Madilim ang nakaraan nang Mundo. Bago pa man likhain nang Mataas na Bathala ang Mundong ito may nauna nang nakatira dito.. Na kinalimutan at di na pinapansin nang mga tao. Di nila alam na ang mga ito ay naghihintay lamang nang muling pagbabalik nang kanilang itinakda para makuha ang mundo na para talaga sa kanila. Sila ang mag Saltimo o tinaguriang masasamang Salamangkero na gustong sakupin ang mundo mula sa mga Eutopero.
May isang propesiya ang naitala matapos ang digmaan daang taon na ang nakakaraan nakasaad dito ang mga katagang hanggang sa ngayon ay di pa rin alam kung kailan maisasakatuparan..
Sa pagbaba nang dalawang bituin sa langit magkakaroon nang matagal na kadiliman sa mundo. Dadanak ang dugo, mapupuno nang iyak at usok ang hangin. Ngunit sa pagdating nang tamang panahon ang dalawang bituin ay pagtatagpuin para tapusin ang kadiliman. At isa sa dalawang bituin ang magbubuo nang TOROBELYO.
Author's Note :
Ang kuwentong ito ay pawang kathang isip lamang anumang pangalan, lugar, petsa, o pangyayari na nasa kuwentong ito na may kahintulad sa totoong pangyayari ay pawang di sinasadya at nagkataon lamang.Ang lahat nang nilalaman nang akdang ito ay may karapatang pagmamay-ari nang manunulat ang sinumang kumopya, manggaya, at magkalat nang kopya manwal man o ginamitan nang teknolohiya na walang pahintulot sa May Akda ay mahigpit na di pinahihintulotan.
Plagiarism is a crime..
All rights reserved 2016©
Wattpad2016™
BINABASA MO ANG
Chronicles Of Eutopia: The Dragon Medallion
FantasyIsang karaniwang bagay na lang ang magkaroon ka nang kapangyarihan sa Bayan nang Eutopia . Ilang siglo na din bago natapos ang siglo nang madilim na panahon nila.. Ngunit ang inaakala nilang kapayapaan ay simula pa lang nang panibagong digmaan. Ang...