Chapter 2

114 1 1
  • Dedicated kay Rioniña Ocampo
                                    

* Nico's POV *

Hindi maganda ang simula ng araw ko. Akalain mo bang kakasimula ko lang sa trabahong ito e late na agad. May isang buwan na naman ako pero hindi ako sanay na ganito. Ang dati kong trabaho e napakalapit lang sa aking tinitirhan pero ngayon...

Pinili ko 'to kaya dapat kong panindigan. Late na kung late. I'm the manager naman eh. Keri na yan.

Bigla akong mapalingon, bigla ko nakita si... sino nga siya?

Hindi ko matandaan ang pangalan niya, Pero tandang-tanda ko ang mga mata niyang kay talim tumingin. Never ko yun makakalimutan nuh? Yung mga mata na nangungusap na tignan ko nang walang humpay.

Hai naku Nico. Kung ano-ano na naman ang nasa isip mo.

Nang bumukas ang pinto, pumasok ako agad at hinintay siya. Ito na siguro ang pagkakataon na makilala ko sya at magkaroon ng dahilan para matandaan ang kanyang pangalan. Pagpasok niya, tumayo siya sa kabilang sulok ng elevator. Mukhang ayaw ng conversation. Hinayaan ko lang siya pero sinisilip ko siya sa gilid ng aking mata.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo sa aking harapan at ngumiti ng kay tamis.

Napatitig na lamang ako at hindi makapagsalita. Speechless... pero hindi ko matatanggi na kung anuman ang mangyari.. ay handa ako.

Bigla ako'ng kwinelyuhan at nilapit sa kanyang mukha.

Nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang elevator at bumukas.

Natawa na lang ako ng lihim habang palabas ng elevator. Pero nagtaka ako kung bakit hindi siya gumagalaw at nung aking tignan e nakatayo lamang, nakangisi ng matamis habang nakatingin sa kawalan.

Tinawag ko siya pero hindi pa din kumilos. Wala ako nagawa kung di sigawan siya at dun siya nagulat. Napatingin sakin at yumuko. Pumasok ng opisina na para bang walang nangyari. Sabagay, wala naman talaga. Pero ang kanyang ngiti, akin na yun habambuhay.

Sa oras na lumipas hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang kanyang mga ngiti. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Nagulat na lang ako ng biglang may mag-spark sakin. “Pakihinaan ang ac3” doon ko naalala ang kanyang pangalan. Lyka Mae.

Pero kahit alam ko na ang kanyang pangalan, paano ko makukuha ag kanyang atensyon? Makipagkulitan ako sa spark? Pero nagawa ko na yun dati dapat hindi pa rin pahalata.

Napagtuunan ko tuloy ng pansin ang aking screenshot ng monitor niya. At hindi ako nagkamali... pasaway talaga ang babaeng ito. Facebook e tapos na ang break. Mabigyan nga ng memo.

* Lyka's POV *

Nakakaloka!

Mapagbiro talaga ang tadhana!

Akalain mo ba na kung sino pa ang ayaw ko makita, siya pa ang nakasabay ko sa elevator. Tumayo ako sa kaliwang sulok ng elevator at siya naman ay sa kabilang sulok, nakayuko. Ngayon ko lang na-realize na mainit pala dito... o baka naman dahil sa may nagpapainit dito.

Nagulat na lang ako at bigla siyang tumuwid ng tayo at ako'y nilapitan. Tinitigan niya ako ng kay lagkit. Ang puso ko'y lumulundag - hindi ko alam kung ito ba'y sa takot o sa pananabik na aking nararamdaman. Pero kung anuman ang mangyari... handa naman ako...

Lalo pang napatalon ang aking puso ng unti-unti na niyang nilalapit ang kanyang mukha sa akin, sabay sigaw ng “Lyka Mae!”

Pakshet!

Panaginip lang ang lahat. Napabuntung-hininga na lang ako. Dahil sa buong buhay ko, ngayon lang ako nawala sa aking katinuan.

Lumabas ako ng elevator ng hindi tumitingin sa kanya.

“Ano nginingisi-ngisi mo?” sabi niya ng makalayo ako ng unti sa kanya. Shocked ako dahil may lambing sa kanyang tinig.

“Wala po” ang agaran kong sagot na para bang recitation sa school na kapag hindi nakasagot e pakakainin ng chalk.

Buti na lang at hindi na siya nagtanong pa. Umupo ako sa aking desk na ang isip e naglalaro pa din sa kamunduhan.

Hindi ko maunawaan kung bakit gumugulo siya sa aking isip, wala naman ako'ng gusto sa kanya. Di ba nga harmful siya? Bakit ko naman siya magugustuhan? Pakshet naman talagang imagination kasi yun ehh! Nakakahiya!!!

Naisip ko na baka kapag may pinagsabihan ako e mawala ang lahat ng ito. Pero sino naman ang makakaintindi sa akin na hindi iisipin na ako'y isang haliparot na naglaro sa kamunduhan ng ibang tao? Tanong ko sa aking sarili.

Mas magandang sa facebook ko na lang ito isiwalat.

Break time at yun lang ang tanging kong ginawa. Binuhos ko ang aking emosyon sa pagsta-status sa facebook.

“Hoy bitch! Nakatulala ka na naman jan!” Kung alam mo lang Cherry. Kung alam mo lang kung bakit.

“wala. Bakit ba?”

“Pinapatawag ka ni sir.”

Panic mode ako syempre. Bakit naman niya ako ipapatawag?

Hindi pa rin ako makaget-over sa scenario sa elevator. Panaginip lang ba yun? O sadyang totoo na?

“Ms. Lyka, why are you using your facebook account during office hours?”

“Naka-online lang sir, gumagamit agad? Hindi ba pwedeng nakaminimize lang yung window?”

Yan. Naisahan ka na naman.

“Naka-open pa din. Hayan ang memo. Infraction ka.”

“Napaka-walang puso mo talaga sir.”

“I know. Yaan mo na, manager naman ako. Pirma na para makapag-work ka na ulit.”

Well, no choice ako. Pumirma na lang ako at nag-walk out sa kanya.

--------------------

Days passed at hindi pa din talaga ako nakaka-move on sa nangyari. Sa bawat tingin niya, doon ko napagtanto na hindi panaginip ang lahat. Sadyang inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

“Gagawa ka lang naman ng kakahiyan Lyka, sana na lang tinodo mo na”

“Nagsisisi na nga ehh. Angal ka pa? Kulong mo ulit siya sa elevator para magawa ko ulit yun.”

See? Pati subconscious mind ko nakikipag away sakin. At tsaka, after that memoS, wala na akong care sa kanya nuh?

Oo. MEMOS:

1. Sleeping – lokong sleeping. Pinapahinga ko lang mata ko nuh! Siya ba hindi sumasakit ang mga mata after a whole night sa harap ng PC? Jeez!!!

2 . Itong Facebook

3. Lates. *sigh*

Wala na talaga. Turn off much!

* Nico's POV *

Days passed pero mukhang mas nagalit siya sakin. Nagkaroon pa siya ng bagong inspirasyon sa desktop niya. Another manager pa naman. Hinayaan ko na lang at hindi ko na pinansin. Work related pa naman ang justification niya. Pasaway nga nuh? Tsk! Nilagyan ko tuloy ng picture ang spark ko. Kasama ko pinsan ko. Aakalain nun na gf ko.

Magselos kaya yun? I doubt.

Mukhang tuwang-tuwa na siya dun sa bagong Sir niya ehh. Na-feature pa sa blog nila. Akala ko naman ako na yun. Hindi naman pala. Assume naman pag may time.

Teka, teka...

Di ba dapat siya ang pinapagselos ko?

Bakit parang ako ang bitter?

Hmmm...

Bahala na nga..

------------------

Bakit  bitter si Kuya?

nyahaha!

Post are coming. 

^Malditas

Love Moves in Mysterious Memo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon