Chapter 3

18.5K 163 11
                                    

Maine covered her mouth when they found out that there are only remaining weeks because mabilis umepekto ang sakit. After that, Charmaine's brain will die soon. So they need to be strong for Charmaine.

"M...Mommy? P-Pa... P—"

Naluluhang tumingin si Maine sa kanyang anak. Hirap na rin itong magsalita dahil rare na sakit na CJD. Mabilis itong lumaganap sa kanyang brain cells at naapektuhan ang kanyang pagsasalita. Hirap na rin itong huminga kaya't minsan ay kailangan ni Charmaine ng oxygen.

"Y-Yes anak?"

"P-Pa...Paabot ng w-water."

Maine only smiled at inabot ang bottled water sa anak. Napansin niya na habang umiinom ang anak ay nanginginig ang kanyang mga kamay. Ang sabi ni doktor ay normal lang iyon sa mga may sakit ng CJD. Kadalasan ay nanginginig.

"Charm, kapag may kailangan ka. Ituro mo na lang kay Mommy ah? Huwag ka muna magsalita, sabi ng doktor medyo nakakasama."

"O...O-Ok...Oka—"

"Oops! Kakasabi ko lang diba? Okay, rest ka muna. Bibili lang si Mommy ng coffee sa baba. Rest ka muna. And may nurses na mag checheck sayo maya-maya."

Maine kissed her daughter's forehead before leaving the room at may nurses na ring pumasok sa loob para i-check ang vital signs ng kanilang anak. She took a deep breath at napaluha na lang, alam niyang marami silang pagkukulang sa anak dahil lagi silang nasa trabaho.

Gusto niyang maalagaan ang anak ngunit kailangan din niyang magtrabaho upang matulungan si Richard ang kanyang asawa. Naaawa din siya sa kanyang anak kada nakakakuha ito mg below 90 na grade dahil alam niyang hanggang doon lang ang nakakaya mg kanilang anak ngunit napaka strikto ng kanyang asawa. Minsan ay nagsisisi siya dahil hindi man lang niya maprotektahan ang anak.

"Mahal? Ano sabi ng doctor?"

Napatingin si Richard sa kanyang asawa na nasa likod niya na pala. Napansin ni Maine na medyo namumula na ang mga mata ng kanyang asawa. Inakap na lang ito ni Maine at napahagulgol na lang. Alam nilang napakarami nilang pagkukulang sa anak.

"Mahal, dineretso na ako ng doktor. Mabilis daw kumalat ang sakit sa brain cells ng anak natin. Sabi ni Doctor Thompsons na karamihan sa mga pasyente niya, weeks lang daw ang katagalan at brain dead na agad."

Maine frozed for a moment. Masakit para sa isang ina ang makita ang anak na unti-unting pinapatay ng sakit nitong CJD. Ayaw niyang mawala ang anak ngunit ang doktor na mismo nagsabi. Wala na talagang pag-asa.

"So you mean na..."

"Hihintayin na lang daw natin mamatay si Charm.."

Nanlumo si Maine at napahagulgol na lang. Ayaw niyang mawala ang anak lalo na't matagal silang naghintay upang magkaroon lang ng anak. Nagkaroon ng problema sa matres si Maine noon at isang napakalaking biyaya noong dumating si Charmaine sa kanila.

"Y-You're just joking, right Mahal?"

"M-Maine..."

"R-Richard, no. A...Ayoko she's not dying. My little angel will not die. R-Right?"

Napaluha na lang si Richard sa inaakto ng kanyang asawa. Alam niyang hindi makakayanan ng kanyang asawa na mawala ang kanilang ka isa-isang anak na si Charmaine. At alam nila sa kanilang mga sarili na gagaling si Charm.

--

Napaluha na lang sila habang tinititigan ang kanilang anak na si Charm na mahimbing na natutulog. Pinapatay sila ng sakit habang tinititigan ang kanilang anak. Kitang-kita sa itsura ng kanilang anak na hinang-hina na ito at kulang na lang ay kusa itong sumuko sa kanyang sakit.

"M...Mommy. D-Da...Daddy"

Napatayo agad si Richard ng marinig nilang magsalita si Charm. Hinalikan ni Richard ang kanyang anak sa noo at ngumiti. Alam nilang maiintindihan ni Charm ang mga sitwasyon dahil matalino ito. At kung ililihim man nila, baka masaktan lang ang kanilang anak kung mas lalo itong pinatagal.

"Y-Yes baby?"

"I...I-I love y...y-you."

Napahagulgol na lang si Maine habang pinagmamasdan ang kanyang anak na hirap ng magsalita. Pinagmasdan ni Charmaine ang kanyang Mommy na umiiyak. Charmaine bit her lip, gusto niya ng magpahinga ngunit lumalaban lang siya dahil ayaw niyang iwanan ang kanyang mga magulang.

"M-Mommy and Daddy loves you too sweetheart."

Richard nodded and kissed her daughter's forehead. Napaka sakit para sa kanila ang makita ang kanilang anak na nahihirapan ngunit mas napaka sakit dahil hinihintay na lang nila unti unting patayin ang kanilang anak dahil sa sakit na yun. Masakit dahil hinihintay na lang nilang mamatay ang kanilang anak.

Inakap nila ang kanilang anak habang ang kanilang anak ay unti-unting ngumiti  dahil sa wakas ay nagkaroon na ng oras ang kanyang magulang sa kanya. Alam niyang hindi dapat siya magalit sa magulang dahil hindi dahil napaka strikto ito pagdating sa kanya ngunit dahil wala silang oras para sa kanya. Ngunit naiintinidhan naman niya dahil para sa kanya at sa kinabukasan naman niya iyon.

Ngunit nalulungkot siya dahil nagtrabaho ang kanyang mga magulang para sa kanyang kinubukasan ngunit sa bandang huli ay mawawala na rin siya. Alam ni Charmaine na mamatay na siya dahil alam niyang malubha ang kanyang sakit, hindi lang ito cancer ngunit napaka lala. Kaya't alam niyang kahit lumaban siya sa sakit na ito ay kamatayan parin ang hahantungin niya sa bandang huli.

Hihintayin niya na lang na kunin na siya ng Maykapal.

Daddy's Little AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon