Chapter 2

129 9 0
                                    

JESS' POV

Saturday ngayon. Yay! No classes. Buti naman -_-

Ay oo nga pala! May game ngayon ang juniors sa basketball. Hmm.. pupunta ba ko o hindi? Since varsity player si Vince, I think pupunta ko! Mehehehehe.

Tinext ko si Aldrin. Magpapasama ako sa kanya. Ayoko namang pumunta magisa nuh.

To: Aldrin 

"Hi bestfriend! Favor? Pwede mo ba kong samahan sa school? May game ngayon yung juniors! Gusto kong manood. Samahan mo ko? Pleaseee. Thankyou! xoxo"

Nasend ko na yung message. 

Maya-maya, tumunog yung cellphone ko.

Aldrin calling....

Kinuha ko yung phone ko at sinagot ko kagad.

"Hi bes!"

"Oh? Ano na naman yung trip mo ha?"

"Samahan mo ko!"

"Kakagising ko lang! Tinatamad ako."

"Ano ba yan! Ngayon lang eh"

"Ayoko,"

"Please! Ngayon lang talaga to."

"Bakit ba? Bakit gusto mong manood ng game? Eh dati naman wala kang kainteres-interes jan."

"Dati yun! Ngayon di na! Kasi.. alam mo na! Andun si ano! HAHAHA."

"Sus. Yung syokoy na naman."

"Whatever! Basta samahan mo ko ah! Thanks! Mwah!"

Call ended.

Kinuha ko yung towel ko at pumunta sa cr. Naligo na ko at pagkatapos nagbihis ako. Sinuot ko yung fitted blouse with a pair of dark wash fitted flare leg jeans and wedge flip flops ko. 

Pagkabihis ko, sakto may nagdoorbell. Bumaba ko para tignan kung sino. Nakita ko si Aldrin na nasa gate. Kinawayan nya ko. Binuksan ko yung gate.

"Alis na tayo?" sabi nya.

"Osge." Lumabas na rin ako at sumakay sa kotse nila.

Pagdating namin sa school, andun yung iba naming classmates. Nagpapractice yung mga cheerleaders tas nagwawarm-up yung mga varsity.

Nakita ko si Vince. Seryoso siya sa pagwa-warmup.

Shemay. Ang hot niya tignan. Yung pawis na tumutulo sa gwapo nyang mukha at sa biceps nya! *u* Charot! Hahaha. Shems. Ang hot nya talagaaaaa. 

Pero napansin ko lang.. tingin siya nang tingin sa mga cheerleaders.

"Aldrin, alam mo napapansin ko si Vince tingin nang tingin dun sa mga cheerleaders."

"Oh tapos?"

"Wala, pansin ko lang."

"Nagseselos ka?"

"Medyo."

"Sus. Bakit kaba kasi umaasa jan eh di ka naman mapapansin nyan! Saka andito lang naman ako oh," pabulong nyang sabi.

"Ano?"

"Wala. Nevermind."

"Tss."

Hay nako. Ito talaga si Aldrin! Magsasalita pero pabulong. Pano kaya maririnig. Tss.

After few minutes, nagsimula na yung game. Hindi pa nangangalahati yung oras, ang  dami nang score ni Vince. Parang nagpapakitang gilas sya. Ajujuju.

Try HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon