... Hawak parin ako ng taong humablot sa akin at naglalakad parin kami papunta sa hindi ko alam kong saang lugar. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at hindi ko rin makita kung nasaan kami at ang nilalakaran namin dahil nakablindfold ang mga mata ko.
Pilit akong nagpupumiglas pero sadyang malakas talaga ang taong may hawak sa akin. Mabuti nalang at hindi ito katulad ng ibang kidnapper na nagpapatulog ng mga biktima dahil hanggang ngayon ay may malay parin naman ako. Kanina pa ako sumisigaw pero munting ungol lamang ang lumalabas sa bibig ko dahil sa panyong nakatakip sa bibig ko. Sumasakit na rin ang lalamunan ko at naghihina narin ang katawan ko dahil sa pagod, gawa ng pagpupumiglas ko.
Habang hawak ako nang taong 'to nang may maalala ako sa mga sinabi nina Cel kanina tungkol sa abduction na sinasabi nila.
Posible nga kaya?... Pero anong club?
Ni wala naman akong natatandaang academics club o talent club na magaling ako ha? Napaisip ako. Hmm..
Not really
Kung sa science club pwede pa, eh perfect ko naman lahat ng quizzes ko this past few weeks. Pero paano nga kung hindi? Paano kung masamang tao itong kumikidnap sa akin? Aiist! tama na nga ang pagiisip. Mas mabuti sigurong isipin ko na lang kung pano ako makakawala mula sa hawak ng taong 'to.
Patuloy parin kami sa paglalakad at sumasakit narin ang mga paa ko. Naku kanina pa ako nawawala, baka hinahanap na ako nina Adelia! Naisip ko sila Joanna. Baka nagtataka na ang mga yun kung bakit ang tagal kong bumalik.
Naramdaman kong bumabagal na ang paglalakad namin at lumiko kami pakanan, siguro malapit na kami . Ilang saglit pa ay pinaupo ako nito at tinggal na ang blindfold at yung panyo sa bibig ko. Hindi naman ako ginapos sa kamay at paa kaya malaya ko itong nagagalaw. Nang nagawa ko nang idilat ang mga mata nang walang sagabal ay bumungad sa akin ang isang silid na ang kulay ay pinagsamang orange at white. Blurred pa ng kunti ang paningin ko pero ilang saglit ay lumilinaw na ito at unti-unti ay nakita ko na ang paligid.
Habang inililibot ko ang paningin sa paligod ay nakita ko ang mga nakapaskil na litrato ng mga genuises sa larangan ng siyensya tulad nalang nina Einstien, Thomas at iba pa. Mayroon ding topics na nakadikit sa tabi ng mga ito tungkol sa physics, Chemistry, Biology at marami pang iba. Halos mapuno na ang boung silid na mga nakadikit tungkol sa siyensya. Sandali... Science? ... Scientist?... Science club? Teka?! Nasa scinece club ako?!
"Hello Miss Santiago." Mula sa pagmamasid sa paligid ay napadiretso ang tingin ko sa harapan dahil doon ko narinig ang boses na tumawag sa akin. Nasilayan ko ang mala istriktang ekspresyon ng isang babae na nasa harap. "My name is leah Manalo. The current President of Science Club and it's nice to see you here" Naglalakad sya papalapit saakin. Umupo sa upuang ngayon ko palang napapansin sa harap ko pero mas malayo yon saakin ng ilang metro. Maganda naman sya. Hindi kaputian at hindi din maitim. Hindi rin ito ganun kataas pero maganda naman ang katawan. Maganda ang pagkakapusod ng buhok nito at may suot din itong salamin na nakakapagpadagdag ng nakaka-intimidate na aura nito. Suot ng magandang mukha nito ang ikspresyong palagi ko din ginagamit kapag nakikiharap sa ibang tao. Expressionless.
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko. Kaming dalawa lamang ang nandirito sa silid. Ewan ko kung saan nagpunta ang taong kumaladkad saakin kanina. Ngumiti sya.
YOU ARE READING
Destined by Music
Teen Fiction"Music lead me to you, Theresse" He said while staring at her with full of love. "No Edmund, music destined us to be together" she said softly while looking at him intimately. ------------------ New Published book here in wattp...