Kalayaan

27 0 0
                                    

Ika-apat ng umaga.

Kapag pumatak sa ikapito ang orasan... kailangan ko nang umalis sa ampunan na aking kinalakihan.

18 taon ako namalagi dito... nakita ko nang umalis sina Ate Jarie, Kuya Luke, Ate Hana, at iba pang nakakatanda sa akin. Ngayon ako naman ang makikita nilang umalis.

Palihim akong lumabas sa aking bintana. Tulog pa si Saira, roommate ko. Iiwan ko na pala siya. Di bale 2 taon lang ang tanda ko sa kanya. Maaabutan niya pa ako sa 'University'. Kapag 18 na siya... 20 naman ako. Magkikita pa naman kami.

Pero yung mga bata, baka hindi ko na maikita pa.

Nasa ikalawang palapag ang aming kwarto. Tinalon ko ito. Nakasanayan ko na yan kada tumatakas ako pag gabi. Simula sampung taon... sinanay kong hindi masaktan sa pagtalon kada tatakas ako sa ampunan. At ngayon kahit papikit, makakatalon ako... nang walang ingay.

Hindi pa sumisikat ang araw. Maaga pa nga. Pero ito nalang ang huli kong pagkakataon para makausap si Sensei. Kailangan ko ng gabay at words of wisdom... kapag nandoon na ako. Sabi ng mga tagaalaga namin sa ampunan sa 'University' daw kami makakaranas mabuhay nang marangya. Ang nais nang lahat. Pero sabi ni Sensei.... sa University mo mararanasan ang impyerno. At naniniwala ako sa kanya.

Sa likod ng ampunan ay isang gubat na masukal. Puno ito ng mga mababangis na hayop. Kung hindi ka pamilyar dito ay maliligaw ka... o kaya naman, mamatay.

Kabisado ko ang daan... ang palatandaan marka na hugis pakpak ng paruparo. Kapag sinundan mo ito, ligtas ka. Pero syempre ako, si Sensei at ang kaibigan kong si Cedric lang ang nakakaalam.

Matapos ang ilang hakbang ay nakarating rin ako sa sapa. Ang sapa ng apoy kung tawagin ni Sensei. Sa simula ay parang ordinaryong tubig lang ang laman nito... pero ito ay tubig na asido.

Ang tagal naman niya. Hindi ako makakatawid sa sapa nang wala si Cedric. Kahit gumawa pa ako ng bangka, matutunaw lang ito. Si Cedric talaga kahit kailan ang tagal tagal.

Tumingin muna ako sa kalangitan... may kaunti ng liwanag. Nagliliparan na rin ang ilang mga ibon. Kahit ang mga ibon may ibang kakayahan. Ang mga Guris ay may kakayahang magsalita at kumanta na parang tao. Ang mga Kilas na kayang gumaya ng anyo ng ibang ibon gamit ang balahibo nitong nag-iiba ng kulay. At ang mga Rake... ang mga ibon na may camera na konektado sa computer ng mga Elites. Sila ang mga espiya sa amin.

Isa sa mga kakayahan ko ay ang malaman ang presensya ng mga Rake. Ang pagmanipula mga bagay na may kinalaman sa computer ang kakayahan ko. Kagaya ngayon may isang Rake sampung puno sa aking kanan. Isa ito sa mga bantay sa gubat na bawal puntahan.

Noong labing dalawa ako nakapatay ako ng Rake gamit lamang ang kakayahan ko. Parang tinanggal ko sa saksakan ang computer pero gamit lamang ang utak ko. Nang mamatay ito at napaiyak ako... dahil kahit anong pagbabago namatay pa rin itong isang ibon. Inosente at namumuhay para magparami, pero dahil sa eksperimento ay nagbago ang kapalaran.

Siguro ganyan din kami. Dahil sa eksperimento, nandito ako. Siguro kung isa ako sa masuswerteng bata na hindi ninakaw noon, kasama ko ang pamilya ko ngayon. Namumuhay siguro ako nang normal at masaya kasama sila. Hay.

Nagmamasid ang Rake. Ayoko maulit ang pangyayari noon kaya naman isa lang ang magagawa ko... ang magtago sa puno. Umupo ako sa ilalim ng isang puno nang may nagsalita.

"Good Morning!"

Agad akong tumalikod at tinakpan ang bibig ng kumag na ito. Naramdaman kong lumingon ang Rake. Ang ibong ito ay kontrolado ng tao. Kahit na may camera ito, sa likod pa rin nito ay isang tao... nalilinlang.

Tinitigan ko si Cedric. Alam niya na iyon. Tumahimik kaming dalawa. Tanging ang wagayway nalang ng hangin sa mga tuyong dahon ang naririnig. Naramdaman kong huminahon ang Rake. Nalinlang na ang bantay. Ganoon lang kaming dalawa ni Ced. Titigan. Tahimik. 

Reckless AbandonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon