CHAPTER 1: THREAT

184 7 0
                                    

"Sorry Mam I'm late" yan lang ang nasabi ko pag pasok ko sa room, late na kasi akong dumating first class pa naman.-_-

"Okay class I'm Mrs. Sheila Veronica, ako ang magiging Adviser nyo sa taong ito"yan ang narinig ko habang naglalakad sa pinaka likod ng room,naghahanap ng mauupuan.

"Hi ako nga pala si Bea dito kana umupo sa tabi ko"sabi ng magandang babae na pamilyar ang mukha sakin.

"Auh segi salamat, ako nga pala si LJ"pagpapakilala ko sa aking sarili.

Nagkwentuhan kami ng mga bagay-bagay na walang connection sa leksiyon ni mam hanggang matapos ang klase.

"Tara sumama ka sakin ipapakilala kita sa mga kaibigan ko na kaklase natin" sabay hatak sa kamay ko papunta sa kaibigan niya.

"Hey guys si LJ nga pala kaklase natin,LJ sina Rens,Megan,Amyl at Josh mga kaibigan ko".

Sa unang tingin ko kina Rens at Josh meron na akong masamang kutob,parang di ako kumportable sa dalawang ito. Pero kina Megan at Amyl parang masaya silang kausap.

"Wag mong aagawin si Bea sakin bro". Sabi ni Rens na mukhang naghahanap ng away.

"Ohhh anong ginawa ni LJ sayo na uminit agad ang ulo mo diyan"? Taray na tanong ni Megan sabay flips ng hair.

"Oo nga! Bakit tayo ba"?. Taray na dugtong ni Bea.

"Malapit na..." Sabay kindat ni Rens.

LJ's P.O.V

Sa araw na yun alam kong galit si Rens sa akin...dahil kasama ko ang crush niya buong maghapon ang bilis niya mag selos eh di naman sila.pero wala pa sa isip ko na mag ka gf study first kasi goal ko. Pero tatlong araw ang nakalipas nagsimula ang pambubully ni Rens sakin.

Sa labas ng School

"Huy ikaw ginagalit mo talaga ako nu? Sa akin nga si Bea naiintindihan mo ba yun?!" Sabay suntok sa kaliwang braso ko.

"Di ko naman ina agaw si Bea sayo auh at bat mo talaga ako sinuntok malaki ba kasalanan ko sayo"?! Pasigaw kong sinabi sa kanya.

"Auh basta pag nakita kitang kasama si Bea bukas malilintikan ka sakin". Pagalit niyang sabi.

"Subukan mo pre. You don't want to see me angry".Sabay tulak sa kanya palayo sakin at tumakbo ng mabilis.

Habang naglalakad pauwi sa bahay naisip ko kung anung pwede magawa ni Rens sakin bukas.

BTW I'm LJ Panganiban. Isa akong mabuting estudyante. Wala na akong magulang at kapatid na babae na lang ang may meron ako.

"I'm home" sabay upo sa sofa.

"Nakapagluto kana ba ng hapunan Kara."?..pagod na pagod
kong pag sabi.

"Oo kuya, kumain kana lang diyan mag-aaral pa ako ng aralin".

Yan si Kara kapatid ko na masipag at matalino pero wag ka matapang yan at suplada.

Rens P.O.V

Humanda ka sakin bukas LJ pag nakita kitang inaagaw sakin si Bea malilintikan ka talaga sakin, matoto ka sanang lumugar.Bago ka lang dito di mo pa kami kilala.

Kinaumagahan

"Hey, LJ papunta kana ba sa school? Sabay na tayo"? Tanong ni Amyl habang papunta sakin.

Actually malapit lang ang bahay ni Amyl sa bahay ko. Kaya nakita niya ako naglalakad papunta sa school

"Oo Amyl, pero may dadaanan lang ako mauna kana". Sabi ko habang naka ngiti.

"Segi pero bilisan mo malapit na nag Simula klase natin".

AMYL'S P.O.V

Saan kaya pupunta si LJ malapit na mag Simula first class namin auh.

Habang naglalakad ako nakita ko si Rens na binubully nanaman si Josh. Kawawa naman siya sunudsunaran na nga siya tapos binubully pa. Ang sama talaga ni Rens dapat matuto siya ng leksiyon, para matigil na ang pang gugulo niya.

"Huy Rens tigilan mo nga yan!" Sigaw ko sa kanya.

"Magsama kayong dalawa!!"
Ganti ni Rens sa pag sigaw ko

Nakita ko na lang si Josh na puno ng dugo dinala ko agad siya sa clinic.

LJ's P.O.V

alam ko na kaya akong saktan ni Rens. Kaya dito na lang ako dadaan sa likod ng school. Hindi naman na natatakot ako sa kanya umiiwas lang ako sa gulo.

"Huy" parang lalabas ang puso ko nang narinig ko ang sumigaw,pag lingon ko si Bea lang pla.

"Ohh nakakagulat ka naman bakit ka nandito"?

"Ikaw bat sa pader ka dumaan? eh ang laki laki ng gate sa harapan?" Tanong niya.

"Iniiwasan ko si Rens baka kasi mag away lang kami".sagot ko.

"Tara na nga malelate na tayo".biglang dugtong niya sa sinabi ko.

At pumunta kami sa Room na magkasama. Nang pumasok kami nakita ko agad si Rens at Dean na parang nag aapoy ang Mata nila sa galit.

Si Dean at si Rens ay mag best friend,sila ang palaging may sala kapag may away at kaguluhan na nagaganap.

Ren's P.O.V

"Patay ka ngayun pare di ka kasi nakikinig eh.magkita na lang tayo sa labas ng room". Yan ang pumasok agad sa isip ko.

Tinignan ko si Dean parang handa na siya sa gagawin namin.
------------------------------------------------------

Author's Note.

Hey guys sorry medyo maikli nagsisimuli pa lang kasi dumaloy ang story sa utak ko hehe Sana magustuhan nyo ang first ever story na ginawa ko sa wattpad😊. Votes and Comments ay talagang maaapreciate ko.


A Killer In A SectionWhere stories live. Discover now