Una

14 0 0
                                    

New Life

"Ay mother ako na!"

Alok ko dahil mukhang nabibigatan na siya sa dalawang tray na puno ng pinggang pinagkainan sa kaliwa at kanan niyang kamay.

"Nako, Sarah! Wag na. Dun ka nalang sa cashier." Tanggi ni Mother.

Lagi nalang kaming ganito. Lagi niyang tinatanggihan yung alok kong tulungan siya.

"Ano ka ba naman mother, ako pa ba? Kering keri ko naman eh! Saka sa tatlong linggo ko ba dito kelan ba ko nanghina? Malakas ata kami ng baby ko!" Sabay hawak ko sa tiyan kong medyo lumaki na ng bahagya.

"Ay nako! Kahit na! Buntis ka parin! Bumalik ka na doon Sarah. Sige na!"

"Sige po." Pilit na ngiti ang binigay ko kay Mother.

Bumalik ako sa cashier at nagintay ng mga magbabayad.

Tatlong linggo na ako dito. At masasabi kong mas masaya ako dito kumpara sa Questa Vida, bakit? Kasi doon napakadaming nang-iintriga saakin, dito feeling ko ang laya laya kong gawin yung mga bagay na gusto ko.

Nakilala ko na rin ang kapatid ni Mother na si Sebastian, Baste nalang daw kasi nakakapangit ang Sebastian. Cool daw kasi pag Baste ang nakakagwapo parang siya. Kapal din ng mukha nun eh! Pero may itsura siya, at mabait! Medyo may pagka aircon nga lang. Masyadong mahangin.

"Sarah!"

Speaking of!

"Oh Baste!" Bati ko pabalik.

"Sabi ni ate samahan daw kita mamaya magpa check up!" Ngiting ngiti niyang alok.

Check up? Yun ba yung pupunta ka sa doktor?

"Check up? Ay nako! Ayoko! Mahal yon diba? Wala naman ako sa probinsya para gumasta ng malaki eh. Wag na! Sayang pera." Tanggi ko. Nawala ang ngit niya sakanyang mukha.

Parang ewan lang eh.

"Ayaw mo bang malaman kung babae o lalaki ang baby mo?" Tanong niya. Umupo siya sa isang stool sa tapat ko.

"Buo na ba yon ng 1 month and 2 weeks?" Takang tanong ko.

"Tignan natin? Saka para malaman narin natin kung anong kaylangan sa mga nagbubuntis."

"Eh mahal nga! Saka, keri ko naman eh. Ang gusto ko lang naman palagi ay prutas diba? Oh? Ano pang kaylangan kong iba?"

Ayoko talaga ng ganun kasi sayang sa pera.

"Hay nako! Ang tigas talaga ng ulo mong babae ka!" Napakamot nalang siya sa batok niya.

"Makapagsalita ka naman diyan! Hindi ba pwedeng praktikal lang?"

"Anong praktikal? Pati sa baby mo praktikal ka parin?"

"Saka na pag nakaipon na ko. Paki sabi kay mother na salamat sa offer niyang maging alalay kita."

"Bahala ka nga diyan!"

Umalis narin siya sa harapan ko. Buti naman at napakadaldal ng Baste nayon! Sasapakan ko na ng medyas yon eh. Kala mo hindi lalaki kung makadaldal.

Mabilis lumipas ang mga araw, linggo at buwan. At ngayong araw na ito ay manganganak na ako.

Nakaramdam ako ng parang napunit saakin. Pag tingin ko sa baba ay pumutok na ang panubigan ko. Manganganak na ko!!!!!

"BASTE!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko ng malakas.

Malalalim ang paghinga ko. Ganito pala ang feeling ng mangangak! Masakit! Lesson learned! Wag magpabuntis ng maaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sarah, Ang Munting MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon