THE LADY OR THE TIGER

39 1 0
                                    

THE LADY OR THE TIGERh

Rafael. Isa siyang simpleng binatang may kakaibang storyang pinagdaanan. Isang storyang magpapatawa, magpapakilig, magbibigay tensyon, magpaparamdam sa inyo ng pagkamuhi at halo-halong mga emosyon na magdudulot para maloka kayong lahat. Tara, samahan niyo akong balikan at pagnilayan ang isang storyang kinuha ng awtor sa isang popular na storya sa mga mag-aaral sa sekondarya; isang storyang piniling putulin ng orihinal na awtor at mag-iwan ng tanong sa isip ng mga mambabasa, Sino nga ba? Pero  dahil malikot ang maliit na utak ng inyong abang lingkod, pinili kong gumawa ng sarili kong bersyon at bigyan ito ng konklusyon. Sino nga ba? The Lady or The Tiger?

Isang hindi kapani-paniwalang pangyayari ang sa buhay ni Rafael ay nagpabago. Isang bagay na matatawag pa nga nating "out of this world". Pero kung tutuusin, hindi naman  talaga natin mapupuntahan ang napuntahan niya. Pero, gamitin natin ang isang alternatibong paraan, maglakbay tayo sa pamamagitan ng ating 'imahinasyon'.

Si Rafael ay isang simple, makisig at yummy'ng binata na kung saan ay matagal ng nagsasaliksik tungkol sa nawawala niyang kapatid. Sinabi ng tatay niya bago pa man ito mamatay...

"Anak. Ang i--iyong kapatid aa--aay mata--tagpu--an mo la--mang sa ating silid- aklatan..."

Hindi nga ba isang malaking kalokohan na ang iyong nawawalang kapatid, nawawala sa loob ng labing limang napakahahabang panahon ay sa silid-aklatan lang pala ng bahay niyo naroroon?

"Dad. Nagjo-joke ka ba?? Nasaan siya doon? Lagi akong nandoon, Dad. TAYO. Lagi tayong  nandoon. Nasaan siya dun? Nasa refrigerator?!" Kabastusan para sa isang amang naghihingalo na ang sagutin pa ng ganun. Pero, ano pa nga bang maaasahan niya gayong  alam niyang kabaliwan namang talaga ang mga pinagsasasabi niya?

"B--basta. Ha--hanapin mo siya.. Kailangan mo siyang makita. Basahin mo ang lahat ng librong nasa lo--ob ng library natin. Yun ang magtuturo kung nasaan ang kapatid mooo. Meron siyang isang kwintas, kwintas na kulay rosas."

At pumanaw na ang matanda. Sinunod naman ni Rafael ang huling habilin ng ama. Inisa- isa niyang basahin ang bawat libro sa kanilang silid-aklatan ngunit walang naging bakas ng kahit ano na makapagtuturo kung nasaan ang kanyang kapatid. Pero isang araw, isang kakaibang libro ang kanyang natagpuan.

The Lady or The Tiger. Yan ang pamagat na tinataglay ng libro. Sa pinakababa ng libro, nakasulat ang pangalang     Thaddeus Ibarra. Isang simpleng ngiti ang sumilay sa labi ni Rafael. Thaddeus Ibarra; ito ang pangalan ng kanyang ama. Sa lahat ata ng akdang isinulat ng kanyang ama ay eto na lang ang hindi niya pa nababasa dahil ito ang unang beses niyang makita niya itong libro.

Nilalaman ng mga naunang pahina ng aklat ang mga karakter. Naroon nakatala ang kanilang mga pangalan na mayroon pang kanya-kanyang mga larawan.

Nauna na dito ang Cruel King ng storya. Siya ay pinangalanang King Wilfredo. Sa kasunod na pahina, naroon ang larawan ng prinsesa. Siya ay pinangalanang Princess Athena. 'Isang napakagandang dalaga,' naisip ni Rafael. Sa sumunod pang pahina muli ay isang magandang dalaga ang sa kanya'y bumungad. 'The Lady", iyan ang titulo ng babae.

Ang dalaga ay pinangalanang Magdalena. Sumunod na nakita ni Rafael ay ang tigre. Sa larawan nito, mukhang ito'y mabangis at gutom. At para sa huling pahina ng mga karakter isang pamilyar na mukha ang nakita ni Rafael. Ang lalaki ay may titulong "The Man: The Princess' Lover," na nagtataglay ng pangalang RAFAEL.

Sa pagkakataong ito, nagliwanag ang libro. At unti-unti, kinain nito si Rafael.  Literal. Kinagat-kagat at dinila-dilaan nito si Rafael hanggang makapasok ito sa loob ng libro. At ayun, dumulas papasok sa libro si Rafael. Nagpatuloy ang paglipat ng pahina at pagtakbo ng storya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE LADY OR THE TIGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon