GZ 16

1K 35 12
                                    

Chapter 16

Stacy Cyen's POV

Damn! Bakit sa dinami-rami ng bahay na pwede nilang pagtirhan ay yung bahay pa namin?! Anu ba ang naisipan ni Dad at inaprubahan ang pagtira-tira sa iisang bahay na 'yan?!

Oo, sa bahay namin sila titira kaya nung mga nakaraang araw, di kami magkandaugaga nila Millicent sa pag-aayos ng bahay!

Nandito kaya yung mga proweba na kami ang Devilish Gang! Nakakalat lang kasi yung mga gamit namin e. Lahat ng mga gamit na magbibigay motibo na kami ang Devilish Gang, tinago namin sa isang box then pinad-lock namin.

Mahirap na noh! Mahuli pa kami! Edi nagkanda leche-leche na? Mabuti nang sigurado!

Ngayon na sila lilipat dito sa bahay. Nilinis pa kaya namin 'to! Nasakto kasing day-off ng mga maids namin. Kaya ayun! No choice kami kundi maglinis. Ang laki-laki pa naman neto! 

At buti na lang natapos na kami. It's 10:30 am at nandito kami sa sala kasama nila Millicent. Si Maddison, kumakain ng cake. Si Millicent, nagta-tablet. Si Chadwick, nagsa-soundtrip. At ako nanonood ng T.V. Sina France, kinuha na din yung mga gamit nila. After kasi nung 2 days stay dito nila galing airport, lumipat na sila sa dati naming bahay kung saan nandon din sina Mommy at ang maldita kong kapatid na si Bryce. Naalala niyo pa yung bahay na 'yon? Yung dati naming tinitirhan nila Millicent bago kami lumipat dito?

*dingdong*

Lumapit si Maddison sa pinto at binuksan ito.

"Hi, babe *wink*" salubong ni Jared kay Maddison pagkabukas na pagkabukas niya pa lang ng pinto. Nandito na sila.

Kaya itong si Maddison ay umasim ang muka.

"Babe ka diyan?! E kung pinagsasapak at tinatadtad kita ngayon?!" bulyaw sa kanya ni

"Tinatadtad ng ano? Tinatadtad ng halik? Aba! Game ako diyan!" sabi ni Jared

"Pakyu" Maddison's middle finger salutes at Jared

"Hoy--

"Hey! Enough! Hindi niyo ba kami papapasukin ang init kaya dito sa labas. Masusunog ang balata ko!" reklamo ni Lexie

"Paki namin sa balat mo? Lumayas kayo! Di kayo welcome dito" sabi ni Millicent at isasara na niya sana ang pinto kaya lang binuksan niya ulit ito saka hinila sina Gail, France, Mikee, at tsaka yung 5 pa naming mga kaklase. Then binagsakan niya ng pinto sina Jared. 

"France, pumunta na lang kayo sa kwarto niyo. The, hatid niyo na lang silang lima sa mga kwarto nila. Di naman kayo ahihirapan kasi may number naman yung susi ng kwarto nila e. Feel at home huh?" sabi ko sa kanila. Tumango na lang sila.

Uupo na sana sina Madd at Mill nang biglang *blaaaagg*

Gangster Zone (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon