Sana nga

5 0 0
                                    

Matapos naming magpaalam kay Sensei, bumalik kami kaagad sa ampunan. Patago... tahimik. Gaya ng dati.

May iba pa rin kaming pinag-usapan nina Sensei. Ang mga iyon ay mga bilin niya. Mga gabay sa kung ano ang naghihintay sa amin sa University. 

Nagpaalam kami... ngunit sabi ni Sensei, magkikita pa daw kami. At siguradong sigurado daw siya doon.

Alasais na ng umaga. Nakarating ako sa kwarto namin. Humiga ako sa kama ko sa huling pagkakataon.

"Ate..."

Gising na pala siya Saira.

"Aalis na kayo?"

Malungkot na tanong niya.

"Oo eh. Ganun talaga. Susunod din naman kayo."

Tiningnan ko siya. Dalaga na. Parang dati tsikiting pa to ah.

"Wala na akong kasama."

Naiiyak na sabi niya. Bumangon ako at pumunta sa kama niya at niyakap siya.

"May papalit naman sa akin eh..."

Pagtatahan ko sa kanya.

"Mamimiss kita ate."

Umiyak na nga. Inalo ko yung buhok niya para tumahan. Ganoon din ako kay Ate Jarie noong umalis sila. Siya kasi ay isang mabuting ate sa akin. Ganito talaga sa ampunan, kahit di kami magkakadugo... parang magkakapatid na rin kami.

"Kapag wala na kami... ikaw naman ang magiging ate nila. Wag kayong mag-aaway ah."

Parang ayaw ko nang umalis. Iiwan ko hindi lang si Saira kundi ang buong ampunan.

Mga tagaalaga, tagaluto, mga bata. Kahit ang mga mas maliliit pa. Pati na yung mga sanggol na bagong kuha sa mga pamilya nila.

"Shh... tahan na. Magkikita pa naman tayo eh."

Pinakalma ko ang mga hikbi niya. Noong maayos na siya ay bumaba na siya para sa almusal. Naligo naman ako. Huling beses na ito. Lumabas ako nang nakatuwalya dahil wala akong damit.  Nakalimutan ko na may uniporme pala sa University. Saan ba nilagay ni Miss Ina yun? Hinanap ko ito sa damitan pero wala eh.

Nagulat naman ako nang bumukas ang pinto. Lintik na Cedric to! Halatang gulat siya. Paano ba naman nakatapis lang ako.

At siya...

Mas naging maaliwalas ang mukha niya sa suot niyang uniporme. Mas naging gwapo ang kanyang mukha. Matagal pa kaming nagtitigan bago ko naalala ang suot ko.

"Labas!"

"Ah... eh.. Uniform mo."

Nakatulala niyang iniabot sa akin ang uniporme. Nakatitig pa siya sa mukha ko. Sumigaw na ako nang bumaba na ang tingin niya sa katawan ko.

"Labas!"

Ngumisi siya at napang-asar na tumingin sa akin.

"Akalain mo yun! Babae ka pala, Ca!!"

Abat nang-asar pa.

"Lalabas ka ba o sisipain kita."

"Sabi ko nga sa susunod kakatok ako... tas tatakip ng mata kasi baka may nakatapis pala na--"

Nakakainis. Makapang-asar wagas.

"Isa!"

"Eto na lalabas na!"

Reckless AbandonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon