Chapter 4

31 5 0
                                    

Jake's POV

Bwiset talaga ang babaeng 'yon. Kailan ba nya ako titigilan ha ? Ang sarap talagang palandingin sa mukha niya 'yong kamao ko eh. Maswerte lang talaga sya at babae sya. Kung hindi, ewan ko nalang kung saan sya pupulutin.

Isang linggo na rin siyang parang stalker ko. Sunod dito, sunod dun. Nakasunod lang palagi na parang aso. Kulang nalang dogtag -,-

Nakakayamot talaga !! Ang sarap niya bigwasan !!

"Jake ?" napalingin ako sa biglang tumawag. Si Marguex lang pala. Simula kasi nung nagka pair kami sa P.E. naging close na kami. Pero wala namang issue kasi may boyfriend na si Marguex, nasa ibang bansa nga lang. Napaka loyal nga eh.

"Can I take this seat ?" sabi niya na nasa harapan ko ngayon habang dala-dala ang tray niya. Tumango nalang ako kasi puno na 'yong bibig ko sa kakasubo ng lasagna.

"Dahan-dahan nga Jake baka mabulunan ka. Naku gluttony is a sin pa naman." saway niya sakin kaya napainom na rin ako ng tubig.

"Napaka God-fearing mo naman. Haha !" tumawa ako pero mahina lang, iniiwasan ko kasi 'yong babaeng parang aso. Kilala nyo na kung sino 'yon.

"Ganyan talaga lalo na pag maganda." sabi nya sabay hagikhik. Ang cute nya pala talaga.

Nagkwentuhan lang kami ni Marguex, pag napapalakas nga ang tawanan namin napapalingon ang ibang students na nasa cafeteria. Pero hindi na rin namin sila pinakialaman. Kung anu-ano nalang 'yong nagiging topic namin. Nalaman ko rin na galing sya sa isang broken family, 5 years old sya nang iwan sya ng mama niya sa ampunan. Buti nalang at nahanap sya ng papa nya. Akala nya magiging masaya na siya pero hindi pa rin pala. Nag asawa ng iba ang papa niya at nagkaroon agad sila ng anak. Hindi naging maganda ang pakikitungo ng second mother niya pati na rin ang half sister nya sa kanya. Kaya nang mag 18 sya lumayas siya sa kanila at dahil nasa legal age na siya nakuha na rin niya lahat ng assets at pera na ipapamana sa kanya ng papa niya. Bumili siya ng sariling condo unit at nagsimula mag-isa. Nalaman ko rin na pagmamay-ari pala niya ang coffee shop na nasa tapat ng University. Grabe, namangha nga ako sa sobrang galing niya sa buhay. Akalain mong nakayanan nya yon ? Grabe hands down na talaga ako sa babaeng 'to.

"Maiba ako, matagal mo na bang kilala 'yong Ayesha na 'yon?" tanong ko sa kanya.

Bigla siyang nabilaukan kaya inabutan ko agad siya ng tubig. "Sorry nabigla yata kita. Wag mo nalang sagutin." paghihingi ko ng pasensya.

"Ano ka ba okay lang noh. Hahaha nagulat nga ako kasi bigla ka nalang nagka interes kay Yesha. Eh ang akala ko galit na galit ka sa kanya." sabi niya kaya nagkibit-balikat nalang ako.

"Okay, so ganito kasi 'yan. Si Yesha, kilala ko na yan since nag first year kami dito sa University. She came from a very well known family here in the Philippines. Hawak nila almost all companies na matatayog na nakatayo dito sa Pilipinas at kahit na sa ibang parte ng mundo. Pati 'yong mga kaibigan niya they all came from prestigious names of families. Sobrang tahimik lang yan si Yesha, I tell you. Pero dahil siguro sa atensyon na nakukuha nila sa ibang mga students dito kaya naging ganyan sila. Hindi ko naman masasabi na lumaki ang ulo niya kasi super down to Earth pa rin 'yang si Yesha.." down to Earth ba 'yon ? Tsaka tahimik ? Ewan ko nalang, parang wang-wang nga 'yon ng ambulansya sa sobrang rindi eh.

"Tsaka super saya niya kaya kasama. Hindi mo lang siguro napapansin kasi sobra yang pagkayamot mo sa kanya. And from what I've seen she surely does like you." nagpatango-tango nalang ako. Obvious naman eh, parang linta nga kung makakapit sakin 'yon.

"Basta. She's nice that's it. You just have to appreciate her and stop pushing people away because people aren't going to bounce back again like a yoyo, sometimes they'll leave coz they already realized their worth. " tapos inubos na niya ang order nyang vegetable salad.

The Hokagirls ❤ #Wattys2016Where stories live. Discover now