Sarah, Ang Munting Maldita.

18 0 0
                                    


"Clark, buntis ako. At ikaw ang ama." Bungad ko sakanya ng magkita kami sa isang isolated na parke.

"Ano?!" Gulat niyang tanong.

"Buntis ako." Paguulit ko.

"Hindi pwede."

"Anong hindi pwede? Teka lang ha! Sa pagkakatanda ko ang sinabi mo saakin nung gabing may nangyari saatin na kaya mo akong buhayin nang itanong ko sayo na baka mabuntis mo ako! Eh ang tigas din pala ng mukha mo eh! Ano?! Hindi mo to pananagutan?! Ginawa gawa mo! Tapos itatapon mo lang ng parang basura?!"

"Sarah hindi to pwede. Magagalit ang mga magulang ko. At pag nalaman nila to! Tatangalan nila ako ng mana."

"Ah ganun?!"

Naghanap ako ng matigas na bagay sa paligid. Nakakita ako ng kahoy na malapad at pinalo ko ito sa ulo niya. Ang kapal ng mukha niyang buntisin ako! Tapos hindi niya rin naman ako pananagutan! Tigas ng mukha niyang hayop siya!

"Aray! Ano ba Sarah!"

"Aray?! Kulang pa yan, hayop ka. Ang kapal ng mukha mo!"

Bigla siyang tumayo ay tumakbo sa kotse niya. Sa sobrang pagkainis ko, binato ko yung kahoy sa kotse niyang bwiset ang nagkaroon ng lamat ito.

"Hayop ka! Wag na wag kang magpapakita saaking hinayupak ka!" Sigaw ko ng tuluyan ng makaalis ang kotse niya.

Napaupo nalang ako sa bench. Bwiset siya! Napakahayop niya! Mana?! Lintek na mana yan! Puro nalang pera ang habol ng hayop na yon! Anong gagawin ko?! 16 years old palang ako pero buntis na ako! Hindi ako mapapatawad ng itay ko. Marahas kong pinunasan ang mga luhang patuloy ang pagtagatak sa pisngi ko. Bakit naman kasi naniwala ako dun sa hayop na yon! Ako tuloy ang naghirap. Bwiset na buhay to! Mabundol sana siya ng eight wheeler truck! Demonyo siya! Sana matuluyan na din pala yung Clark na yon!

Makatapos ng isang oras, napagpasiyahan kong umuwi sa bahay namin. Bumungad agad ang panganay kong kapatid na si Kara, nagbabasa siya ng libro sa sala namin. Hindi ko siya tinatawag na ate dahil isang taon lang naman ang agwat namin sa isat isa.

"Oh san ka galing?" Bungad niya saakin pagpasok ko ng bahay.

"Diyan lang." Kimi kong sagot.

"Napapansin ko lang ha. Palagi kang maputla nitong mga nakaraang araw. May problema ba?"

Ang dami namang sinasabi nito, hindi naman maganda. Inirapan ko siya bago magsalita.

"Bat ba ang daldal mo? Manahimik ka na nga lang. Napakadami mo pang satsat diyan eh."

"Okay." Kibit balikat niya.

Pumunta na akong kwarto ko, hindi ko pa kasi alam kung paano ko sasabihin sakanilang buntis ako. Ano nalang ang magiging reaksyon nila? Na ang bunso nilang anak na si Sarah ay nauna pang mabuntis kesa sa ate niya? Jusko! Kakalat to sa buong baryo! Napakadami pa namang imapaktitang hindi naman magagandang chismosa dito sa bayan namin. If I know, inggitera lang sila sa beauty ko, at pag nalaman nila to? Ay lagot na ang sandatahang Sarah. Masisira sila Papa pag nalaman ito. Eleksyon pa naman at tatakbo ulit si Papa bilang alkalde ng lungsod namin. Mapapatay ako non. Lintek!

Ano ng gagawin ko? Wala na akong nagawa kung hindi gawin ang Ninoy Aquino style sa 500 pesos. Ang mangalumbaba. Naiiyak nanaman ako. Peste kasing Clark yan. Mamatay na talaga siyang, gago siya.

"Nak." Pumasok si Mama sa kwarto ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko bago humarap at ngumiti sakanya.

"Mama."

"May problema ka daw sabi ng ate mo." Umupo siya sa kama ko.

Itong Kara na to maya maya lang sasapakan ko na to ng tela sa bunganga eh! Napakadaldal. Napairap nalang ako sa kawalan.

Sarah, Ang Munting MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon