(6) #TNFHMeetLuis

1.4K 90 0
                                    

JAMESON'S POINT OF VIEW

"I'm her fiancé."


"I'm her fiancé."


"I'm her fiancé."


Natulala ako sa sinagot ng kumag na katabi ni Beshie. Totoo ba ang sinagot ng kumag na yun o iniinis lang niya ako?


"N-nakakainis ka talaga Tim. Hay naku Beshie, w-wag kang maniwala sa sinabi niya dahil gino-goodtime ka lang niya." kinakabahang sabi ni Beshie. Hindi ko alam pero may parte sakin na gusto kong maniwala sa kanya pero meron ding parte sakin na ayaw kong maniwala. Pero mas pinili kong maniwala kay Beshie kaysa sa kumag na yan.


Mabuti naman kung hindi totoo ang sinabi ng kumag na yun. Hindi pwedeng maging sila dahil mahal na mahal ko si Beshie. Hindi ko pa nga pinagtatapat ang feelings ko sa kanya pero mauunahan na ako ng kumag na yan.


"Dun din tayo tutungo Nerdy. Inadvance ko lang." sabi ng kumag sabay kindat kay Beshie. Ang kapal ng mukha niyang kindatan si Beshie. Kala mo kung kagwapuhan. Mas gwapo pa nga ako sa kanya. Hanggang paa ko lang ang kagwapuhan niya.


"Kumain na nga lang tayo. Hindi tayo matatapos dito dahil ang iingay niyo." inis na sabi ni Beshie samin ni kumag. Tumahimik naman kami ni kumag at kumain na lang. 


Pagkatapos naming kumain ay bumalik ulit kami ni kumag sa sala habang si Beshie naman ay pumunta sa kwarto niya. So kaming dalawa lang ni kumag ang nasa sala.


"Ano nga pala ang pangalan mo at kaano-ano mo si Nerdy?" seryosong tanong ni kumag. Seryoso ko namang tinignan si kumag.


"Gusto mo bang malaman kung sino ako at kung kaano-ano ko si Beshie?" seryosong tanong ko sa kanya.


"Ay hindi, gusto kong malaman ang pangalan ng aso mo at kung kaano-ano mo yun." pilosopong sabi ni kumag sakin.


"Tangna mo! Hindi ako nakikipag-pilosopohan sa'yo!" galit na sabi ko kay kumag.


"Sagutin mo na kasi ang tanong ko. Sino ka ba ha at kaano-ano mo si Nerdy?" tanong ulit sakin ni kumag.


"Ako lang naman ang future husband ni Beshie. The one and only Jameson Dy." nakangising sabi ko kay kumag.


"Talaga lang ha. Tignan na lang natin kung kailan mo ipagyayabang yang pinagsasabi mo, baka mapahiya ka lang kapag malaman mo ang tungkol samin ni Nerdy." nakangising sabi naman sakin ni kumag.


"Anong ibig mong sabihin?" kunot na tanong ko kay kumag.


"You'll find out soon." patay malisyang sagot sakin ni kumag. Bakit ganun makaasta sakin ang kumag na yun at kaano-ano ba niya ni Beshie?


"Sorry Beshie at Tim kung natagalan ako sa kwarto. Nagbihis pa kasi ako eh. Oo nga pala Beshie, isama na natin si Tim sa lakad natin. Tumawag kasi sakin si Dad na samahan ko muna raw si Tim. Hindi ko naman pwedeng pabayaan 'to sa bahay dahil baka magalit sakin si Dad." sabi sakin ni Beshie na ikinainis ko naman. Nakita ko naman si kumag na nakatingin sakin at ngumisi na parang siya ang nagwagi sa aming dalawa. 

The Nerd's Future Husband (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon