#TNFHEpilouge

1.3K 86 0
                                    

LAUREN'S POINT OF VIEW

- ONE WEEK LATER -

Isang linggo na ang nakalipas simula nang maganap ang engagement party namin ni Tim.


Sa loob ng isang linggong yun ay naging miserable na ang buhay ko dahil sa kumalat na litrato sa engagement party.


Maraming estudyanteng nambubully sa'kin lalo na ang mga babaeng estudyante dahil sa litratong yun. Sinasabihan nila ako ng masasakit na salita; Kinulong din nila ako sa CR; Binato nila ako ng mga itlog, at kung ano-ano pang pambubully nila sakin.


Pero ang mas masakit pa dun ay ang hindi pagpansin sakin ni Tim sa school. Malaki ang pinagbago niya pagkatapos ng engagement party. Nakikita ko rin siyang nakikipag-make out sa ibang babae sa Dyosa's Bar. Naging stalker na rin niya ako simula nang hindi na niya ako pinansin.


Pagpasok ko pa lang sa school ay nagulat ako nang bigla akong nabasa.


"HAHAHAHAHAHAHAHA!" narinig kong tawanan ng mga estudyante.


"Yan ang bagay sa'yo malandi ka!"


"Famewhore!"


"Pokpok!"


"Bayarang babae!"


Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil sa pambubully nila. Pero ang mas nagpaiyak sakin ay ang hindi pagtanggol sakin ni Tim sa mga estudyante.


Nakita ko siyang may kasamang ibang babae at masaya silang nagkukuwentuhan.


"HEY, TAMA NA YAN! WAG NIYONG SASAKTAN ANG BESHIE KO!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Napalingon naman ako sa lalakeng sumigaw.


O_________O


Jameson?


Eh bakit niya ako pinagtatanggol? Siya naman ang may kagagawan nito sakin hah. Siya naman ang dahilan kung bakit ako binubully ng mga estudyante. Tapos ipagtatanggol niya ako pagkatapos niyang ipagkalat ang litrato namin na hindi ko naman ginusto ang nanyari dun? Wala akong kaalam-alam na kinunan pala kami ng litrato na kumot lang ang takip namin dahil wala akong malay nun? Ang kapal din ng mukha niyang magpakabayani sakin. Tinuring ko siyang bestfriend pero ito lang ang igaganti niya sakin? Ano ba ang ginawa kong mali sa kanya at nagawa niya 'to sakin.


"P-pero Prince Jameson. Malandi ang babaeng yan. Bakit niyo po siya pinagtatanggol?" tanong ng babaeng estudyante kay Jameson habang masama ang tingin nito sakin.


"Wag na wag niyo siyang tatawaging malandi. Kapag nakita ko pa kayong binubully siya. Hinding-hindi ako magdadalawang-isip na patulan kayo." galit na sabi ni Jameson sa mga estudyante.


"Sorry Prince Jameson." sabi ng mga estudyante at umalis na sila. Mukhang natakot yata sila kay Jameson. Sa bagay, katakot-takot naman ang itsura niya. Mukha na siyang gangster ngayon dahil nagbago na nga siya ng look.


"Are you okay Beshie?" nag-aalalang tanong sakin ni Jameson. Napatingin naman ako sa kanya.


"Yes, I'm fine." pagsisinungaling ko sabay pahid ng luha ko. Mas lalong hindi ako okay Jameson. Nang dahil sa'yo ay naging miserable na ang buhay ko. Sa tingin ba niya, porke't pinagtanggol niya ako sa mga estudyante ay magiging mabait na ako sa kanya? Pwes, nagkakamali siya.


Pagbabayaran niya ang lahat ng 'to. At sisiguraduhin kong malilinis ko ang pangalan ko.

**********

Abangan soon ang BOOK 2.

The Nerd's Future Husband (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon