Chapter 5

28 4 0
                                    

Ayesha's POV

"Besh ano bang dapat naming gawin ni Bebe ko mamaya ?" I asked Neri and Shy. Nasa bahay kami ngayon and yeah aayain ko si Bebe ko ng date mamaya.

"Dalhin mo sa kwarto mo." wala sa sariling sabi ni Neri.

Binatukan siya bigla ni Shy ng pagkalakas lakas. "What the fudge are you saying ? Alam mo namang kahit ganito tayo di pa natin sinusuko ang bataan. Unless ?" biglang nanlaki ang mga mata namin ni Shy. Isinuko na ba niya ?

"Sino ? Huehuehue napakawalang hiya niya para babuyin ang beastfriend natin besh." sabi ni Shy habang nagfa-fake ng iyak.

"Oo nga besh, huehuehue hindi ko ito matatanggap." sigunda ko naman sa kanya.

"Bakiiiiiit ?" sabay pa naming sigaw ni Shy.

While we're in the verge of our emotions bigla nalang naglanding sa mukha namin ang unan na binato ni Neri sa aming dalawa.

"Yaaah !! What's wrong with you ? Nagdadalamhati na nga kami sa pagkawala ng V*rg*nity mo eh." I yelled at Neri.

Grabe besh di marunong mag-appreciate ng effort. Every drop of my tear is worth a thousand diamonds kaya. Hmmp!

"Ang O.A. nyo mga besh. Parang gusto ko kayong bigyan ng award. The most O.A. actress award goes to ... Tandididin .. Tugtug.. Ayesha Lopez and Shy Ramirez. Wohooo sabog confetti." sabi niya habang pumapalakpak at tumatawa ng wagas.

Sinamaan namin siya ng tingin kaya umupo na siya at pilit na nagpipigil ng ngiti kahit na halatang-halata naman na gusto pa niyang magwala sa kakatawa.

"Hindi pa naman kasi ako tapos eh. Ang gusto ko lang naman sabihin eh dalhin mo sya dito sa kwarto mo at ipakita mo sa kanya kung gaano ka kaadik sa kanya. Tingnan mo nga 'tong kwarto mo Yesha, bawat sulok may poster at picture ni Jake. Di ka pa adik sa lagay na yan ? Baka pag nakita nya 'to maappreciate niya." sabi ni Neri habang napapangiwi siya na para bang sinasabi niyang "kadiri tong kaadikan mo besh".

"Oo nga besh, di ka ba nagsasawa sa mukha niya ? Mula sa paggising mo sa umaga, pagkatapos maligo, pagpasok sa school tsaka pag-uwi at bago matulog siya 'yong nakikita mo. Grabe na besh ?" hirit naman ni Shy.

"Kasi nga mga besh 'The longer I look at him the deeper I fall inlove.' ganun 'yon. Palibhasa kasi hindi pa kayo nagkaka true love." pagtataray ko sa kanilang dalawa. Natipohan ko pa naman silang maging beastfriends pero grabe makapanglait parang hindi kaibigan.

"Nagka true love na kaya si Shy." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Neri. Pinandilatan ko lang siya at bigla na siyang tumahimik.

"Talaga ba ? Kailan ? Anong pangalan niya ? Gwapo ba ? May six pack abs kaya siya ? Anong height tsaka weight niya ? Vegetarian din ba siya katulad ko ? O di kaya mahilig siya sa mga mantikain ? Hmm bagay ba kami ? Tsaka nasan na siya ngayon ? Bakit nagkahiwalay kami ?" pareho kaming natameme ni Neri sa mga tanong niya. Ano 'to The Buzz ? Hahaha.

"Hindi ako na inform na pinalitan mo na pala si Boy Abunda sa The Buzz besh hahahaha." nag apir kami ni Neri habang kinakantyawan namin siya.

Hinabol pa niya kami para batukan pero syempre pinagpawisan muna siya bago niya kami nahabol. Hahaha.

"Nagtatanong lang eh. Tsaka bakit si Boy Abunda ? May buhok kaya ako." at nag pout pa ang loka haha.

"Wag ka ngang mag pout dyan, para kang baboy eh hahahaha." pang aasar na naman ulit ni Neri. Kahit kelan talaga 'tong mga 'to.

"Pinapatawa ka lang eh." sabi ko at inakbayan siya. Umakbay na rin sa kanya si Neri.

"Wag na muna nating pag-usapan ang nakaraan okays ?" sabi ni Neri habang tinataas baba ang mga kilay niya.

The Hokagirls ❤ #Wattys2016Where stories live. Discover now