Ayesha's POV
Nilapitan ko si Marguex na nakaupo ngayon sa bleachers.
"Hmm hi ? Ah eh, may request sana ako kung pwede ?" tiningnan niya ako at nanlaki ang mga mata niya na para bang nakakita siya ng multo.
Ang ganda ko ba ngayon ? Char alam ko na yan eh 'le flips hair'.
Magsasalita na sana ako ulit pero may biglang umubo sa likuran ko. Paglingon ko, oh my gulay !!
Haays , bakit ba ang gwapo ng nilalang na 'to ? It's like everytime I see him I'm falling inlove with him even more.
"Can I excuse Marguex now ? Magpa-practice na kami eh." he said and grabbed Marguex hands.
Teka parang may mali. Wait ?
Nilingon ko ulit silang dalawa na ngayon ay may hawak nang tig isang bola. Argh !!!!
Nagdilim ang paningin ko habang nakatanaw sa kanilang dalawa ngayon. Nakakayamot !! At 'yong bruhang 'yon naman ang landi !! Hinahawakan na nga siya sa bewang ngumingiti lang ? Gustong gusto rin niya 'yong ginagawa nila noh ? Ang sarap isilid sa sako eh tsaka itapon sa dagat ! Aish -,-
"Haha baka mamatay na si Marguex nyan Yesha. Kung makatingin ka sa kanya parang gusto mo nang pumatay ng tao eh." umupo si Denver sa tabi ko.
Tumawa pa siya habang nakatingin sa akin. Ano bang nakakatawa sa mukha ko ? Ginawa pa akong clown ng lokong 'to.
"Aish! Nabibwiset ako sa babaeng 'yan ! Ang sarap nya sabunutan."
"So ? Dito ka nalang ? I heard may gusto si Marguex sa akin eh. Asan na 'yong hokamoves mo ?" tiningnan ko siya at nag taas baba pa ang mga kilay niya habang nakangiti ng nakakaloka.
Hmm ? Magkasundo talaga kami ni Denver kahit kailan.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko ?" tanong ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot at humalakhak nalang. Hahaha that's the answer to that.
Let's rock it on bebe !
Nag apir pa kami ni Denver bago kami bumaba ng bleachers.
Sa totoo lang hindi na naman namin kailangan pang mag practice eh kasi si Denver kasali siya sa basketball team at two consecutive years na rin siyang tinanghal na MVP ng school at kahit sa mga inter-school competitions. Samantalang ako naman natuto akong mag basketball nung high school ako. Sumali ako ng Basketball Girls category nung Intramurals namin kaya kampante akong kayang-kaya ko 'yan.
Lumapit kami ni Denver sa ring kung saan nagpa practice sina Bebe Kervs ko at 'yong malanding Marguex na 'yon.
Sinadya naming isang bola lang ang gamitin para mas may effect ang plano namin. Bwahahaha !
Nasa likod ko ngayon si Denver habang hawak-hawak niya 'yong kamay ko para ituro sakin kung paano ba ang saktong paghawak ng bola at ang tamang posisyon para mag shoot. Nakailang shoot ako sa ring pero sinadya ko rin na hindi ipasok ang mga 'yon. Kaya mas lumapit si Denver sakin, isang maling galaw ko lang at mahahalikan na niya ako. Magkalapat na nga ang mga pisngi namin sa sobrang lapit.
Nasa harap naman namin sina Bebe Kervs at Marguex kasi nagpapahinga na sila. Pasimple lang naming tinitingnan si Marguex at halatang naiilang ito na tingnan kami. Samantalang ang Bebe Kervs ko naman, ayan naka poker face lang. Wala man lang reaction -,- Anebeyen !
Effort na effort na nga kaming dalawa ni Denver para mapaselos silang dalawa pero mukhang kay Marguex lang nag effect 'yong plano. Aish.
Ano bang kailangan kong gawin ? Aha ! *light bulb effect*
YOU ARE READING
The Hokagirls ❤ #Wattys2016
Roman pour AdolescentsI never wished for you to respond with my i love you's, I just wanted you to hear it. I never wished for you to payback my efforts, I just wanted you to see it. And I never wished for you to love me back, I just wanted you to notice me. - Hokagirls ❤