan though maganda naman talaga ako, sabi ni Dora the Explorer.
Sunod naman ay magkaklase na kami para sa English. Hinihintay nalang namin ang guro na para sa asignaturang iyan. Dumating sa amin ang guro na kinatatakutan ng lahat ng estudyante dito sa Academy. Terror daw siyang magturo pero di naman ako naniniwala. Duh? To see is to believe ika nga. Hehehe!
Nagpre test lang kami. Then after nun, marami siyang sinabi na echos bla bla kempet na walang kakwenta kwentang pakinggan. English siya nang English, nasa Pilipinas kaya tayo.
Habang nagsasalita siya, may napansin siyang nakaukit sa likod ng kamay ng katabi ko.
"What's this?" tanong niya sa katabi ko.
"Uhm... nothing ma'am," sagot naman ni Geraldine, ang katabi ko.
"What's this?" ulit ng guro.