LAUREN'S POINT OF VIEW
"ARAY!!!" sigaw ko nang mahulog ako sa kama. Napahawak ako sa aking puwet. Ang sakit nun ah!
*booooogggssshh!!!*
"Asan na yung magnanakaw?"
Napalingon ako sa sumigaw. Si Yaya pala at nakahanda na ang kanyang walis tambo.
"Wala pong magnanakaw Yaya. Nahulog lang po ako sa kama." sabay peace sign kay Yaya
"Naku Ma'am Lauren, lagi ka na lang nahuhulog sa kama. Kailangan mo talaga ng crib." sabi sakin ni Yaya.
"Oo nga Yaya, kailangan ko na ng crib. Isang giant crib." sabi ko kay Yaya. Malikot kasi ako kapag natutulog.
By the way, ako nga pala si Lauren Dave Manzano. Just call me Lauren but not Dave. Ewan ko nga sa parents ko kung bakit may Dave pa sa pangalan ko na obvious naman ay pangalan ng lalake. I'm 17 years old and turn to 18 years old next month. I'm a Daddy's Girl simula nung namatay ang Mama ko noong 9 years old pa lang ako. Marami rin kaming negosyo all over the world tulad ng restaurant, mall, grocery, salon, etc. In short, mayaman kami. But if I will describe myself, I'm just a simple girl, a nerd, kamukha ni Betty La Fea pero wala akong braces sa ngipin. Panget, yun ang sabi ng mga schoolmates ko. Mukha raw akong mangkukulam, lampa. Yung lang muna ang masasabi ko sa inyo. Ang sakit na sa ego eh.
Bumangon na ako sa kama at kinuha ko ang malaki kong salamin sa bedside table ko at sinuot ko yun. Pumunta ako sa dining area para mag-breakfast.
Sa kusina ay nakita ko si Dad na nagbabasa sa kanyang laptop.
"Good morning Dad." masayang bati ko kay Dad.
"Good morning din My Nerdy Daughter Dave." - Dad
"Dad naman eh. Wag mo akong tatawaging Dave."
Ang sakit kasi eh kahit sanay na ako.
"Just kidding. I'll repeat. Good morning din my Beautiful Daughter Lauren." - Dad
"That's better." sabi ko kay Dad.
"Kumain ka na Lauren." sabi sakin ni Dad.
"Ikaw din Dad." sabi ko naman kay Dad. Sinara ni Dad ang laptop.