Chapter 8 -- The ENDING

90 0 0
                                    

* Lyka's POV *

Palabas na ko ng building namin ng biglang may tumawag sakin.

Boses pa lang niya alam ko na... ang demonyo na iyon ang tumatawag sa akin.

Hindi ako naniniwala sa mga kasabihan ng matatanda na huwag kang lilingon kapag may tumatawag sayo, dahil baka pinaglalaruan ka lang ng masasamang elemento sa paligid.

Sa puntong ito ngayon, napatunayan ko na tama din pala sila paminsan-minsan.

Lagi na lang siyang sumusulpot sa mga lugar na hindi ko inaasahan.

Sabagay, November na... ito ang buwan na naglalabasan ang mga masasamang spirits at lamang lupa katulad niya.

Sabay ngiti na pang-asar. Pero nawala din agad ang ngiti ng makita ko pagmumukha niya – puro asar na lang ang naramdaman.

Tinuloy-tuloy ko ang aking lakad na para bang walang narinig.

Nang makarating ako sa labas, biglang may humintong black van sa aking harap. At may tatlong lalaki ang lumabas at dali-dali ako'ng kinuha. Pero maagap ako'ng nahila ni Nico at tinulak palayo.

Hindi ko alam ang aking gagawin pero nung makita ko'ng nagkaka-sapakan na, tumakbo ako sa loob ng building at hinanap ang security guard para matulungan siya.

Pero sadyang mabilis ang pangyayari, pagbalik namin e wala na silang tatlo.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, na sa wakas ang matagalk ko ng iniisip gawin sa kanya ay nasakatuparan na rin.

O magui-guilty dahil despite sa kanyang kasamaan ng ugali sa akin, e pinagtanggol pa rin niya ko sa mga masasamang loob.

* NICO'S POV *

Ilang araw na kong naghihintay ng pagkakataong makausap siya. O ma-corner man lang. I need to talk to her. I just want to make things clear. Alam kong nagdududa siya sa mga sinabi ko, at mga bagay na ginagawa ko. But one thing's for sure. I like her. Or maybe, I'm starting to love her now...

Alam kong mahirap patunayan iyon. Pero iyon ang totoo. Kaya kahit gaano kahirap, hahanap at hahanap ako ng pagkakataon para mapatunayan iyon.

'Haaay' napabuntong hininga na lamang ako. Kahit man lang noong nasa loob ng conference room, may pagkakataon na. Ang ganda pa naman ng ngiti niya... seductive. Para bang inaakit ako. At syempre, nagpapaakit naman ako – sabay iling na may meaningful na ngiti.

Kelan ba mangyayari ang matagal ko ng pagnanasa sa kanya. Well sana lang may pagnanasa din siya sa akin.

I'm sure naman... halata naman sa mga tingin at kilos niya e.

Masyado ko na atang inii-stress ang sarili ko kakaisip sa babaing iyon. Ni hindi ko nga alam kung iniisip rin ba niya ako or what.

Ni hindi ko rin namalayan na mag-aalas singko na pala.

Mabilis kong inayos ang mga gamit at monitor ko. Ang sabi nga ni Ramon Bautista, kung talagang gusto mong masolo ang taong gusto mo sa office, kelangan alam mo kung ano'ng oras siya nag-a-out. Para may chance na makasabay mo siya pababa.

Napangisi ako. Tama talaga si idol. Saktong pag-shutdown ng PC ko ay palabas na sila ng opisina. Nahuhuli siya sa mga kaibigan niya. Nagkatinginan kami. Hayun na naman ang matatalim niyang tingin na siyang nagustuhan ko sa kanya...

Bago pa lumapat ang pinto ay sinundan ko sila palabas. Napakatahimik nang mga sandaling iyon. Gusto ko siyang hilahin at ilayo sa mga kaibigan niya nang magkasarilinan kami. Kaso, diyahe. Not to mention na marami kaming kasabay.

Love Moves in Mysterious Memo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon