Chapter 5 - Sang at the backyard

10 0 1
                                    

ILANG ARAW makalipas ang usapan namin nina Celeste. Katulad nga ng sinabi nila ay hindi na naging normal ang bawat araw na lumilipas para saakin dito sa academy dahil sa mga bati na natatanggap ko sa t'wing may nakakasalubong akong istudyante, hindi katulad nung mga unang araw na pamamalagi ko dito na hindi manlang ako magawang tapunan ng tingin ng karamihan.

Sa katunayan ay mas gugustuhin kong hindi mapansin ng mga istudyante dahil nagagawa ko ng malaya ang gusto kong gawin. Kapag kilala ka na kasi ng mga tao ay hindi mo na kayang gawin ang mga nakasanayan mo dahil sa dami ng mga matang nagmamasid sa bawat kilos mo. Kaya't kung minsan ay sa hindi mataong lugar ako dumadaan kapag papasok ng Academy. Sa likod ako dumadaan, kahit na malayo ito sa building namin ay mas gugustuhin ko nalang na mapagod sa kakalakad, mabuti nga yon eh nakapag-ehersisyo pa ako kesa sa mapagod ako sa kakaiwas sa mga taong palaging nakamasid sa mga kilos ko.

Kahit na nandyan naman palagi ang mga kaibigan ko, sina Joanna, Esther at ang iba ay hindi ko naman kasakasama ang mga ito palagi dahil may mga reposibilidad din ang mga ito na dapat pagtuunan ng pansin.

Tungkol naman sa Science club, naipakilala na ako sa lahat ng myembro pero hindi parin talaga ako kumportable kasama ang mga ito lalo na kapag may pagpupulong at kailangan ang lahat ng kasali ng science club. Naiilang ako sa mga tingin ng ibang member kapag tinititigan ako ng mga ito. Na para bang kinikilatis ako ng mga ito kung ano nga ba ang kaya kong gawin. Pero ganun pa man ay hindi ko nalang pinapansin ang mga ito .

Ngayon ay ako ang nakatukang maglinis ng backyard. Uwian na ngunit nandito parin ako nagwawalis ng mga dahon na nalaglag mula sa mga puno at halaman sa paligid. Normal ang ganitong gawain na pagwalisin ang istudyanteng may ginawang kasalanan. Oo, punishment ko ito dahil nakatulog ako kanina habang nagme-meeting ang science club.

Nakatulog na kasi ako sa mga pinaguusapan nila na sila lang naman ang may interes. At dahil sa sobrang pagkaboring ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kinauupuan ko. Nagising nalang ako ng kalabitin ni Leah at pinagalitan and the rest is the history.

tsk! mas gugustuhin ko pang magwalis kesa ang makinig sa ka-ek-ekan nila.

Napaka tahimik ng paligid. Inilagay ko sa gilid ang walis na hawak ko at pumasok ng room namin para kunin sa bag ang cellphone at earphones.

Magpapatugtug muna ako habang nagwawalis, mas maganda sa pakiramdam ang gumawa ng gawain ng may pinakikinggang kanta. Nang lumabas uli ako ay nagtingin-tingin muna ako sa paligid para siguraduhin kung may tao pa ba. Pero kunti nalang ang nandito at mukhang papaalis na kaya nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa likod ng classroom.

Naghanap ako ng kanta hanggang sa makita ko ang isang kanta na matagal ko nang hindi napapakinggan. Mga latest songs kasi ang palagi ko nang pinapatugtug kaya nakakalimutan ko na ang ibang kanta na minsa'y naging sandalan ko rin sa oras ng pagkainip.

Nagsimula na uli akong magwalis at isinuot ko narin ang earphones. Doon ay sinimulan nang banggitin ni Charice ang unang stanza ng kanta.

Listen, to the song here in my heart

A melody I start but I can't complete

Oh, the time has come for my dreams to be heard

They will not be pushed aside and turned

Into your own, all 'cause you won't listen.

Habang pinapakinggan ang kanta ay hindi ko maiwasang madala dito. Napapahum ako habang nakikinig. Gayun paman ay patuloy parin akong nagwawalis ng kalat. Nang nasa chorus na ay hindi ko na napigilan at napakanta na ako pero sa maliit na tinig lamang. Malimit na nagmamasid ako sa paligid dahil baka may taong dumating.

Destined by MusicWhere stories live. Discover now