ILANG ARAW na ang lumipas ng makilala ko sila Joanna.
Hindi na ako tulad ng dati na tahimik at laging nagiisa. Sa ingay ba naman ng mga kaibigan mo matatahimik ka pa ba?
Ang Apollo National High School pala ay hindi isang ordinaryong paaralan. Hindi lamang academics ang itinuturo at ini-enhance dito. Kasali narin sa pagtuturo dito ang pag-enhance ng talent ng isang istudyante.
Matatawag ding Art school ang ANHA dahil hindi lamang talino ang dapat na pairalin dito, kundi pati narin ang talentong taglay ng isang magaaral.
Dito nadidiskubre ng isang magaaral ang talento nito sa lahat ng bagay, katulad nalang pagkanta, pagsayaw, pagpinta, pagukit at marami pang iba.
Sa bawat pagsusulit na isinasagawa kada buwan, kailangan mong maipasa ang test para sa academic rating at ang isa naman ay para sa talent enhancement.
Ang Ratings ng isang magaaral ay nahahati sa dalawa, 50% para sa academic at 50% din para sa improvement ng talent ng magaaral.
"Teresse halika punta tayo sa Cafeteria, bili tayo ng pagkain." Naputol ang pagiisip ko ng tangalin ni Adelia ang headset ko. Hinila ako nito upang maitayo.
Vacant time namin ngayon dahil may pinuntahang seminar ang teacher namin para sa linggong ito. May tatlong oras kaming vacant kada hapon this week.
"Ano ka ba Adelia, Para ka naman mauubusan ng pagkain doon" Maktol ko. Binitawan ako nito at sabay na kaming naglakad.
"EH nagugutom na ako. Kanina ko pa inaalok sina Esther pero ayaw nila. Nandon sila ngayon sa Flower's den natutulog. Nagpapabili narin sila sa atin ng pagkain at sinabi rin nila na hanapin daw kita." Nakasimangot na sabi nito.
"Tsk, antatamad talaga" bulong ko.
Nang makarating kami sa Canteen ay tumakbo agad si Adelia papunta sa counter para bumili ng pagkain.
"Ate, Walo pong Double layered burger at walo rin pong mango shake at apat pa pong large fries thank you." Nagniningning ang mga mata na umorder ito. Ilang saglit pa ay hawak na namin ang inorder nito.
"Halika na Theresse baka naghihintay na ang mga seniora sa atin" Yakag nito.
Habang papunta kami sa Flower's den ay nahagip ng tingin ko ang bulletin board. Hinila ko si Adelia na nagsisimula nang kainin ang dala-dala nitong pagkain.
"Sandali---"Alma nito. Napatingin din ito kung saan ako nakatingin.
"Club Recruitment month.." Binasa ko ang naka-caption.
"Ahh, yan ba, halika doon na natin pagusapan yan kasama ang iba pa para sila nalang ang magexplain nyan sayo" Tumango ako dito at nagtuloy-tuloy na kaming maglakad papunta sa Flower's den.
Pagdating namin ay nakita naming naglalaro ng Scrable sila Celeste, Esther at Kaitlyn habang si Joanna naman at si Madisyn ay naglalaro ng Chess.
"Hey girls, We're here!" Sabi ni Adelia. Napalingon naman ang mga ito sa amin at kinawayan kami.
Humahangos na lumapit sa amin si Celeste at kinuha ang dala kong Plastic bag. Ako naman ay napatingin sa paligid at tulad ng una kong pagpunta ko dito ay maganda parin ang hardin. Malamig ang simoy ng hangin at mabango ang paligid dahil sa mga halaman at bulaklak na nakatanim sa buong lugar.
"Hay salamat, dumating din kayo. Gutom na gutom na ako. Hehe thanks sainyo Lia at Teresse!" Tumakbo uli ito pabalik sa dati nitong kinauupuan at binuksan ang supot sabay lantak sa pagkain nandoon. Lumapit din dito ang iba at nag-unahan ang mga ito sa pagkuha ng pagkain.
YOU ARE READING
Destined by Music
Teen Fiction"Music lead me to you, Theresse" He said while staring at her with full of love. "No Edmund, music destined us to be together" she said softly while looking at him intimately. ------------------ New Published book here in wattp...