Chapter 2- New Friends

26 2 5
                                    

"KUMUSTA naman ang unang araw mo sa ANHS, Theresse?" Biglang tanong ni mama.

"Okay naman po nay, Maganda yung school" Sabi ko at sinulyapan sila saglit atsaka ulit bumalik sa pagkain.

"Wala ka pa bang mga kaibigan doon?"

"Ahm, sa ngayon po .. wala pa po. Atsaka kahapon palang po ako nakapasok kaya asahan nyo pong wala pa akong kaibigan"

"Asus, itong si bunso.. Ang sabihin mo umaarangkada na naman yang pagka-snob mo. Pustahan tayo, kahapon ni isa sa mga kaklase mo wala kang kinausap." Nakangising saad ng nakatatanda kong kapatid na lalaki.

"Tsk. Eh alam mo naman pala" Inirapan ko sya.

"Kaya naman pala, Naku bunso wag mo namang hayaan na wala kang maging kaibigan doon. Malungkot kaya ang magisa sa isang malaking paaralan katulad nalang nang ANHS" Sabi naman ni ate Abrielle.

"Oo nga bunso, Atsaka hindi maganda iyon na wala kang kaibigan---"hihirit pa sana si tatay ng putulin ko na ang dapat sana'y sasabihin nito.

"Nay, tay, kuya at ate.. Wag po kayong OA. Unang araw ko palang po sa ANHS kaya asahan nyo pong wala pa akong kakausapin sa mga bago kong kaklase. Atsaka alangan namang mag-feeling close ako at makipagkwentuhan sa kanila bigla-bigla. Magulat po kayo kung unang araw palang ng klase ay may mga kaibigan na ako dahil siguradong-sigurado na may sira na ang utak ko" Natatawang sabi ko. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko na nagkatinginan ang mga ito at tumango-tango.

"Sabagay.." yung lang nasabi nila. 

Tinapos na namin ang pagkain. Isa-isa nang nagpaalam ang mga kapatid ko kila nanay at saakin din, may binilin pa ang mga ito na iwasan ko daw ang maging snob sa mga bago kong kaklase.

Nagpaalam na rin ako kina Nanay at tatay nang matapos ako sa pagaayos mg mga gamit.

Hindi na ako nagabala na sumakay ng jeep o trycicle. Malapit lang naman ang paaralan sa bahay namin. 

Habang naglalakad ay naalala ko ang sinabi kanina nina kuya.

'Ayusin mo yang facial expression mo Teresse nang may lumakas naman ang loob dyan sa paaralan nyo at kausapin ka'

Marami kasi ang nagsasabi na mataray daw ako. Snob at suplada. Kaya walang nagtatangkang lumapit at makipagkaibigan sakin.

Faith...

Napapikit at napahinto ako sa paglalakad ng maalala ang maamong mukha ng isang taong malapit na malapit sa puso ko.

Ang mga ngiti nitong unti-unting naglalaho kasabay ng buo nitong pagkatao.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. No. I should let her go...


PAGDATING sa classroom ay dumeritso agad ako sa upuan ko.

Napansin ko pang napapatingin sa akin ang ibang kong kaklase. Nang makaupo ako napansin kong ang iba ay nakatingin pa rin sa akin kaya sinalubong ko ang mga mata ng mga ito. Doon pa lamang nila iniwas ang tingin sa akin.

Tahimik na kinuha ko ang cellphone ko sa bag at isinaksak ang earphone saka pinatugtug ang isang kanta...

Enchanted...

There i was again tonight

Forcing laughter faking smiles

same old time lonely place...

Kasabay ng pagtug-tug ng kanta ay ang tahimik na pag-hum ko, sinasabayan ang tinig ni Taylor.

Sumandal ako sa upuan saka ipinikit ang mga mata. Bagamat ramdam ko parin ang mga matang nakamasid sa akin ay hindi ko na lamang iyon pinansin.

Destined by MusicWhere stories live. Discover now