Chapter 5

114 7 2
                                    

(A/N: Hello! Ito na po ang chapter 5! Dito na po malalaman ni Jessica ang feelings ni Aldrin para sa kanya! Ano kayang mangyayari sa kanilang dalawa? Magpapatuloy pa rin ba ang friendship nila? O mapuputol ito dahil magkakagusto sila sa isa't isa?)

ALDRIN'S POV

Ilang araw rin ang lumipas na di ko nakita si Jess. Kamusta na kaya yun? Ano kayang nangyari habang magkasama sila ni Vince?! Argh! Hanggang ngayon naiinis pa rin ako! Bat kase kailangang yung mga teachers pa yung pumili ng mga magkakapartner eh! May karapatan din dapat kami! Haist!

Since Lunes ngayon, may pasok na naman kami. Kahit tinatamad ako, okay lang! Basta makita ko lang si Jess, solve na ko!

Pagkadating ko sa school, pumunta kagad ako sa bench. Nakita kong andun rin si Jess, nagsusulat siya sa journal niya.

"Hi Jess!" Bati ko.

"Oh hi?!" Bati niya naman sakin.

"Kamusta?"

Sinara niya yung journal niya at tinakpan ang ballpen niya saka Tumingin sakin.

"Ummm.. Okay lang ako, ikaw?"

Nung sumagot siya sakin, ang tamlay niya. Parang di to normal sa kanya ah.

"Ayos lang ba pakiramdam mo?" Hinipo ko ang noo niya. Wala naman siyang lagnat.

"Umm... Sa totoo lang, medyo nahihilo ako." Sagot niya.

"Ganun ba?! G-Gusto mo dalhin kita sa clinic?"

Naku naman Jess! Kung nahihilo ka pala bakit ka pa pumasok! Nakng. Pasaway talaga to. Pero mahal ko parin siya. O siya, baka mahilo pa lalo tong si Jess. Dalhin ko na nga siya sa clinic!

"Jess! Tara na! Dalhin kita sa clinic!"

Nung una medyo nag-aalinlangan pa siya pero tumayo rin siya.

Pagkadating namin sa clinic, may isa ring lalaking nakahiga sa clinic bed. Pinahiga ko rin muna si Jess sa kama.

"Anong problema sa kanya, hijo?" Tanong nung nurse.

"Umm.. Medyo nahihilo daw po kasi siya. " Sagot ko naman.

"Ah ganun ba. Sige papahingahin mo muna siya jan... Ay oo nga pala, Pwede ka ba munang mag stay dito for a while? Be right back. "

Tumango nalang ako. Kahit naman di niya ko sabihan babantayan ko parin si Jess. Kahit magskip muna ako ng class.

Umalis na yung nurse. Tinitigan ko si Jess habang natutulog.

Maya-maya, may tumawag sakin.

"Hoy, bat ka nandito?" yung lalaking NASA katabing kama.

Teka, si Vince pala to?! Nadagdagan pa ang rason para magstay ako! Hah! Di ako papayag na magisa dito si Jess kasama yung syokoy na to!

"Bakit may problema kaba?" nilingon ko siya sa likod.

"Oo. Wala ka namang sakit tas andito ka? Ano ka decoration dito? Sorry masyado na akong gwapo para sumingit ka pa," pang-aasar niya pa.

Aba! Sumusobra na tong syokoy na to ah! Inaagaw na nga niya sakin si Jessica tas magyayabang pa!? Di naman ata pwede yun! Masyado na siyang sakim! 

"Hoy Vince! Problema mo ba?! Binabantayan ko si Jessica kaya wala ka nang pake dun!"

Tumayo siya bigla.

"Bakit?! Wala bang nurse dito na magbabantay?!" sabi niya. Tinataasan nya pa ako ng boses.

"Wala! Nakiusap pa nga yung nurse kanina na bantayan ko si Jess kasi aalis muna siya! Kaya wag kang mayabang jan!"

"Edi ako! Ako na magbabantay! Alis na!" 

Try HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon