Baby, Me and the Boss

5.1K 68 2
                                    

And Story po na ito ay purely fictional, lahat ng pangalan, lugar at sitwasyon ay bahid lang po ng aking madumi chos lang yun malinis po ang konsensya ko ^^ hihi what i mean is ang aking dakila at mapaglarong isipan.

Lahat ng pangalan na madadawit at maidadawit ay pawang walang kinalaman sa mga kapareho nito dahil sila ang bida at hindi kayo! PEACE!!! tarariray at echosera lang po si author hoho you know agaw eksena lang naman soooooooo ano guys you ready???

Ay nga pala before i forgotness the paalala may mga salitang kaechosan at kaberdihan at kawalanjoan at kalandutayan ang peglish netey ahhh so sorry kung medyo ilangers kayo PERO ienjoy niyo nalang at ifeel okie ^____^V

Sooooo bwelo lang ulets ako nasayang intro ko kanina eh *ehem *ehem

ARE YOU READYYYYYY?!

CAUSE IF YOU'RE READY COME AND GET IT NA NA NA NA NA NA!!~

QUOTE OF THE CHAPTER:

"You've gotta dance like there's nobody watching,

Love like you'll never be hurt,

Sing like there's nobody listening,"- William Purkey

CHAPTER 1: MOMMY OF THE CENTURY

MIA'S POV:

Gatas

Tubig

Diapers

Vitamins

Baby Wipes

Extra na Damit

Pacifier

Pamunas

Pulbos

Lotion

Teether

Kulambo

Wang wang

Payong

Bandaid

Betadine

Electricfan (yung maliliit na di baterya)

May kulang pa ba?? Jusme ang hirap maging nanay/tita/achay/beauty queen OH! walang kokontra dun sa huli ahhh paktay kayo sa akin. Teka ano may kulang pa ba?? Ano pa ba ang pwede kong ilagay sa bag ni Aldrich?

Maglalagay pa sana ako ng mga laruan sa bag niya kaso pinigalan na ako ni Megan.

"Mia sa daycare pupunta si baby A (short for Aldrich), hindi sa kung saang gera okay kaya pwede ba hindi maleta ang kailangan ni baby A wag kang praning!" Sigaw sa akin ng BFF ko.

"Grabe ka naman Megs, OA na ba tawag dito nagprepare lang naman ako para kay baby A" sabi ko sabay nguso. eh kasi naman >.< kinakabahan kaya ako!! Pano pag kulang? O kaya pano pag naboring bigla si baby A tas umiyak dahil walang laruan, napawisan, nangati, nakagat ng lamok??

"Bakla naman isang bundle ng pampers, isang malaking lotion, isang malaki na pulbos, 12 na damit, isang dosenang baby wipes, 6 na teether at ano to? KULAMBO?? aanhin naman ng bata ang kulambo sa daycare??!! at ano naman ito?! betadine, electricfan?! Mia Nawalan ka na ba talaga ng turnilyo??"

Aray ha masakit yung tili niya, natanggal na ata lahat ng tutuli ko.

-3- Napanguso naman daw ako ulit, eh kasi naman syempre iiwan ko si baby A dun kaya medyo nagaalala ako. Nag promise ako kay ate Natalie at kuya Robert na ituturin kong anak si Aldrich at mamahalin ko bilang akin, ayaw ko na may mangyari sa kanyang masama. Mahal na mahal ko si baby A nuh!

FLASHBACK..........

7 MONTHS AGO ~

(sa Hospital...After ng Car Accident)

Nagmamadali akong pumasok dun sa kwarto kung nasaan naka confine si Kuya Robert yung kapatid ko at ang asawa niya na si Ate Natalie hindi na nga ako nakapagbihis ng maayos, nakapantulog pa rin ako hanggang ngayon. Nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit ng papalapit ako sa kwarto nila.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan, di ko alam kung ano na ba dapat ang maging emosyon ko sa mga oras na ito, hindi ko napigilang mapaiyak sa nakikita ko sa harapan ko, maraming mga kung anu-anong bagay ang nakakabit sa katawan nila, puno ng sugat at benda, halos di ko na nga sila makilala eh.

Sinong magaakala na nung huling kita ko sa kanila eh nung pinanganak ni Ate yung pamangkin ko, ngayon andito kaming tatlo ang problema nga lang nakaratay sila at hindi alam ang kasiguraduhan ng kanilang kaligtasan.

Hanggang sa isang araw nagising silang dalawa.

"Mia mahal na mahal ka ni kuya tandaan mo yan ah." Sabi sa akin ni kuya habang umiiyak. Hinawakan naman ng kuya Robert ko ang kamay ni ate, ngumiti na lamang ako, maswerte si kuya dahil nakatagpo sya ng babaeng mahal na mahal rin sya. Yung tipo ng pagmamahalan na hindi mo lang basta nakikita mararamdaman mo rin ito sa ayaw at sa gusto mo.

"Mia alam namin ng ate mo na di na kami magtatagal" hirap na sabi ni kuya Robert. Hindi na rin ako tumawag pa ng doktor dahil pinigilan nila akong dalawa.

"Mia ikaw na ang bahala sa anghel namin, wag mong pababayaan si baby Aldrich ah" Sabi sa akin ni kuya at ate.

Bago pa man ako nun makasagot binawian na sila ng buhay.

FLASHBACK ENDS...........

"Alam mo Girl, kalma ka lang, wag kang magaalala andun naman ako eh, pangako ko sayo na walang lamok na lalapit kay baby A okay" Sabi ni Meg sa akin habang isinaayos ulit ang mga gamit ni baby A.

Nga pala kung hindi ko pa nababanggit pagmamayari ni Meg yung daycare na pagiiwanan ko muna sandali kay baby A. At kung hindi ko pa rin nasasabi sa inyo kung bakit ko iiwan muna si baby A sa daycare ay dahil maghahanap na ako ng trabaho dahil 7 months na akong unemployed, hindi dahil tamad at enchoserang froglets ako ah. Ayaw ko kasing iwan si baby A hanggat hindi pa sya lumalaki ng onti kaya naghintay ako hanggang may 7 months na sya para maghanap ulit ng matinong trabaho atsaka gusto ko kasi hands on ako sa kanya.

"Alam mo Meg buti nalang andyan ka, 1 month old palang si baby A nung mapunta sya sa akin, wala naman na sila mama o kaya papa para gabayan ako sa mga bata, maski si ate Natalie ulilang lubos na din, wala rin naman na syang kamaganak buti nalang andyan ka, alam mo naman yung buhay ko diba dati." Sambit ko sa kaibigan ko habang naglilipit nung mga gamit na hindi naman kailangan.

"oo naman Bakla, ikaw ata ang babaeng walang responsibilidad sa diksyunaryo mo sa utak, hindi ka marunong sa ngi isang gawaing bahay, alam mo kung saan ka lang magaling? sa pagbubulakbol at pambabasted!" Kantyaw niya sa akin.

"Oh sige lait pa, mahihiya na talaga ako sayo -__-, lam ko naman yun nuh hahaha"

"Pero tingnan mo naman ngayon Mia, kung di nga lang kita kilala sasabihin kong may sumapi sayo na anghel eh."

"Adik! mommy na kasi ako ngayon at gagawin ko ang lahat para maging maayos si baby A. Hindi man sya galing sa akin o kaya naman hindi ako ang totoong nanay o kaya tatay niya, pupunan ko ng pagmamahal sya yung maraming marami. Sya ang naging daan para maging seryoso at responsable akong tao" Nakangiti kong sabi kay Meg.

"Alam mo bakla MOMMY FOR THE CENTURY KA NA! I am so proud of you!!! Natututo ka nang gumamit ng utak mo!!! Ang kailangan lang pala eh si baby A!! at BOOM!! gagana ang neurons mo!!"

*BOINK~

"Aray! bakla masakit yun ahh!"

"Heh! dami mo pang sinasabi ehhhh."

(insert iyak ng baby~")

O____________________O Anak ni Pooh! gising na si baby A!

Walang pasabi kong tinakbo ng mabilos ang kwarto ko, pagbukas ko ng pinto isang matamis na ngiti at gwapong muka ang tumambad sa akin. At ako si Mia Catherine Alcantara ang MOMMY OF THE CENTURY para sa cute at gwapong baby na si Aldrich Prince Alcantara.

And this is the start of my new status and life ^____________^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~&~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Enjoy and live well guys :))

XOXO

Baby, Me and the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon