Chapter 2
Pregnancy Scare
Gusto kong maiyak sa nangyari saakin sa gabing yun. Ibinigay ko ang pagkababae ko sa isang lalaking nakilala ko sa isang bar! Ni hindi ko nga rin alam kong gumamit ba kami ng proteksyon o hindi. Kung hindi, hindi malayong...
Napatakip ako ng bibig ko at dali-daling tinawagan si Jack. She'll surely know what to do. Good thing, wala naman siyang klase kung kaya't pupuntahan din naman niya ako sa corridor.
"Star, okay ka lang ba? Ba't ka umiiyak?" Narinig kong saad ni Jack pagkadating na pagkadating niya sa puwesto ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala saakin at kahit na natatakot ako sa magiging reaksyon niya sinabi ko parin sakanya ang nangyari kagabi.
"Oh my god! Did you use protection?"
Napabuntong hininga nalang ako kung kaya't nanlalaki ang mga mata ni Jack na kinaladkad ako papuntang parking lot upang kunin ang kotse niya.
"Get in, Astra..." Seryosong saad niya saakin kung kaya't nanginginig na binuksan ko ang pintuan sa front seat at sumakay doon.
"Wala namang problema kung makipag sex ka sa kung sino as long as sigurado kang safe siya kaya nga gumagamit tayo ng condom, diba? You're 21 year's old, Astra at dapat alam mo na yan!"
Napanguso nalang ako kay Jack at marahan na tumango sa sinabi niya.
Huminto si Jack sa isang pharmacy para bumili ng pregnancy kit at dumulog kaagad kami papuntang Condo para gamitin iyon.
"I'm just gonna wait outside?"
Tumango lamang ako sakanya at nanginginig na pinulot ang pregnancy kit upang gamitin na ito.
This is it, Astra.
Tiningnan ko ang pregnancy kit at halos magsisigaw ako sa tuwa ng isang linya lang ang lumabas. Mahal na mahal talaga kita, lord!
"Jack! Its negati---"
Nabitin ang mga salitang dapat sasabihin ko sa ere. Nanlalaking mata itinuro ko sa pinsan kong si Jack ang kumpol ng mga pinsan ko na nasa sala.
Nasa harapan ko ang kambal na sina Archer at Asher, ang bunsong pinsan namin na si Dippen Martin, ang kuya niyang si Martin Digby at ang ate niyang si Dominique Martin. Shit, bakit alam ni ate ang nangyari?
"Care to explain what happen last night at bakit nagkapregnancy scare ka, Astra?" Pinukulan ko ng matalim na tingin si Jack na sinagutan niya lang ng peace sign bago bumaling kay Ate Dominique.
"I had a one night stand with, Rogue, ate..." Saad ko sa mahinang boses pero alam kong rinig parin iyon ng mga pinsan ko ayon sa malalakas na hiyaw nila at ngising asong ipinukol saakin ni Asher. Bwisit talaga.
"I see. Magkakaroon na ba akong pamangkin?"
I shake my head at nakita ko kung paano kumawala ang kaba na nadarama ni Jack. She's relieve. Of course, sino ba naman ang gugustuhin na mabuntis habang graduating kana in college? Wala naman ata. At alam kong kahit ganyan lang siya, she's surely worried about me.
"Good. Here..." Kunot noong kinuha ko ang box na ibinigay ni Ate Dominique saakin at halos mahulog ko ito ng nalaman kong pills pala ito.
"Ate!"
Natatawang kinurot ako ni Ate Dominique bago bumaling sa mga lalaki kong pinsan para pabalikin sila sa kani-kanilang mga klase. Dali-dali naman silang sumunod sakanya. Takot 'eh.
Si ate Dominique ay ang pinakamatanda sa aming magpipinsan. Siya ang ate nina Dippen at Digby. About 5 years ang gap niya kay Digby na ka-age namin kung kaya't 26 years old na siya. She's a licensed surgeon. Plastic surgeon to be exact.
"Balik na tayo, Astra?" Tumango lamang ako kay Jack. Hindi parin kasi ako makapaniwalang si Rogue pala ang lalaking 'yun. Kaya pala magkapareho ang kanilang mga brown na mata.
"You're worried about what will happen to the baby if ever, right?" Tumango lang din ako kay Jack. Nakakatawa lang na halos isumpa ko si Mommy sa pagiging disgrasyada niya habang ako muntik na. I wonder if mabuntis kaya ako ngayon, papanagutan ba yun ni Rogue? Siguro hindi. We're not even in a relationship para akuin niya ang bata.
"Stop worrying alright?" I smiled at Jack bago lumabas sa kotse niya. Meron pa pala akong klase sa 3rd period ngayon at late na ako.
Dali-dali akong tumakbo papuntang Classroom namin at hindi nga ako nagkakamali, nagsisimula na ang klase. And damn, kaklase ko pala dito sina Rogue at ang grupo niya.
"Good morning Maam..." Saad ko sa mahinang boses sa aming Professor. Pilit akong hindi tumitingin sa direksyon nina Rogue. Randam na randam ko ang intesidad sa ng kanyang titig saakin.
"You're late, Ms. Perry! Sit beside, Mr. Tropez! I don't have all day for you!" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang naglalakad papuntang upuan na katabi ni Rogue. I even heard Apollo whisled habang naglalakad ako.
"Ms. Perry! Ilang beses ko bang sinasabi sayo na bawal ang sobrang maiksing shirt na kita ang belly button at ang habang makitang pwet mo sa short shorts na yan!" Here we go again, sa halos lahat ng mga kaklase ko na ganito ang damit sa subject na ito, parang ako lang talaga ang trip ng bruhildang professor na yan na ipahiya! Nakakainis.
Padabog na binagsak ko ang LV handbag ko sa table sa harap bago umupo sa gilid ni Rogue.
"Easy, tiger!" Natatawang saad pa nito saakin na inirapan ko lang. Narinig ko naman ang pagkantyaw ng mga tropa niya sa likod at ang pagmumura ni Rogue sakanila.
"I want you to work by pair tungkol sa project na ito. As a Business Ad student kailangang alam niyo kong mapano makipag communicate sa ibang tao kung kaya't by pair ang research na 'to. You have to passed it before the preliminaries. The person to your left will be your partner. That's all. Good bye."
Mahinang napamura nalang ako ng inilahad ni Rogue ang kamay niya sabay kindat saakin. This project will surely be the death of me!
"The prof said na dapat magkasama tayong gumawa so why the heck are you dividing the work to be done, Astra..."
Hindi ko pinansin si Rogue at ni-layout nalang ang plano ko para sa research na iyon. Inilahad ko sakanya ang copy niya ng mga gagawin niya para dito.
"You'll be in charge of the background research at ako naman sa reactions, conclusions and such. You can email the whole thing at me para ako na mismo ang mag compile..." Parang asong tumango nalang si Rogue saakin. As if, he had a choice.
"So..." kinuha niya ang papel na inilahad ko at bumaling saakin. "Can we talk about us now?"
Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya. This guy is unbelievable! Kung kailan naman na pilit kong kinakalimutan ang nangyari saamin, pilit naman niya itong pinapaalala.
Huminga muna ako ng malalim bago hinarap siya, "Walang tayo, okay? And please stop talking to me..." Saad ko sa malamig na tinig bago umalis sa kwartong iyon.
Hinihingal na napaupo ako sa loob ng Girl's restroom. Okay, Astra, Calm your tits down! What have I've done to my life now? Gusto ko lang namang makalimot sa ginawa ni Charlie and yet bakit naging kumplikado na?
BINABASA MO ANG
Lost Stars
Romance"Are we all lost stars trying to light up the dark?" Explicit content. Beware.