Chapter 3

103 0 0
  • Dedicated kay Xerlynjoy Lanaza
                                    

* Lyka Mae's POV *

Hay, ang sakit ng katawan ko. Sino ba naman kasi ang nagsabing maglampaso ng sahig bago pumasok sa opisina?

Kapapasok ko pa lang sa opisina pero eto at iniinda ko na talaga ang sakit ng mga braso ko. Hindi ko alam kung nakakadagdag din yung lamig ng aircon o sadyang nabigla yung kasu-kasuan ko sa biglang pagtatrabaho. Anyway, may gamot kayang maibibigay sa'ken? Grabe naman kung simpleng Alaxan o kung anumang ibuprofen eh wala di ba? Napaka-pulubi naman na ng kompanya nyan.

Pero ano'ng gagawin ko? Pa'no 'ko hihingi ng gamot? Ayoko ngang i-message 'yung taong 'yun. Hmm... isip Lyka Mae, isip.

Biglang may bumbilyang umilaw sa taas ng ulo ko. (Syempre special effects lang 'yun)

Is-spark ko na lang si Roxanne at makikiusap na sya ang humingi ng gamot dun sa mabait naming shift manager. (Alam mo yung salitang sarcasm? Yun mismo yung ginamit ko sa pagsasabing mabait sya).

Spark messenger

Lyka Mae: Roxanne, pakihingi mo naman ako ng gamot, sakit ng katawan ko eh.

Roxanne: 'Wag kasi kayong extreme, ayan tuloy... hahahah

Lyka Mae: Siraulo ka talaga! Dali na!

Roxanne: Hahaha! Ano'ng klaseng gamot ba?

Lyka Mae: Alaxan siguro di ba? Masakit nga katawan eh, alangang Neozep?

Roxanne: Aba, pilosopa ka ah. Hindi na lang kita ihihingi. Hmph!

Lyka Mae: Malditang to! Dali na. Please... :'(

Roxanne: Sige na nga. Pasalamat ka mabait ako. :-D

Lyka Mae: Salamat at mabait ka! (insert sarcasm here)

Makalipas ang ilang sandali.. (telenobela kasi to kaya may mga ganyang ek-ek. Yaan mo na! Nagbabasa ka na nga lang eh)

Roxanne: Oy! Naalala ko. Nasisira nga pala spark ko pag kini-click ko ang mahiwaga nyang pangalan. Hindi ko iririsk ang hindi makadaldal no!

Lyka Mae: Ay oo nga pala no? May sumpa talaga yang taong yan! Sige na nga, ako na magmemessage pero ikaw kukuha, ah.

Roxanne: Okay!

Minessage ko na nga para manghingi ng gamot. Pagkatapos ay minessage ko na din si Roxanne na pwede na nyang kunin. Sandali lang daw at tatapusin na muna nya yung trabaho nya. Hmm.. ano pa nga ba? Hintay-hintay.

Nakita kong tumayo na si Roxanne sa upuan nya at pumunta na nga para kunin yung gamot.

“Ito na!” sabay abot saken ni Roxanne nung gamot. “At.. may kwentong kalakip 'yan, ateng!”

Ang baklang 'to talaga! Madaldal din eh. Sabagay, magiging kaibigan ko ba 'to kung tameme sya? At ayun na nga, pagdating daw nya dun para kunin yung gamot, nakalapag na lang sa may dulo nung table nya para madaling makuha. Ito din namang assumera kong kaibigan, inisip agad na kaya daw ganun ang ginawa nung isa eh para hindi na ko magtagal dun at makuha ko agad yung gamot. (kung ako yung kumuha)

Sa isip ko naman, feeling nya gusto kong magtagal dun? Eh kaya ko nga ipinakuha sa iba, di ba? Kasi ayoko syang makita? Feelingero talaga! Nakakapagpakulo ng dulo at nakakapanginig ng laman-loob.

Hay... Lyka Mae, breathe in, breathe out. Chill ka lang. 'Wag kang papa-stress sa mga taong tulad nya. Hooo...

* Nico's POV *

Aba, parang medyo tahimik ang mga tao ngayon ah. Walang nagpapahina o nagpapalakas ng aircon. Tama yata talaga yung naisip kong “technique”. Hahaha! Ano kamo yung technique? Simple lang. 'Pag may nagpahina o nagpalakas, imbes na talagang hinaan o lakasan, nilalagay ko na lang sa gitna. At least di ba, matagal bago sila ulet mainitan o lamigin. Genius ka talaga, Nico! 

Ano ba yan, natatawa ko sa mga pinag-iisip ko.

Okay, back to work.

Nang biglang.. A spark message from...

Lyka Mae..

Ano na naman kaya ang kelangan ng babaeng to?

Lyka Mae: Sir, Alaxan po ba?

Alaxan po ba? Ano ba to, naglalako ng tinda nyang Alaxan o nagtatanong kung may Alaxan dito? Labo!

Ipinagpalagay ko na lang na nagtatanong sya kung may Alaxan kaya nag-reply ako ng “yes”

Simple. Baka isipin nya gusto ko pang malaman kung bakit nya kelangan ng Alaxan o kung may sakit ba sya. 

Pero syempre gusto kong malaman. Hayy.. parang lagi na lang nagkakasakit tong taong to. Ang payat kasi eh.

Pero, muli, kahit ganon, kelangan hindi ko pa rin ipahalata na nag-aalala ko. Dapat cool pa rin ang image ko. Bah! Baka isipin nya easy ako!

Kumuha na ko ng isang Alaxan CAPsule at inilagay sa may dulong parte ng table ko. 

Ang tagal ah. Kanina ko pa sinabing may Alaxan eh. Bakit hindi pa nya kinukuha? 

Chill, Nico, baka naman may tinatapos lang na trabaho. Eh may sakit nga sya eh, edi mas dapat nyang unahing kunin yung gamot para mainom nya na agad bago bumalik sa trabaho. Mamaya nyan, lumala pa. Hayy..

Ayan na naman ako, nakikipagtalo sa sarili ko.

Nagulat na lang ako nang may kumuha na nung gamot. at.. hindi yung taong inaasahan at hinihintay kong lumapit dito. Sino yun? Nasan si Lyka Mae?

Narinig ko na lang na nag-thank you yung kumuha nung gamot.

Ayun, pa-cool effect ka pa ah. Hindi naman pala sya yung kukuha. Ang labo!

Pero baka naman hindi talaga sya yung may sakit? Baka naman ipinakiusap lang na sya yung manghingi on behalf of somebody else? Hmm... Hindi ako mapakali. Teka nga.

Tumayo ako para tingnan. At ayun nga, nakita ko yung babaeng kumuha ng gamot dito na nagpunta sa pwesto ni Lyka Mae at mukhang iniabot yung gamot.

Ang walangyang Lyka Mae na to! Wagas ka rin makaiwas ah. Talagang nanggamit pa ng ibang tao, masigurado lang na hindi makalapit saken. Grrr.....

Pero may sakit sya. Baka naman kaya ganun eh dahil nahihirapan syang magkikilos? Nag-aalala na naman tuloy ako.

Ano ba yan!? Kainis na babae to! My head is full of contradictions because of her! Makabalik na nga lang sa pagtatrabaho. Nakainom naman na sya ng gamot. Sigurado magiging okay na sya.

------------------

 ^Malditas

Love Moves in Mysterious Memo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon