Ayesha's POV
"Hi mga besh. Ano gala tayo mamayang gabi ?" pambungad na tanong ko sa dalawa na ngayon ay sobrang busy sa pagbabasa ng mga libro.
Tiningnan nila akong dalawa na para bang may nasabi akong masama. Wala naman atang mali dun sa sinabi ko noh ?
"Seriously ? Di mo alam na next week na ang Midterm Exam Yesha ?" nakataas ang kilay na sabi ni Shy. Talaga ba ?
Nag-isip ako ng malalim, "Hala ! Oo nga noh ? Buti nalang pinaalala mo hehe." tumawa ako ng pa-cute. Ang seryoso ng dalawang 'to. Umupo na rin ako sa tabi nila at nagbukas ng libro.
Tumingin na naman silang dalawa sa akin. Ano na naman ba ? May nakalimutan ulit ako ?
"Nag-aaral ka sa lagay na 'yan ?" pagtataray ni Neri.
"Oo naman." masiglang sabi ko at ngumiti ng napakalapad.
"So may subject na palang 'How to Seduce my Crush' ngayon ?" nanlaki ang mga mata ko at tiningnan agad ang librong nakuha ko sa bag. Oo nga naman, aish !! At nakabaligtad pa talaga -,-
Siningkitan nila akong dalawa. Sorry naman.
"Hehehe sorry na guys." at nag peace sign nalang ako. Kumuha ako ng ibang libro sa bag ko at nagbasa. Pero sa totoo lang wala naman talagang pumapasok sa utak ko eh. Ang iniisip ko ngayon paano ako gagawa ng move para hindi na talaga ako iwan ni Bebe ko. Aish, grabe kaya 'yong ginawa niya sakin nung isang linggo -,-
"Mga besh ? Ano ba ang gustong-gusto ng mga lalaki na gift ?" tiningnan ko silang dalawa pero parang di nila ako narinig. Why so serious ha ?
Nagbasa nalang ako ulit. Nakakabagot talaga ang mag-aral -,-
"Mga besh ? Eh surprise kaya ? Bebenta ba 'yon sa kanya ?" tiningnan ako ni Neri na parang gusto na niya akong saksakin. Jusko naman !!
Umiling-iling ako at ibinaling ang atensyon ko sa librong hawak ko. Gusto ko nang maiyak huehue ang tahimik eh. Parang wala akong kasama huehuehue.
"Mga besh ? Dalhin ko kaya sa hotel ? Maganda ba 'yon ?" pinandilatan naman ako ni Shy ngayon.
Grabeng torture na 'to ha. Nakakainis na.
"Eh ? Paano pag ang gift na binigay ko ay ang bataan mga besh ?" ngumiti ako ng napakalapad.
"What the fudge Yesha ! Get a life !" Shy yelled at me and walked out.
"Don't you dare Yesha or I'm going to kill the both of you." sabi niya at pinandilatan ako. "Ang ingay mo kasi eh." she yelled at me and walked out too.
"Thank you beastfriends !! Napaka caring at loving nyo." pahabol na sigaw ko sa kanilang dalawa. Aish !! Iwanan ba naman ako ? Big deal ba talaga ang Midterm ha ? Ano ba kasi 'yon ?
Napakamot nalang ako sa ulo at umalis na rin ng cafeteria. Habang naglalakad ako papunta sa kung saan may nakakasalubong akong mga students na parang may nirereklamo. At the end of the hallway nakita ko ang mga nagkukumpulang students na may tinitingnan sa bulletin board. Ano kayang meron ?
"Ah eh excuse me ?" sabi ko pero imbes na padaanin ako tinulak pa ako palayo. Wtf !
Pasensya lang Yesha, pasensya. "E-excuse me Ate. Excuse me Kuya." pero di pa rin sila nadala at dinambahan lang ako ng mga pangit na 'to -,- Ginagalit nyo talaga ako ha !!
"Ang sabi ko EXCUSE MEEEEEEEE !!!" I shouted at the top of my lungs kaya napatingin sila lahat sakin. Bigla nalang nahati ang mga students giving me way to the bulletin board. Gusto pa yata nilang makita ang napakalakas na shakra ko eh.
YOU ARE READING
The Hokagirls ❤ #Wattys2016
Fiksi RemajaI never wished for you to respond with my i love you's, I just wanted you to hear it. I never wished for you to payback my efforts, I just wanted you to see it. And I never wished for you to love me back, I just wanted you to notice me. - Hokagirls ❤
