Chapter 11

41 5 2
                                    

JESS'S POV

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasauli kay Vince yung diary niya. Hahaha. Ang sarap kaya basahin nang paulit ulit yung mga sinulat niya! Hays. Eh kaso, pano 'to? Pano ko to sasauli sa kanya?  Pano ko masasabing ako yung nakakita ng diary niya!? Tutal nagsabi naman na siya ng totoo sakin.. sa tingin ko dapat ko na rin sabihin sa kanya yung totoo.

Cafeteria...

Eto na naman tayo sa palengke! Waah! Takte, san naman kayang lupalop napunta yung Vince na yun?

"Hinahanap mo ba ko?" Ay asong kinabayo! What the?!

"Bakit ka ba sulpot ng sulpot?! Nagulat ako sa'yo!"

"Haha, sorry naman! Hinahanap mo 'ko noh?"

"Asa! Naghahanap lang ako ng vacant table!"

"Sus," Ugh! Ano baaa.

Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng vacant table kunwari. Pero sinundan pa rin ako ni Vince kahit san ako pumunta.

Nainis ako sa pagbuntot niya sakin kaya lumingon ako sa kanya at bigla namang nagkauntugan ang mga noo namin. "Ow!" sabay naming sabi.

"What?!" reklamo ko.

"Next time pwede kung gusto mong mapalapit sa mukha ko, magpaalam ka, hindi yung pabigla-bigla ka, nauntog ka tuloy. Tsk!" Sabi niya naman.

"Asa ka namang interesado ako sa pagmumukha mo!"

"Nainlove ka nga sa'kin dahil dito e?" Sabi niya habang nakalip-bite. Aba'y sine-seduce pa 'ko ng lalaking ito!?

"Kwento mo sa pagong! Hays! Bat ka ba sunod ng sunod sakin ha?!"

"Wala lang, masama?"

"Oo---- ay!" Shet! Gwapong nilalang! Oops, malandi alert! Bigla kasing dumating ang kaibigan ni Vince na ang pangalan daw ay Red.

"Hey Red!" Sabi ni Vince habang lumalapit sa kaibigan niya at nakipag-apir.

"Hey Dom! Sup?" Dom? Nickname niya ba yun?

"Nothing, ikaw? Musta?"

"Hah! Ito, ayos lang! So, san nga pala venue ng party mo pre?" Ow? Party? Ay oo nga pala-----!

Napatingin saking bigla si Vince at binulugan yung kaibigan niya. Hey! What was that look for?

So naalala ko na.. birthday ni Vince tomorrow. Well, hindi naman kami ganun kaclose kaya siguro di niya ko iniinvite?! Psh. (Author: Wow ha! Di pa kayo close sa lagay na yan?!)

Hays. Eh bakit di niya sinasabi sakin? Although alam ko naman talaga kung kelan ang birthday niya... but still, hindi niya ako iniimbita sa birthday niya. How rude!

"Sige, we have to go." At pagtapos nun ay umalis na sila at kumaway si Vince sakin. Pati na rin si Red.

Kfine, that's better. Tahimik na uli ang mundo ko.

Umorder ako ng burger at ng pepsi at saka umupo sa table. Kinagat ko ang burger na hawak hawak ko at napaisip na lang ako bigla dun sa birthday ni Vince. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako iniimbita. Wala lang, parang... ewan? Galit ba siya sakin? O baka naman pinaglalaruan niya lang ako? Baka nagbibiro lang siya nung nagconfess siya sakin. Alam mo naman yun. Eh kaso, ano yung sinabi ni Pauline? Hindi naman siguro nanloloko yun si Pauline, ano? Kaso bakit... ugh! Whatever! Parang... ang gulo? Hindi lang pala parang. Magulo talaga.

Uwian na nun at wala akong kasabay. Ni wala man lang akong nakitang kahit anino lang ni Vince. Wala talagang pakelam sa nararamdaman ko e noh. Hays. Bahala siya! Sa totoo lang, ang gulo gulo na talaga. Inaamin ko, I am completely inlove with him already. But, anong nangyayari ngayon? Ano 'to lokohan? Nakakatampo talaga! Di man lang siya nanginvite sa birthday niya.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso lang kagad ako sa kwarto ko at nagbasa sa Wattpad. Well, my usual hobby. Reading or sketching. Pampawala naman ng bad vibes! Hays. Sana man lang makaalala siya.

~*~*~*~

Author's note:

Hey guys! So sa nakikita niyo, medyo nagiging clear na yung story. Inlove si Jess kay Vince. Si Vince rin naman, nasabi niya na rin yung totoo niyang nararamdaman kay Jess. But there's one more thing that we still have to clear! Aldrin's love life! Hehe, sure ako yung iba nagtataka kung bakit bigla na lang umuwi si Aldrin sa province. Oh well, abangan niyo nalang sa next chapter!!! Hahaha. Pasensya na po ah, sobrang plain ng story. First story ko pa lang ito. HAHAHA. Minsan nga lang nakakaalog ng utak! Haha. XD sa totoo lang talaga may pinanghuhugutan ako sa story na to eh. Pero ayoko ng hugutin yung topic pa na 'yon sa inyo! Hahaha. So yun, the next are the last three chapters!!! Sana basahin niyo pa rin. XD SALAMAT PO! xoxo

>>>>Chapter 12 TEASERRRR! (Tuhhhray, may teaser. XD)

"Oh, bakit ka nandito?! Diba kinalimutan mo na ko?!"

"Sa tingin mo ba, pupunta ako dito kung kinalimutan na kita?"

"Kung may lakas lang sana ako ng loob para sabihin lahat ng nararamdaman ko, kauna-unahan sa listahan ang "naiinis ako sayo"!"

To be continued...

Try HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon