Chapter 1- Transferee

40 2 5
                                    

MARAHANG sumasampal sa balat ko ang malamig at preskong simoy ng hangin ng umaga habang nakasakay sa isang pampasaherong jeep.

Wala pang araw subalit punong-puno naman ng liwanag ang paligid dahil sa mga nakasinding ilaw sa kalsada at posteng nadadaanan. Napakaaliwalas.

Hindi tulad sa lungsod na kahit ang hangin ay itim na, mainit, at mabaho dahil sa mga itim na usok na binubuga ng mga sasakyan.

Hindi ko nga alam kung bakit kami nakatagal ng ilang taon doon. Mabuti nalang at umuwi kami dito sa probinsya kung saan maituturing na paraiso ito ng isang tulad ko na ilang taon ng nagtitiis sa lungsod.

Papunta nga pala ako ngayon sa bago kong paaralan. Kahit na ilang minuto lang ang layo nito saamin ay mas pinili kong pumasok ng maaga nang sa gayon ay makapaglibot ako.

"Hija andito na po tayo sa Apollo National High School " Ani Maong driver. Nakangiti ko itong binalingan ng tingin sabay abot ng pamasahe dito.

"Salamat po manong"

Tinuro nito ang nasa tapat naming gate na gawa sa metal na may 'Apollo National High School' na nakaukit sa itaas.

Bumaba ako sa jeep saka lumapit sa guard house na nasa tabi lang din ng gate ng school.

Habang pinagmamasdan ang paligid ay mapapansin ang mga tarpaulin na nakasabit sa ilang ispasyo ng pader. Mga tarpaulin na syang babati sa mga istudyante nang maligayang pagbabalik sa naturang paaralan.

Mapapansin din ang iba't ibang kulay ng santan sa gilid ng pader na nagpapaganda lalo sa imahe ng paaralan.

"Ahm excuse mo po..." Tawag ko sa atensyon ng nakabantay na guard. Napansin naman nito ako agad.

"Oh ineng? Anu ang maipaglilingkod ko saiyo?" Malumanay na tanong saakin nung matandang guard.

Tipid ko itong nginitian. "Transferee po kasi ako dito. Pwede po bang pumasok? Wala pa po kasi akong ID. Kukunin ko palang po" sabi ko.

"Anung pangalan mo hija?" Tanong nito sabay buklat sa kulay asul na malaking notebook sa harap nito.

"Teresse Jane Santiago po" Magalang na sagot ko. May tiningnan ito sa isang pahina ng asul na notebook na hawak nito.

"Santiago... Hmm.." Mukhang hinahanap pa nito ang pangalan ko kaya pinagmasadan ko na lamang ang loob ng paaralan mula dito sa labas.

"Ayun!" Muli kong naibaling ang atensyong kay manong guard. "Pwede ka nang pumasok ineng. Ingat" nakangiti nitong sabi.

"Salamat po" tipid uli akong ngumiti sabay lakad na papasok.

Habang naglalakad papasok sa bago kong paaralan ay mataman kong tinititigan ang mga nadadaanan ko.

Konti palang ang nakikita kong istudyante sapagkat magfa-five thirty pa lamang ng umaga kanina ng umalis ako sa bahay.

Ang ganda ng school ground. Nakapalibot ang mga naggagandahang bulaklak at malalagong bermuda ground sa paligid.

Malinis din ang paligid. Wala kang plastic na makikita na nakakalat. Ngunit may mga dahon din naman na nahuhulog mula sa mga puno na nakatayo dito sa loob ng school grounds na sa tingin ko'y oras-oras nilang winawalisan.

Magaganda din ang pagkakagawa sa mga classroom. Iisa ang kulay. Iisa ang desenyo.

Nang matapos sa paglilibot ay napagpasyahan ko nang tumungo sa Principal's Office.

Nagtanong-tanong ako sa ilang student na nakikita ko hanggang sa makarating nga ako doon.

"Maraming Salamat" pagpapasalamat ko sa tatlong istudyante na sinamahan ako.

Destined by MusicWhere stories live. Discover now