Chapter 6

78 0 0
                                    

Lyka's POV

Pagbukas ng elevator ay dali-dali akong lumabas. Ni hindi ako lumingon kahit ilang beses niya 'kong tinawag.

"Please try again."

Bushet naman! Kung kelan nagmamadaling pumasok, saka naman nag-inarte 'tong biometrics sa daliri ko! May pitong beses na 'kong nag-try, pero ayaw pa rin niya akong papasukin. T_T

"Let me."

Napapiksi ako nang hawakan ni Sir ang kamay kong ayaw basahin ng biometrics at inilayo roon upang siya naman ang sumubok. Nanatili lang ang mga kamay namin sa ganoong eksena. Ni hindi man lang niya binitiwan kahit na pumipindot siya sa lintek na biometrics na 'yon.

Pero, in fairness, sobrang lambot ng palad niya. At mainit-init pa. Tamad sigurong magkikilos sa bahay nila.

"Thank you." Ang biometrics.

Hah! Mukhang may favoritism pang nagaganap ah!

Nang tingnan ko si Sir ay naroon na naman ang nakakalokong ngiti niya na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Sir. Ang. Kamay. Ko." mariin kong sabi.

Hindi ko na hinintay pang bitawan niya ang kamay ko't ako na ang kusang nagbawi niyon. Biglang naglaho ang mga ngiti sa labi niya at ang tuwa sa kanyang mukha ay nahalinhan ng... lungkot?

Aah! Late na 'ko! Hindi ko na lang iyon pinansin at nagmadaling binuksan ko ang pinto. Kamuntik pang tumama 'yon sa noo ko, mabuti na lang at naagapan iyon ng kamay ni Sir.

Nagmadali na 'kong pumasok sa loob at saka nag-time in sabay takbo sa workstation ko na para bang hinahabol ako ng sampung demonyo.

"Napa'no ka?" tanong ni Ayin. Siya na ang bago kong katabi magmula nang i-reshuffle ang buong team namin, after nung issue. "Ang putla mo" puna pa niya.

"Wala," sagot ko. Hindi na siya nagtanong pa at nagpatuloy kami sa trabaho, ayaw ko rin naman ikwentong nakasabay ko na naman si Sir.

"Gusto kita, Lyka Mae..."

Napahinto ako sa ginagawa ko nang maalala ang mga salitang 'yon. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang unti-unting mag-sink in ang mga sinabi ni Sir kanina.

O. M. G. Ngayon ko lang na-realize ang lahat!

May gusto sa 'kin si Sir!

Bigla tuloy naging alerto ang bawat nerve endings ko. Kung totoo ngang sinabi niya 'yun, ibig sabihin lang nun ay nanganganib ang puso ko. I know the likes of him. He's a player! Na-describe ko na nga siya sa chapter one, 'di ba?

Mag-aalas onse na ng gabi nang mag-inarte si Ayin. Magha-halfday daw siya. Sinumpong na naman ng migraine.

"Hindi mo na ba talaga kaya? Wala 'kong kausap dito..." nakalabi kong sabi.

"Asa ka!" Ang maldita, pinandilatan pa 'ko ng mata! Itinirik ko na lang ang mga mata ko. Pero tinawanan lang ako ng bruha at tatawa-tawang tumayo para kumuha ng leave form kay Sir.

Oo, kay Sir Nico.

12 am. Midnight lunch.

Masakit din ang ulo ni Cherry, kaso ayaw mag-halfday kaya nakiusap na lang na magpabili ng food. hayun, kaming tatlo lang nina Ayin at Nina ang lalabas. Buti na lang at mabilis na nagbukas ang elevator. Syempre pa, takbo agad kami. Haay, nasolo rin namin sa wakas ang elevator!

"Teka lang..."

Nina was about to hit the 'close' button, nang may humabol pang isa. Bushet talaga...

Muntik pa 'kong mapaigtad nang malaman kong si Sir pala 'yun. Aahh.. nananadya ba ang taong ito?

Hindi ko alam kung babatiin ko siya, or what. Ang ginawa ko, binaba ko na lang ang tingin ko at minabuting pagmasdan na lang ang mga kuko ko sa paa. Hmmm... nagmamakaawa na silang ipa-pedicure ko na sila.

Love Moves in Mysterious Memo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon