Chapter 1

170 7 4
                                    

JESS'S POV

Nandito na ko ngayon sa Manila. Nakakalungkot. Wala man lang akong kakilala rito. Haaaay nagsisisi talaga ko kung bakit pumayag ako sa gusto ni dad na dito 'ko mag-aral! Miss na miss ko na yung mga friends ko lalo na si Aldrin. Haaaay.

*FLASHBACK*

Sniff sniff..

Lumapit sakin si Aldrin habang nakaupo ako sa bench. Nakayuko lang ako. Kaya nakaharang yung mahaba kong buhok sa mukha ko.

"Umiiyak kaba?" tanong sakin ni Aldrin.

"Oy!" hinawi niya yung buhok ko sa mukha ko.

"Ayos ka lang? Bakit ayaw mong magsalita diyan?"

Tumabi siya sakin at tinignan yung mukha ko. Hinawakan nya yung pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

"Oy. Umiiyak ka?"

Nakayuko parin ako. Di ako sumasagot. Kaya niyakap ko nalang siya. Umiiyak parin ako. Tumutulo yung luha ko sa polo nya.

"Jess? Ano bang nangyari? Sabihin mo naman sakin oh."

Hindi ako sumagot. Yakap-yakap ko lang siya. Pero inalis niya yung yakap ko. 

"Ano ba kasing problema? May nangbully ba sayo? Sino? Sinong nagpaiyak sayo?! Bubugbugin ko yun!"

Di parin ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya.

Kinuha niya yung gitara niya at tumingin sakin.

"Hmmm.. gusto mo kantahan kita?"

(Aldrin singing Tadhana by Up Dharma Down)

Sa hindi inaaasahan

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong,

Damang dama na ang ugong nito

Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding hindi ko ipararanas sayo

Ibinubunyag ka ng iyong mata

Sumisigaw ng pag-sinta

Kinakantahan ako ni Aldrin ngayon. Ang sweet talaga nitong bestfriend ko eh, ang gwapo pa lalo na pag kumakanta. Kaya ang daming nagkakagusto dito eh. Ewan ko nga lang kung bakit ni isa wala siyang pinapansin.

Bakit hindi pa patulan

Ang pagsuyong nagkulang

Tayong umaasa

Hilaga at kanluran

Ikaw ang hantungan

At bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip saýo

Si Aldrin. Siya na ata ang sweetest and gentlest man I know. Isang kanta niya lang with matching gitara, napapangiti na niya ko.

"Okay kana?" tanong niya.

I smiled at him and said, "Thank you Aldrin!" 

I hugged him.

Habang kayakap ko siya, sinabi ko..

"Aldrin, thank you ah. Ikaw lang ganto sakin. Thank you kasi pag malungkot ako, lagi mo akong kinocomfort. Lagi mo akong pinapangiti.."

"Syempre naman! Mahal na mahal kita eh!"

Huh? Mahal na mahal niya ko? O__O

"A-ano?"

Try HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon